Chapter 73 Mother in-law

60 1 0
                                    




<Shielyn>

"Naipadala mo na ba sa bahay nila ang lahat? Ayusin mo ang trabaho mo. Kapag nahuli ka ay malilintikan ka sa akin."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng mama ni Ken.

Hinimas ko ang tiyan ko at sumilip sa pwesto nila.

May kausap siyang isang lalaki, at binigyan niya ito ng sobre na naglalaman ng pera. Ang daming pera.

Tinignan ng lalaki ang laman ng sobre, at ngumiti nang makita ang laman.

Sino ang lalaking kausap niya?

Nagtago ako sa mga halaman para hindi niya ako makita.

"Syempre madam, hindi ako nagpapahuli! Ako pa ba?! Tama ka ng taong nilapitan!" Malakas na sabi ng lalaki habang malaki ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig sa'yo," suway ni Susing sa lalaki.

Kabit siya ni Susing?

Napatakip ako sa bibig ko. Ang tanda na niya at humaharot pa siya. Mukhang binata ang lalaki. Infairness, may taste si mama.

"Gusto kong patayin mo ang anak nila," dinig ko na sabi ni Susing.

Muli akong sumilip.

Hindi ko ganoon makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod siya sa akin.

"Gagawin ko iyon," ngumisi ang lalaki, "kaya lang, mas malaki ang bayad sa ganoong bagay. Ang daming CCTV camera sa bahay nila, at nahirapan akong i-hack ang mga iyon. Hindi na rin ako makapasok sa loob ng bahay dahil hindi ko ma-hack ang CCTV. Pakiramdam ko ay alam na nila ang binabalak mo," sagot ng lalaki sa kanya.

Ano ang binabalak ni mama? Loading pa rin ang utak ko sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Magaling ang anak ko sa mga ganyang bagay, at marami siyang kaibigan. Kaya ikaw, ayusin mo ang trabaho mo. Gawan mo ng paraan para mawala ang anak nila."

Sino? Kaninong anak? Sino ba ang tinutukoy ni Mama?

"Bakit di mo na lang siya sagasaan, edi tapos ang problema mo!"

"Hindi ka na nakakatuwa! Gusto ko gawin mo ang bagay na iyon. Make sure na mamatay ang bata na nasa sinapupunan niya."

Napahawak ako sa tiyan ko.

"Basta lakihan mo ang bayad mo sa akin. Mayaman ang anak mo, at kapag pinatay ko ang apo mo ay baka huntingin ako ng iyong anak. Hindi namin kaya ng mga kasamaan ko ang bumangga ng ganoong kalaking tao."

Unit-unti ko ng naiintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Ako ang bahala sa'yo kapag may nangyaring hindi maganda. At gusto ko na mangyayari ang bagay na iyon ay parang isang aksidente," sabay ngisi ni mama.

"Bakit mo ba gustong patayin ang apo mo?" Usisa ng lalaki.

"Hindi kita binabayaran para magtanong sa akin."

"Sabi mo eh. Mauuna na ako, at may isa pa akong kliyente na kailangan kitain," paalam ng lalaki.

"Dumaan ka sa likod. Nandito ang anak ko, at ayaw kong makita ka niya. Kapag nakita ka ni Fiero ay baka paghinalaan ka niya. Dalawang beses ka na niyang nakita," paalala ni mama sa kanya.

Napatingin ako sa lalaki ng dumaan siya sa pwesto ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Tinignan niya ang tiyan ko at ngumisi siya. Wala siyang sinabi, at umalis na.

Isa lang ang masasabi ko. Kailangan ko ng umalis dito.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba diyan?!"

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now