Chapter 43

676 8 2
                                    

Hindi na ako nakapagsalita. Tahimik nalang kaming umupo sa rooftop. Halos thirty minutes na ata kami dun, at wala paring nagsasalita.

Tulad ng noon. Tahimik lang, walang nagsasalita. Tambay lang talaga. Eh ganun kaming dalawa diba? Mula pa noon.

Ibang-iba sa mga pagtambay namin ni Zac. Etong si Zac naman kasi napakadaldal, parang dapat laging nagsasalita. Pero kahit pano, masaya naman.

Ibang-iba talaga sa ganito.

Speaking of Zac... O____O

Tumayo ako agad. “A-Ahh... Eh... Kailangan ko na palang umalis. Magkikita kasi kami ni Zac ngayon,” sabi ko.

“ZAC?!” biglang sigaw niya. Tumayo siya at humarap sa akin.

O__O Halos mapatalon ako sa sigaw niya. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganyan. Nakakatakot.

“Si Zac na naman?! Nandito na nga ako eh! Ano pa bang gusto mo?!”

 

“N-Napagusapan kasi namin na m-magkikita kami ngayon,” mahina kong sabi. >.< Nakakatakot talaga.

“TAPOS? IPAGPAPALIT MO NA AKO SAKANYA?! BUMALIK NA NGA AKO SAYO EH!”

 

A-Ano? Ish... Natatakot talaga ako. Pero... ayoko namang makipag-away pa sakanya. Nagka-ayos na nga kami eh.

“H-Hindi... S-Sige, dito nalang ako. Hindi na ako aalis,” sabi ko at umupo ulit sa tabi niya.

Tumahimik din siya agad.

Ano bang nangyari sakanya?! Nakakatakot! Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganyan. Hindi naman siya ganyan, diba?

Kakaiba na siya.

At si Zac! Nako. Itetext ko na nga lang!

Ish. AY! Naiwan ko yung phone ko sa kwarto! >.< Magaling, Vian. Napakagaling. Tch.

Hay, mag-eexplain nalang ako sakanya ‘pag nagkita kami. Sigurado namang maiintindihan niya. Alam niya naman kung gaano katagal kong hinintay ang moment na ‘to eh!

Hayy... Sorry, Zac. >.<

***

“Babe, dito ka na sa tabi ko umupo,” tawag sakin ni Josiah pagkaakyat ko ng bus kinabukasan.

HUWAT?! ‘Babe’ daw?! OMG! Sila na ulit?! –classmate1

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now