Chapter 39

746 7 0
                                    

Pagkatapos ng dinner, sa tingin mo ba matutulog na kami agad? Syempre hindi no! Bwahahaha. It’s time to parteeey!

“Hoy, Ramos,” sabi ni Shia habang papasok kaming apat sa isang magandang restobar. “Pano mo nalaman ‘tong restobar na ‘to?”

“Tita ko ang may-ari nito,” sagot naman ni Zac habang naglalakad kami papunta sa isang table.

Oh edi sila na ang sobrang yaman. Hanggang dito ba naman, sakop ng pamilya niya. Tch! At hindi lang ‘to basta kung anong cheap na restobar. Pang sosyal talaga!

“Woooow. Ang ganda. Hihihi. Asan na ba kasi sina Robbie? Ang babagal talaga. Lagi pang nagpapahuli. Napaka-aarte,” sabi ni Belle.

“Hahaha. Tamang-tama nga eh! Makaka-order na tayo habang hinihintay sila,” sabi naman ni Zac sabay abot samin ng menu.

“Kakain ka na naman?! ‘Di ka pa ba nabusog? Kaka-kain lang natin a!” protesta ko.

“Oh bakit? Ayaw ko lang naman kayong magutom aa. Lalo na ikaw!” sabat naman nito. Tch.

“Ahihihi. Psst. Vian! Tignan mo nga yung damit ni Zac. Saang material gawa yan?” biglang singit ni Shia.

o.O?! Pakialam ko sa damit ni Zac?!

“ANO?! Mga baliw! Malay ko ba kung saan gawa yan! TCH!” –Ako.

“Kasi parang... boyfriend material. HAHAHAHAHAHAHAHA.” –Silang dalawa.

Whut. o.O?! (?____?)

“Ganyan ba talaga ‘pag wala yung mga boypren niyo? Kumo-korni kayo? Tss.”

Nakakaasaaaaar. >.<

“Hahahaha! Oh dali na. Umorder na kayo. Ako nang bahala,” sabi ni Zac.

Tss. Napaka-yaman.

At dahil libre, wala pang ten minutes nakapag-order na yung dalawa para sa aming lahat. Sakto namang dumating ang Maharlika.

Buti nalang talaga at parehong napakabait at gentleman nina Patrick at Zac. Kasi nagkakasundo sila. Hahaha. Parang nagiging close na nga sila eh. O___O

Pero si Josiah, nananahimik parin. Mag-isang kumakain.

“Zac! Ano ba?! May aagaw ba niyang pagkain mo?” –Ako.

Paano ba naman po kasi. Sunod-sunod ang pagsubo. Parang nanakawan ng pagkain e. -____- Parang wala pang pakialam sa paligid.

“Mabilaukan ka niyan eh. Dahan-dahan lang po sa pag kain!” –Ako

Napatingin siya sa akin. “Ang sarap eh! Tikman mo!”

O___O Bigla niya akong sinubuan. Psh. Baliw talaga ‘to.

Pero impernes, masarap nga. Kaya pala todo kung kumain e! Hahaha.

“Oh, ang sarap diba?” sabi niya. Tumango nalang ako. Punong-puno kaya ang bibig ko ng pagkain! >.< “Tss. Lakas ng loob mong sabihan akong mabilis kumain. Eh ikaw nga, ang dumi-dumi eh!”

Eh?

Bigla siyang lumapit at... pinunasan yung gilid ng labi ko. O///////////O

B-Bakit ang lapit naman ata niya?! Pambihira! >/////<

“Ayan. Ok na. Tsk tsk. Dahan-dahan din kasi,” sabi niya sabay kindat.

“YIIIIIEEEEE!” biglang sigaw nina Robbie at Edrey.

That Guitar PlayerKde žijí příběhy. Začni objevovat