Chapter 4

1.7K 48 1
                                    

Naka-recover na ako sa mga pangyayari kahapon.

Dali ko ngang naka-move on eh. Wahaha.

Nung kinwento ko kina Belle at Shia, halos batukan nila ako. ‘Di kasi naniniwala. Mga walang tiwala. -___-

Kung sabagay, kung sila ang nagkwento ng ganun, babatukan ko talaga sila sa pagiging sobrang ilusyonada.

Pero kahit papano, natanggap ko naman na naging magkaibigan na talaga kami ni Josiah.

Unbelievable diba?!

Speaking of... Nakaupo si Josiah sa tabi ng upuan ko, at nakaheadbow. Parang tulog.

“Aba, aga natin ngayon ah,” sabi ko.

Ngayon niya lang kasi ako naunahan sa pagpasok sa school. ‘Pag dumadating kasi siya, saktong mag-riring na yung bell. Astig nga eh. Laging ontime.

Umupo siya bigla ng maayos. Gising naman pala eh.

“’Di naman ako laging late. Kaya lang naman ako na-late nung first day kasi nagpa-party si Patrick, the night before. Napuyat tuloy ako,” kwento niya. Dumaldal bigla.

“Oh, bakit? Affected ka? Sinasabi ko lang naman ah.”

 

Binelatan niya ako.

“Tss. Mature mo ha,” sabi ko.

Pero... Wahahaha. Gusto ko siyang tawanan. Yung itchura niya kasing nakalabas yung dila. Parang bata.

“Oh, bakit? Ikaw lang naman nakakita ah,” mahina niyang sabi.

Sabagay. Tch.

“Good morning, class,” entrada ni sir. “Please get a partner, then we’ll proceed to the library for an activity.” Agad din siyang lumabas.

Napatingin ako kay Josiah. Nakatingin din siya sakin. Tapos tumango siya.

Edi kami na ang magkapartner.

Malamang naman. May choice pa ba?

Pagpunta namin sa library, putek, pinagtinginan ba naman kami habang papunta sa isang table. Ano bang problema ng mga ‘to?

Ay, sabagay, naiintindihan ko naman sila.

Diba nga sabi ko, Maharlika lang lagi ang kasama niya. O kung hindi man, mag-isa lang siya.

Pero grabe ha. Ano ba ‘to?! Para silang nanonood ng sine eh!

That Guitar PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ