Chapter 32

770 10 1
                                    

Naglalakad nalang ako mag-isa sa kalsada. Gabi na kaya wala akong masyadong nasasalubong na tao. Mabuti nalang, kasi hindi ako makatigil sa kakaiyak. Magmula kanina, hindi pa tumitigil sa pagtulo ang luha ko.

Bakit ba kasi kinailangan ko pang masaktan ng ganito?! Saan ba ako nagkulang?!

Minahal ko naman siya eh. Minahal ko siya ng sobra-sobra. Paano niya nagawa sa akin ‘to?! Hindi niya manlang ba narealize kung gaano ko siya ka-mahal?!

Hay! Ano ba ‘to?! Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko?!

*riiiing... riiiing...*

Tsk. ‘Storbo naman.

“Hello?” sagot ko.

Hello! Vian! Nasan ka ba?! San ka pumunta?! Kanina ka pa namin hinahanap! Nasan ka? Pupuntahan ka namin,narinig ko si Belle sa kabilang linya.

“Naglalakad-lakad lang ako,” agad kong sagot. “Wag niyo na akong sundan. Samahan niyo nalang sina... Robbie diyan.”

Grabe, ni hindi ko masabi pangalan ni... Josiah.

Sabihin mo na kasi kung nasaan ka! Sasamahan ka namin! Alam kong kailangan mo kami! Sige na, Vian! Kundi ipapahanap ka namin sa pulis!

Tsk. Ang OA ng mga ‘to eh.

“Wag niyo na akong hanapin! Hayaan niyo nalang muna ako... Kaya ko naman sarili ko. Ha? Sige na, alagaan niyo nalang...sila diyan,” sabi ko. “Salamat nalang.”

Sigurado ka ha? Basta kung kailangan mo ng kasama, tawagan mo lang kami. Pupuntahan ka namin agad kahit nasaan ka pa, pagpapaalala ni Belle.

Di ko napigilang ngumiti kahit patuloy parin ang pagluha ko. Kahit papano, natuwa din naman kasi ako sa mga ugok kong kaibigan. Mahal na mahal talaga nila ako.

Buti pa sila. Tss.

“Oo na po. Sige na. Salamat.”

Sige sige. Basta ok ka lang ha? Osige na. Mag-ingat ka!

Binaba ko na agad ang telepono ko. Tamang-tama na nakarating na ako sa park.

Wala naman kasi akong ibang mapuntahan. Ayoko namang umuwi. Baka makita pa ako ni kuya, gisahin pa ako. Baka mapatay niya pa si... Josiah.

Mas okay na ako dito sa playground ng park. Tamang-tama, walang tao.

Umupo ako agad sa swing at napatulala nalang.

Putek talaga. Bakit ba hindi ako makatigil sa kakaiyak?! Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Yung unang beses ay nung bigla nalang akong tinalikuran ni Josiah.

PWEDE BA, TIGILAN MO NA AKO!

HINDI MO PA BA NAIINTINDIHAN?! TAPOS NA TAYO!

Paulit-ulit talaga lahat sa utak ko. Hindi ko makalimutan.

‘Di ko makalimutan yung boses niyang sinigawan ako. ‘Di ko makalimutan yung mga mata niyang nakatitig sakin... yung mga matang punong-puno ng... galit.

Hindi ko talaga naiintindihan kung paano nangyari ‘to.

“Vian? Ikaw ba yan?”

What the—Alam ko yung boses na yun. Napatingin ako sa pinanggalingan.

Sinasabi ko na nga ba.

“Oh! Anong ginagawa mo dito? Mag-isa ka ba?” tanong niya habang lumalapit sa akin.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon