Chapter 31

720 14 0
                                    

Si Josiah, nagwawala sa restobar. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kitang-kitang lasing siya. Buti nalang at ‘di siya pinapansin masyado ng mga tao. Nasa likod kasi sila.

Pano niya nagawa ‘to?! Akala ko ba hindi siya umiinom?! May hawak pa siyang sigarilyo!

Aish. Hindi lang ako naiinis eh, nasasaktan din ako. Sinabi niya sa akin na hindi siya umiinom eh. Tapos ganito?!

Tss. Pinuntahan ko siya agad. Ang sakit kasing makita siyang ganito. Mahal ko siya eh, diba? Mahal ko parin naman kasi siya.

Nandun din yung mga boyfriend ng dalawa, tinutulungang makauwi si Josiah. Hirap na hirap kasi siyang tumayo, kaya inaalalayan siya nung tatlo.

Malapit na ako sakanila nang biglang matumba si Josiah. Kaya napatakbo ako agad para tulungan siya.

Hinawakan ko ang mga braso niya at tinulungan siyang makatayo.

“Josiah... ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?” sabi ko sakanya. “Please... itigil mo na ‘to. Tama na, Josiah...”

Ang sakit kasi talagang makita siyang ganito eh. Alam ko, hindi niya ako pinapansin, pero may pakialam parin ako sakanya. Mahalaga parin siya sakin.

“TIGILAN MO NGA AKO!” biglang sigaw ni Josiah sabay tanggal ng mga braso niya sa pagkakahawak ko. Napatangin ang mga kaibigan namin; gulat sa pagsigaw niya.

Tinignan niya ako; tinitigan. At yung titig niya, para akong sinasaksak. Napakasama ng tingin niya sa akin. Kitang-kita ang galit. “PWEDE BA, TIGILAN MO NA AKO! HINDI MO PA BA NAIINTINDIHAN?! TAPOS NA TAYO! WALA NA!”

Aray.

Walang sapat na salita para masabi ko kung gaano kasakit ang narinig ko.

Wala. Wala talaga.

Basta nanghina nalang ako bigla, at nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko habang si Josiah naman ay tahimik nang umalis.

Hindi ko ‘to kaya.

Pakiramdam ko talaga kinuha sa akin ang buong buhay ko.

Pero siguro yun na yung sign. Parang natauhan ako bigla. Naramdaman kong oras na para sumuko.

Wala na akong pag-asa.

Sobra na niya akong nasasaktan! Sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya.

Siguro dapat na nga akong sumuko. Maybe it’s time to move on.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Masyado akong nasaktan.

“SIGE! TITIGILAN NA KITA! TUTAL YAN NAMAN ANG GUSTO MO EH!” Hindi ko napigilang sumigaw. “TITIGIL NA AKO! NASASAKTAN DIN LANG NAMAN AKO EH!”

Natahimik bigla ang lahat at nakatingin sa aming dalawa.

Hindi ko na nakayanan ang emosyon ko. Sinisigawan ko siya, linalabas ko ang sama ng loob ko, pero umiiyak ako.

Umiiyak ako dahil nasaktan ako. At siguro din dahil... ayaw ko pa sanang sumuko. Pero wala na akong magagawa. Tinutulak na niya ako palayo.

“Pero etong tandaan mo,” sabi ko sakanya.Lumapit ako’t tinignan siya sa mga mata. “Minahal kita ng sobra, Josiah... sobra-sobra.”

Nakita ko ang biglang gulat sa mga mata niya.

Pero hindi na ako naghintay ng kung ano mang pwede niyang sabihin. Tumalikod na ako at tumakbo palabas.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon