Chapter 51

750 15 2
                                    

Her x-rays are normal. She also doesn’t seem to have a concussion. So, I guess she’ll be fine. We’re still going to have to observe her for a few more hours, but I think she’s going to wake up soon,” rinig kong sabi ng isang boses sa kwarto paggising ko.

Narinig ko ring nagbukas at nagsara ang pinto. Dun ko nalang napansin na nasa kakaibang kwarto ako.

Medyo malamig, puti yung mga pader, at parang tahimik.

Pagtingin ko sa tabi ko, nakita kong nakaupo si Josiah sa isang tabi. Nakayuko siya, hawak ang ulo niya. Si Zac din nakaupo sa tapat niya. Nakatitig lang siya sa pader.

T-Teka, nasa ospital ba ako?

Ang sakit ng ulo ko! Nakakahilong umupo.

“A-Aray,” sabi ko habang sinusubukan kong umupo. Biglang lumabo ang mata ko at dumilim bigla ang paningin ko.

“Vian!” narinig ko ang boses ni Josiah na papalapit sakin. “Gising ka na pala! Kamusta na ang pakiramdam mo? O-Ok ka na ba?”

“W-Wala akong m-makita!” sabi ko. Sobrang dilim ng paligid.

Naramdaman kong  may kamay na humawak sakin at inalalayan ako para humiga ulit.

“Pumikit ka muna,” bulong ni Josiah. Agad ko namang ginawa. “Wag mong biglain ang sarili mo. Humiga ka muna.”

Pumikit lang ako at hindi muna nagsalita.

Nararamdaman ko parin yung kamay ni Josiah na nakahawak sa kamay ko. Unti-unti ko ding nararamdaman na nawawala ang pagkahilo ko at sakit ng ulo.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Dun ko nalang nakita na katabi ko na si Josiah at hawak niya ang kamay ko. Napansin ko rin na nakatayo sa likod niya si Zac.

“N-Nasan ako?” tanong ko sakanila. “Anong nangyari?”

Napatingin sila bigla sa isa’t isa, at parang  sobrang lungkot ng mga itchura nila. Bakit hindi sila makasagot?! Ano bang nangyari?!

“Vian, mabuti naman at nagising ka na. Ako si Dr. Reyes at nandito ka sa ospital,” sabi nung bagong dating. “Dinala ka nila dito dahil, sa pagkakaalam ko, nasuntok ka at nawalan ka ng malay sa lakas ng pagkakasuntok sayo. Pero based sa mga tests, normal naman ang lahat at kailangan mo lang magpahinga. Natawagan na rin ang kuya mo at papunta na siya dito.”

Ano daw? N-Nasuntok ako?!

“Maiwan ko muna kayo. Babalik nalang ako mamaya para i-check ka,” sabi nung doctor sakin at saka umalis.

“N-Nasuntok ako? P-Pero... pano?” tanong ko sakanila.

Pero gaya ng kanina, umiwas sila ng tingin sa akin, at walang sumagot.

Ano bang nangyari?

Ang huling natatandaan ko, nagkita kami ni Zac at pumunta kami sa field para mag-usap. Napag-usapan namin yung tungkol samin. At naaalala kong... aalis na si Zac, at iiwan na niya ako dito. Wala nang mangyayari pa sa aming dalawa.

At pagkatapos nun... biglang dumating si Josiah. Sinugod niya si Zac at nagsusuntukan sila sa harap ko. Sinubukan ko silang patigilin, kaya pumunta ako sa gitna nila. Tapos—

“J-Josiah?” bulong ko.

Napatingin ako sakanya, at hindi parin siya makatingin ng derecho sakin. Pero nakita ko yung mga mata niya—yung mga mata niyang halos lumuha na din.

That Guitar PlayerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora