Chapter 41

748 8 1
                                    

Okay lang naman daw yung paa ko. Nabigla lang daw. Pero kailangan ko daw magstay muna sa ospital para maipahinga yung paa ko. Di daw muna ako pwede maglakad ng ilang oras eh.

>_____________< NAKAKABAGOT.

“Tch. Yoko dito,” bulong ko sa sarili ko. HELLO! Sino ba naman ang gugustuhing umupo lang sa lobby ng isang ospital?!

Napatingin sakin si Zac.

“Takas tayo?” sabi niya nang may malaking ngiti sa mukha niya.

“Anong takas? ‘Di nga ako makalakad diba?” Tch. Badtrip talaga ‘tong paa ko. T__T

Lumapit siya bigla sa akin, tapos bumulong, “Paano ka ba nakarating dito?”

O__O Wag mong sabihing—

H-HOY! ANO NA NAMANG GINAGAWA MO?! bulong ko.

Bigla nalang kasi siyang umupo sa harap ko at binuhat na naman ako sa likod niya.

“Sabi mo gusto mong tumakas eh,” sabi niya sabay kindat. Dumerecho siya palabas ng pinto na wala manlang kibo.

Napakapit na naman ako sakanya. >////////< Pambihira naman o. Medyo biro lang naman yung sinabi ko kanina e! Pero sineryoso niya. Waahh.

Hindi na naman ako makakibo. Nakakahiya naman kasiii. >.< Kanina niya pa ako binubuhat. Alam ko namang mabigat din ako no!

“Okay ka lang ba diyan?” bigla niyang tanong sabay ngiti.

Wah! At nagagawa pa niyang ngumiti?! Ish. Nakakahiya talaga. >.<

“H-Ha? A-Ahh... eh... Oo, okay lang ako. E-Eh... Ikaw? O-Okay ka lang ba? Pwede naman akong maglakad. Dahan-dahan nga lang... Pero, kaya ko naman,” sabi ko.

Mahina siyang tumawa. “Okay lang ako. ‘Di ka nga pwedeng maglakad eh. Baka lumala pa yan. Malapit na rin naman tayo. Okay lang.” Nginitian niya ulit ako.

>/////< Ngayon ko lang ata siya nakitang ganito. Seryoso talaga siya. Pero. WAH! Ang gwapo. (#/。\#)

WAH! Buti nalang at binaba na niya ako sa isang bench sa park. Nakaharap kami sa mga batang naglalaro. Medyo maraming tao at puro sigaw at tawa ng mga bata ang naririnig namin. Sobrang aliwalas sa pakiramdam.

“Nagugutom ka na siguro. Anong gusto mong kainin?” –Zac.

“A-Ahh... Eh... Kahit ano na.” –Ako. Medyo di pa ako nakagetover sa pagbuhat niya ulit sakin e.

“Sige, bibili lang ako ng pagkain ha. Diyan ka lang. AY. Di ka nga pala makalakad. Hahahaha.” Tumatawa pa siyang umalis. Tss.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon