Chapter 35: Phantom Hunters

Start from the beginning
                                    

Nabahala si Mr. Daniel. "Sino ang demon na tinutukoy mo?" tanong niya.

"Kakatapos lang ng panghapon kong misa noon at nagulat ako pagbalik ko sa aking silid dito sa kumbento ay naghihintay malapit sa aking lamesa ang isang itim at malaking lobo, si Azcar. Hindi pa nga ako pumapasok non sa loob alam ko na na may parang masamang inerhiya ang nagmumula sa loob. Hindi ko inaasahang dadalawin niya ako."

"Ano ang naging pakay niya?"

"Katulad nga ng sinabi mo hinahanap din niya ang nawawalang anak ni Jalvirus."

"Pero bakit ikaw ang kaniyang pinuntahan at hinihingan pa ng mga kasagutan may nalalaman ka ba?"

"Hindi ako nagbigay ng impormasyon sa kaniya at patuloy lang akong tumatanggi sa mga sinasabi niya, pero sa tingin ko may maibabahagi akong impormasyon sa iyo na makakatulong din sa mga knights, iyon ay nagkakilala kami ng mga naging magulang ng anak ni Jalvirus dito sa mundo ng mga tao at sa tingin ko iyon yung impormasyong hinahanap ni Azcar."


Back to Green Hills Academy...

Axelle's POV:

Kasama ko ngayon si Jessica hindi si Gray Head palabas ng Literature class, katatapos lang kasi namin at balak naming hanapin yon iba pa para sabay-sabay kaming mag lunch sa may canteen. Pero bago pa lang kami naka labas ng pinto ay sinalubong na kami ng energetic na si Jenna ang VP ng Phantom Hunters at hinahanap kami.

"Saan?"

"Sa Phantom Hunters Club Room third floor room 405, se ya there!" and there she goes skipping away. What's up with her today anyway? Hindi ko nga pala napansin si Jessica na biglang nag-iba yung mood at nanahimik.

"Jess? Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bigla nalang siyang parang nagising.

"Ah! Oo, ano tara na?"

"Sige."

At naglakad na nga kami papunta sa may third floor. Biglang nag-iba ang atmosphere talaga nitong si Jessica. I can't hep but to think na kung ano na ngayon ang tumatakbo sa isip ni Jessica.

Jessica's POV:

Third Floor; Room 405...

Iyon yung huling room na kung saan nahuli namin yong isa sa mga demon na hinahanap namin. Later these days, mahirap mang aminin pero nahihirapan kami sa paghuli sa dalawa pang kambal na demon. Maaaring alam na rin nila na nandito kami at hina-hunting sila. Pero ano naman kaya ang meron don sa Room 405 at bakit ito hinahalugad ng isa nilang kasamahan?

Umakyat kami sa may hagdan hanggang sa makarating kami sa isang mahabang hallway at habang papalapit kami sa may pintuan ng room 405 masaya na kaming kinakawayan ni Jenna na naka silip sa may pinto. Pagkarating namin sa loob ng room may dalawa pang estudyante ang naroroon yung isang babae naka upo sa may bangko sa unahan at yung lalaki naman na mukhang nerdy ay naka upo sa isa sa mga naka kalat na bangko malapit sa unahan.

"Micah this is Jessica and Axelle."Pagpapakilala ni Jenna sa aming dalawa. "Jessica, Axelle this is Micah the president of the club and that nerdy boy over there is Andrew."

"Hindi ako nerd!" biglang salita ni Andrew. "I just like wearing glasses."

"Anyway... Welcome new club members to our Phantom Headquarters. Salamat sa pag join sa club namin."

"Walang ano man... so anything special about today? Bakit tayo naririto?" tanong ko habang naupo katabi ni Axelle na nasa likuran ni Jenna at Andrew. Mula sa kaniyang pagkaka-upo tumayo si Micah at hinarap kami.

"Ladies and Gentlemen! Para sa dalawang new members I'll make this short. Sa nakalipas na mga araw marami nang estudyante ang napapahamak at nasa ospital ngayon dahil sa naka receive sila ng isang threat or warning message na galing sa di pa din nakikilalang tao o mga tao. As far as we all know ang lahat ay nababahala na dahil dito pati si Mam Reamosio. Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang maayos ang security cameras dito sa room natin at ako at si Drew ay isang araw na naglinis dito sa loob ng room na ito na dati ay magulo. Hinala ko pinasok itong room natin ng kung sino man at hinalughog ang buong silid. May ilang mga importanteng dokumentong nakulekta ang club na ito sa mga nagdaang hunt at sa tingin ko iyon ang hinahanap nung taong iyon. Now that the securities are working malalaman natin kung may pumapasok na ibang tao dito. The security manager will notify me quickly kung may hindi ka member natin ang pumasok dito. And to be safe, tinago ko muna yung ibang important files sa secret hidden place na soon nyong malalaman newbies. For our first hunt, uncover who the unknown number belongs to, if we find the owner we stop its bloody game, at meron akong feeling na estudyante rin siya rito." paliwanag niya.

Damn... Micah got it right. Siguro makakakuha rin ako ng glimpse or later on ng buong detalye about sa importanteng papeles na sinasabi niya. Baka nga iyon ang naging sadya nung demon dito. Ano kaya ang laman ng mga papeles na iyon?

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now