Chapter 33

751 8 1
                                    

PARK HYUNG SEOK as ZACHARY RAMOS! Hihihi. LABYU! <3

***

Sana bumagyo. O kaya lumindol. O kaya masunog yung school. Sana magkasakit nalang ako bigla.

Tss. Sino bang niloloko ko?!

Wala na! Wala na ‘kong magagawa! Nandito na ako sa school! (-_________-)

Ayoko pang pumasok. Parang ‘di ko pa kayang harapin si Josiah. Oo, kagabi kahit papano medyo naging ok ako dahil nga sa ginawa ni Zac. Nakatulog din naman ako kagabi kahit pano.

Pero paano ‘pag nakita ko ulit si Josiah? Pano ‘pag nagkasalubong kami? Pano ‘pag maramdaman ko na naman yung sobrang lamig na pakikitungo niya sakin?

‘Di ko alam kung kakayanin kong magpatuloy nang hindi umiiyak.

UGH. ANO BA ‘TO. NAKAKAASAR TALAGA!

“Psst! Uy, Vian!” Kilala ko na naman ang boses na ‘yan. Napatigil ako at hinintay ko siyang lumapit sa akin. “Ok ka na ba?”

 

 

“HINDE!” agad kong sagot.

“H-Ha? Bakit naman?”

 

 

“Pano ‘pag nagkita kami ulit? Pano ‘pag nagkasalubong kami? Tss. Nakakainis kasi ‘tong mga mata ko eh! Baka ‘di ko mapigilan!” reklamo ko.

Kunwari lang nagrereklamo ako. Pero ang totoo, takot na takot lang talaga akong masaktan ulit.

“Tch! Yun lang ba? Tara, sasamahan na kita! ‘Di ko siya hahayaang makalapit sayo!” sabi niya na may kung anong drama.

Tss. Mukhang baliw.

Pero sumunod naman ako sakanya papasok ng school at sa pagpunta ng classroom.

“Oh, ayan, nandito na tayo. May nasalubong ka bang...lalaking naka-black na parang laging galit sa mundo? Wala!” sabi niya pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto. “Ikaw kasi, masyadong kabado!”

 

 

“Tse! Umupo ka nalang!” sabi ko nalang.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now