Chapter 19

888 14 0
                                    

Bakasyon na naman. Oo, ganyan kabilis ang panahon.

Wala na namang pera. At panahon ng mga tamad ngayon, kaya taong bahay lang ako. Pati si Josiah.

Imbes na ngayon sana kami mag-date ng mag-date, nasa sari-sariling bahay kami. Parehong tamad eh. -__-

Pero ngayon, iba. Nasa airport kasi ako ngayon. Pupunta kaming Macau. Dun kami hanggang pasukan. Isang buwan din kami dun.

Si Josiah naman, lalabas din ng bansa. Kaya talagang magkakahiwalay kami. Haaay.

Nakapagpaalam naman kami sa isa’t isa ng maayos. At isa pa, isang buwan lang naman eh. Kaya yan!

*riiiiing riiiiiiing*

Aba! Tumatawag si Josiah! Namiss agad ako? Hahahaha.

“Oh? Namiss mo na ako? Hahaha,” asar ko sakanya.

Hindi ah. Tss, sabi niya. Pa-cool pa eh. Tss. Ipapaalala ko lang yung pasalubong ko. ‘Wag mong kalimutan ha.

Pasalubong your face.

“Bakit? May binigay kang pambili sakin?”

Tch. May pambili ka naman eh, sabi niya. Nga pala. Nakapa ko na yung pinapatugtog mo sakin. Dali lang pala eh.

Ang yabang. -__-

“Edi ayos! Turo mo sakin ‘pag balik natin ha. Nakuha ko na rin yung bagong kanta ng Kamikazee. Madali lang. Kapain mo na din.”

Sige. Tugtogin natin pagbalik,sabi naman niya. Nabuwag pala sa number 1 si Quest kanina sa Daily Top Ten. Nakakabanas nga eh.

“Talaga?! Tss. ‘Di ako nakanood eh. Ang aga naming umalis. -__- Sinong pumalit?”

Ewan. Basta K-Pop, sagot naman ng musikerong boyfriend ko.

“Tss. Mag-vote ka pa kasi! Yaman yaman mo sa load eh! (-__-)”

Ikaw din naman.

“Oo nga! Nag-vo-vote naman ako. Minu-minuto pa nga eh.”

Oo na. Magvo-vote na. Online pa nga eh. Tss.

“Good! Para ‘to sa OPM!”

Oo, alam ko. Alam mo din namang ‘di ko hahayaang matibag ang OPM.

“Oo naman. Pakner tayo diyan diba?”

Bigla kong narinig na tinatawag na kami at yung iba pang pasahero para sumakay na ng eroplano. Tinatawag na din ako ni kuya para pumila.

Hay eto na. Paalam muna kay Josiah.T___T

Sasakay na kayo? tanong niya.

“Oo eh. Sige ha. Tinatawag na ako ni kuya,” sabi ko.

H-ha. Aah... Ah, sige. Sakay na kayo, sabi niya.

“Sige. Bye na. See you soon.”

Sige, bye. Ingat kayo, sabi niya. Mamimiss kita.

Nahulog ata ang puso ko. >//////<

Josiah talaga. Kahit kelan iba talaga dating mo sakin!

“M-mamimiss din kita.”

Osige na. Sakay na. Bye.

“Bye bye!”

I love you.

O//////////O

‘Di nalang ako aalis.

Aish. Josiah naman eh. Pinapahirapan mo ‘ko. Lalo kitang mamimiss eh! Tss. >////<

“I-I love you.”

“Vian! Tara na! Ibaba mo na yan!” sigaw sakin bigla ni kuya.

-___-

Sira ang moment.

Syempre agad ko nang binaba ang phone ko.

Haaaayy. Mamimiss ko talaga siya. Sobra. Isang buwan na wala si Josiah.

Anong klaseng bakasyon ba ‘to?!

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon