EPILOGUE

1.1K 31 7
                                    

[10 YEARS LATER]

 

“Josiah, you may now kiss the bride,” narinig kong sabi ng pastor.

Napangiti ako agad nang marinig ko ‘yon.

Hindi ko rin talaga inakalang maririnig ko ang mga salitang yun na para kay Josiah.

Pero masaya ako dahil kitang-kita ko rin ang sobra-sobrang saya sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakita sakanya ang ganitong klaseng saya.

Sa tingin ko, ngayon ko lang nakita ang totoong pagmamahal niya.

Kaya naman narinig kong maghiyawan at magpalakpakan ang lahat nang halikan na niya si Lia, ang bagong Mrs. Vargas.

Hindi na rin ako nagpahuli. Pumalakpak din ako ng ubod ng lakas at sumabay sa hiyawan ng mga tao.

Sobrang saya ko. Napakasaya kong makita si Josiah na gumagawa ng desisyon na habang-buhay niyang mamahalin ang asawa niya.

Masaya akong nahanap na niya ang makakasama niya habambuhay.

“Hmm... ‘Mr. & Mrs. Vargas’,” sabi nitong katabi ko.

“Oo, Zac. Bakit? May problema ka ba?” pabiro kong pagbabanta sakanya.

Ngumiti siya sa akin na parang may tinatago. “Wala naman. Hehehe.”

 

“Hmmm...?”

 

“Sinong mag-aakalang si Lia din pala makakatuluyan niya?” sabi ni Zac. “Eh noon... kayong dalawa ang ultimate loveteam eh. Hehehehe.”

 

“Hahampasin kita. ‘Di ako nagbibiro!” banta ko naman sakanya.

“Hahahaha. Ok ok! Chill ka lang!” suko niya. “Pero... ‘di ka ba nagseselos?”

 

Hay nako! Kahit kelan talaga napakasutil nito!

“Zac naman. Bakit pa ako magseselos? Eh masayang-masaya naman na ako sa buhay ko! Meron akong magandang trabaho, nandiyan ang mga kaibigan ko, at may isang taong sobra-sobrang nagmamahal sa akin,” sabi ko sabay ngiti.

“Viaaaaaaaaan, my love so sweet!” narinig kong may sumigaw sa likod ko.

“And speaking of him...” sabi ko kay Zac.

Lumingon ako para salubungin siya. “Babe naman. Kailangan talagang isigaw ang pangalan ko?”

 

Ngumiti siya sakin na parang bata. “Syempre! Dapat lang na malaman ng lahat na nandito ang pinakamamahal ko.”

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now