Chapter 20

930 15 0
                                    

Dahil malapit lang naman ang Macau, maya-maya ay nagland na din kami. Pagkatapos, nag-taxi kami papunta sa bahay na tutuluyan namin.

Buong angkan ata namin ang nandun eh!

Padilim na nang nakalabas kami ng airport. Kaya libo-libong ilaw ang sumalubong samin sa daan papunta sa bahay. Grabe. Sobrang liwanag.

At napakagaganda pa ng mga buildings ng mga casino. Nakakatuwang tignan.

Pagdating namin ni kuya sa bahay, kitang-kitang ang dami-daming tao sa loob. Pinindot namin ang doorbell. Maya-maya, bumukas ang pinto at lumabas ang isang pinsan namin, si Katie.

“Uy! Vian! Terrence! Nandito na pala kayo. Pasok kayo. Kumakain na kami eh. Sabay na kayo,” bungad samin ni Katie na talagang ‘di nawawalang ng energy.

Ngumiti nalang kami ni kuya. Pareho na kaming pagod eh. Buti nalang hapon yung flight namin. At least makakatulog muna kami ngayon.

Sumunod nalang kami ni kuya papasok ng bahay. Medyo naririnig ko na ang ingay sa loob.

Ayan na po ang ingay. -__-

Maiingay kasi talaga sila eh. Yun pa yung isa kong iniisip bago kami nagpunta.

Sanay na sanay kasi ako sa katahimikan naming dalawa ni Josiah. Pano na kaya ako dito sa kaingayan na ‘to?

“Tita! Tito! Nandito na sina Terrence!” sigaw ni Katie pagtapak namin sa loob ng bahay.

Maingay. -__-

Ang dami nga nila dun. Mga tito at tita, at samu’t saring mga pinsan.

Buti nagkakasya kami dito sa bahay. Well, sabagay, malaki naman itong mansyon.

“Oh, Terrence! Vian! Kamusta ang biyahe niyo?” tanong ni mama. Lumapit kami ni kuya sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Pati na rin si papa.

“Ok lang naman po,” sagot ni kuya.

Aba! Wala nang ibang sinabi si kuya! Himala! Pagod nga talaga siya. Hahaha.

“Sige na, kumain na kayo nang makapagpahinga na,” sabi ni papa.

“Katie, Bea. Bukas na kayo makipagchismisan ha,” sabi ni tita Jenny sa mga anak niyang babae. “Mark, matulog din ng maaga.”

Si Katie at Bea ang medyo ka-edad ko. Si Mark ang ka-edad ni kuya. Pasensya na ha. Si kuya Terrence lang kasi ang tinatawag kong kuya. Special daw kasi.

Tss. Special talaga. Special ang mukha niya. -__-

Kahit ganun ang sinabi ng mga tito at tita namin, sinimulan parin nila ang kwentuhan nung gabing yun, habang kumakain kami.

Tss. Tulog-tulog daw. Papakwentuhin din pala kami eh. -__- (Ang bitter ko.)

“Kamusta naman sa school?” tanong ni tito Luis. Pasensya na, madaming pangalan. Basta kamag-anak ko yang mga yan.

“Ok naman po,” sagot namin ni kuya Terrence.

“Kamusta na nga pala si Ava, Terrence?” tanong ni tita Jenny kay kuya. Kilala din kasi nila si ate Ava. Magkaibigan kasi yung lolo namin at lolo ni ate Ava. Kaya talagang malapit ang mga pamilya namin.

“Ok naman po. Medyo busy kasi siya ngayon kaya ‘di siya nakasama,” sagot naman ni kuya Terrence.

Ang dami niyo nang nalalaman tungkol sa love life ng iba ‘no? Kamusta naman daw ako?

“Ikaw, Vian? May boyfriend ka na ba?” biglang tanong ni tita Jenny.

Ayan na nga ang sinasabi ko eh. Joke lang naman yun eh. -__- Lovelife nalang ulit ni kuya.

Aish. Nakaka-kaba naman. ‘Di ko pa ata kasi namemention kila mama ang tungkol kay Josiah. Gusto ko din naman na malaman nila. Problema nga lang, lagi kong nakakalimutang sabihin.

“Sabi samin ng kuya mo meron na daw,” sabi ni mama. Napatingin ako kay kuya. Iniiwasan niya ang tingin ko. “Totoo ba?”

Papatayin kita kuya. :)

Eh nasabi na pala eh! Buti naman. Siguradong mas patay ako ‘pag ngayon palang nila malalaman.

“Um, opo,” nahihiya kong sinabi.

Naghiyawan naman ang mga pinsan ko.

Kayo na excited. -__-

“Totoo pala,” sabi ni mama ng may ngiti. Buti nalang may ngiti!

“Sino ba siya, anak?” tanong ni papa.

Nahiya naman daw ako konti. Parang namumula na ako. “Si Josiah Vargas po.”

Ang init na ng mukha ko! >///////<

Ewan ko pero parang may nakita akong maliit na ngiti sa labi ng tatay ko. Siguro natatawa sa itchura ko ngayong namumula na parang kamatis.

“Anak, sabihin mo lang kung sinasaktan ka ng lalakeng yun ha,” sabi ni papa sakin.

Bigla namang sumabat si tito Luis, “Oo nga iha. Sabihin mo lang.”

“Susugurin namin yan,” sabi din ni tito James.

“Pati kami. Reresbak kami,” sabi naman ng mga pinsan ko.

Napangiti naman ako. Natuwa naman ako kahit papano sa concern nila.

Pero gusto kong sabihin na ‘di niya kayang gawin yun.

‘Di niya kayang saktan ako.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now