Chapter 47: Chasing Demon

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang aking cellphone. What can I do for the meantime hanggang sa maantok ako? I start looking through the installed applications on my phone. Games? Social Media? Ano kaya magagawa ko? Hmm... Ah! Tawagan ko kaya si Lolo? Baka nasa other side of earth sya at umaga don!

*dialing number*

*phone rings*

Sana sagutin. Sana sagutin. Sana sagutin...

"Hello. Apo. Bakit ka napatawag?" tanong ni lolo mula sa kabilang linya. "Pagkakaalam ko gabi na dyan ah."

"Ah... Eh... Kasi po di pa ako inaantok. Are you busy lo?" tanong ko.

"Hindi naman kasi nasa byahe ako ngayon, bakit? May gusto ka bang sabihin?"

"Wala man po. Naghahanap lang po ako ng ka kwentuhan." sagot ko and again gazing back up the stars.

"Well... Ano ba ang gusto mong pagkwentuhan natin?" tanong ulit niya. Medyo nag-isip din ako ng matagal bago ako nakapag desisyon.

"Lo... Pwede po ba kayong magkwento tungkol kay dad? Sa real dad ko, I mean..."

"Makulit sya, sutil, matigas ang ulo, pasaway, pero matatag, tapat, malakas at maaasahan. Katulad mo na sutil din pag minsan pero alam ko dyan sa loob-looban mo malakas at matatag ka katulad pareho ng mama at papa mo."

"Lo... Ano po ba ang itsura nya?"

"Um... Syempre gwapo mana sa lolo mo." pareho kaming napatawa ng saglit. "Matangkad, matangos ang ilong, at medyo maputi."

"Bakit po nya kami iniwan ni mama?"

"Mahalaga kayo para sa kaniya, apo. Noon, delekado ang kaniyang trabaho at di nya kayo hinayaang madamay pa don kaya kusa siyang umalis–"

"–At di na bumalik kelan man." thinking about what I said utay-utay na namumuo ang mga luha sa mata ko.

"Hindi yan totoo... Babalik at magkikita pa kayo ng papa mo, kelan man hindi ka niya iniwan Axelle."

"Eh bakit pati nung libing ni mama di man lang siya nagparamdam kung talagang lagi siyang andyan?" then bigla nalang may naramdaman akong pumatak sa braso kong tubig.

"Kung maniniwala ka lang... Lagi-lagi siyang nariyan at binabantayan o minamatyagan ka."

"How do you know?"

"Dahil ako ang tatay nya. I know him. Hindi ka niya iiwan. Mabuti pa siguro apo ay matulog ka na at andito na rin ako sa destinasyon ko. Good night."

"Good night din po."

*call ended.*

Pinawi ko yung mga luha ko sa mata bago pa ako maabutan nina Ella na umiiyak at saka nahiga na sa aking kama at pumikit. Pilit kong binubura sa isip ko yung napagkwentuhan namin ni lolo. Kahit na hanggang ngayon same questions same answers pa rin ang nangyayari, at ang mga sagot na iyon ay mahirap matanggap. I wish it could be something more...

More like a happy and complete family...

Tory's POV:

Dahil nga di panaman kami ni Ella pagod na pagod at kaya pa naman ay nagbabantay pa kami. Siguro mga dalawang oras pa 'till time out.

"Pst. Ella. Sigurado ka bang ayos lang si Axelle maiwan don ng mag-isa?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Makikita naman sa mukha niya na wala siyang gagawing pasaway na bagay habang wala tayo, at saka binasa ko na isip nya kanina, at magtitino daw sya." sagot niya. "Sige... Isang round pa tayo paikot sa rooms nina Riel at Roshae."

"Sige."

"Communicate with me kapag may napansin kang kakaiba ha."

We parted our ways, ako, I'm on my way towards Roshae's dorm room habang pinaiikot-ikot yung staff na dala ko sa aking kamay. Hindi pa man ako nakakalayo ay may napakinggan akong kumakaluskos sa isang tabi malapit sa dalawang magkadikit na puno ng mangga. I stopped on my tracks at pinakinggan ulit. Totoo ngang may kumakaluskos kaya naman ay dahan-dahan at tahimik akong lumapit sa kinaroroonan ng mga tunog. My staff is glowing preparing for an attack.

"Hey!"

Napalingon ako sa biglang tumawag na boses babae mula sa taas na sanga ng puno. She stood there arms crossed habang naka tungo sa akin. Her black eyes meet mine. She half smiled at me na para bang may binabalak siyang gawin.

"Nag-iisa ka lang ba?" tanong niya narrowing her eyes.

"I can take you down kahit na mag-isa lang ako." sagot ko naman sabay higpit ng kapit sa staff ko.

"Oh... Really? Gusto ko pa sanang makipaglaro para malaman, pero may gagawin pa ako. See ya." with that bigla nalang siyang naging parang usok at humalo sa hangin sabay na mabilis na tinahak ang daan papuntang dorm. Oh NO! I need to stop her!

"Ella papunta sya sa dorm ni Roshae!" sigaw ko kay Ella mula sa isip ko.

"I'm on my way!" sagot niya pabalik.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon