Chapter 5

1.5K 38 2
                                    

Ito na. Nanginginig na ako ng sobra. Kanina, parang wala lang. Pero ngayong susunod na kami, langya para akong hihimatayin.

Battle of the Bands na. At susunod na kami.

Napatingin ako kina Belle at Shia. Mukha silang mga baliw.

Nagtatawanan silang dalawa ng pagka-lakas-lakas. Halos matanggal na mga panga nila sa sobrang pagtawa. Psh. Tensyonado ‘tong mga ‘to.

“Huy,” may biglang nagsalita sa likod ko.

Lumingon ako... at ayun. Si Josiah. All black ang suot. Pareho kami.

“Good luck,” sabi niya. Parang gumaan bigla pakiramdam ko. Parang panandaliang nawala yung kaba ko.

‘Di ko kasi inexpect na maggu-goodluck siya sakin. At natuwa naman din kasi ako dahil naisipan niya akong lapitan sa araw ng Battle.

“Kaya niyo yan,” sabi niya tapos ngumiti. Tinapik niya yung likod ko tapos umalis na din siya.

Huwaw. Ngiti galing kay Josiah. Huwaw!

Ish. Tama na nga, Vian! Kayo na ang susunod oh! FOCUS!

WAAAAAAAH! GUSTO KONG SUMIGAAAAAW! >_<

“Up next, put your hands together for...” pinag-ready na kami sa entrance papuntang stage, “...the HEADBANGERS!” Tumalon bigla yung puso ko.

E. TO. NA.

\(>o<)ノ WOOOOHH!

Lumabas na kami sa stage. At grabe! Nanliit ako. Sobrang daming tao. As in soooobra. Nag-imbita kasi sila ng ibang schools eh.

HOOOH! Huminga ako ng malalim. Ito na. Ipapakita ko sakanila kung anong kaya namin.

Sinimulan ko nang tumugtog. Sumunod si Belle. At sumunod si Shia.

“HANDA NA BA KAYO?!” sigaw ko sa mga tao. Lahat sila nag-hiyawan. At lalong lumakas ang loob ko.

Hanggang sa dulo ng mundo,

Hanggang maubos ang ubo;

Hanggang gumulong ang luha,

Hanggang mahulog ang tala.

 

Masdan mo ang aking mata, 'di mo ba nakikita?

Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na

Gusto mo bang sumama?

 

Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya

That Guitar PlayerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu