"I don't know either." Kibit balikat na sagot niya sa akin.

Ang ganda ng sagot niya.

Lalo akong nainis sa sagot niya.

"Maghiwalay na lang tayo dahil wala ng patutunguhan ang kasal na ito!" Basta ang nasa isip ko lang ay makipaghiwalay sa kanya. Galit ako sa kanya.

"Why are you so mad, huh? I already answered your questions." Naguguluhang sabi niya.

"Ayoko na sa'yo! Gusto ko na lang makilala ang taong mamahalin ako at mamahalin ko. Ayaw ko na ng marriage na ito dahil hindi naman tayo compatible." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"We won't separate." Pinal na sabi niya at merong pride doon.

"Ayoko na! Palagi na lang ikaw ang nasusunod! Palagi na lang ikaw ang tama, palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw! You're just manipulating me!" Iyak ko.

"I'm not manipulating you, since did I manipulate you?"

Napaisip ako sa tanong niya. Wala akong maalala na ginawa niya iyon. Hindi ko lang maalala pero alam ko na meron.

"You're being brainwashed again." Dismayadong sabi niya.

"If you keep on listening to them, this marriage won't work." Advise niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa kanyang sinabi.

Ayaw ko din naman naman na mag failed ito. Sabi kasi sa akin, try daw makipaghiwalay baka sakali na maayos ang problema.

"Why don't you try to listen to yourself, huh? Stop listening to them!" Naiinis na din na sabi niya, "and I am here to guide you not manipulating you. I want you to grow and become a better woman."

Ako naman ang hindi nakapagsalita sa sinabi niya.

Masyado yatang napasama ang mga sinabi ko.

Naninibago lang din ako dahil hindi na siya galit, hindi siya nagalit at naninigaw, kalmado na siyang nakikipag-usap sa akin, hindi kagaya noon na ang bilis uminit ng ulo niya.

He wants the best for me.

I feel guilty. Ang kalmado na niyang makipag-usap sa akin. Bumait na siya. Hindi na siya naninigaw.

"Now, stop crying." Lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang luha ko.

"Ikaw na ang masusunod but we won't get divorce." Sabi niya habang patuloy lang sa pagpunas sa mga luha ko.

Bakit ba ayaw niyang makipaghiwalay sa akin? Wala naman siyang mapapala sa akin at sakit lang ng ulo ang binibigay ko sa kanya.

"Wala kayong relasyon nu'ng babaeng iyon?" Paninigurado ko.

Napahinto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

"You can ask her." Balewalang sagot niya at nagpatuloy sa pagtuyo sa mga luha ko.

"Pero nagagandahan ka sa kanya." Mapait na sabi ko.

Nakita ko na ngumisi siya.

"I'm not." Tanggi niya.

"Oo kaya! Lahat ng lalaki napapatingin kapag may magandang babae! At saka, bakit ba ayaw mong aminin? Pupusta ako na nagustuhan mo din siya! Baka nga nag fuck pa kayo!" Hindi ko na mapigilan ang bibig ko na sabihin ang mga iyon.

"I never fuck anyone in the company and I'm too busy to work. I don't have time to look for other girls." Kalmadong sagot niya sa akin.

Naninibago ako sa inaakto niya dahil ang kalmado niya.

Ang hirap awayin ng lalaking ito, inaaway ko pa lang solve na kaagad ang problema.

"Pero-"

"Wife, if I'm looking to women I already have different girlfriends." Pigil niya sa dapat na sasabihin ko.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now