Chapter 50

575 9 0
                                    

Bakit ba ganito? Nasasaktan na naman ako eh!

Wala na ba akong karapatang maging masaya?!

*BUGSH*

Tapos mabubunggo pa ako ng kung sino?!

“Vian?!” narinig kong sabi nung nabangga ko. “U-Umiiyak ka ba?”

Hindi ko man siya tignan, alam kong si Patrick ‘to.

Naramdaman kong  hinawakan niya ang mga braso ko. At sinusubukan niyang iangat yung ulo ko para makita niya ang mukha ko.

Pero ayoko. Yumuko lang ako. Ayokong makita niya akong ganito.

“V-Vian?” sabi naman ng isang babae. Narinig ko siyang papalapit. “Huy Patrick! Si Vian ba yan?!”

Naramdaman ko namang may ibang kamay na humawak sakin. Hinila ako at pinaharap sakanya. Sinubukan ko paring itago ang mukha ko. Pero nakita na rin nila ako.

“Vian! Anong nangyari sayo?!” tanong ni Belle sakin. Agad namang lumapit din sina Shia, Robbie, at Edrey. “Huy! Bakit ka umiiyak?!”

Napatingin ako sakanila. Saka ko lang nakita ang mga mukha nila na sobrang alalang-alala.

Hindi na ako nakapagsalita. Napayakap nalang ako bigla kina Belle at Shia at saka lalong umiyak.

“U-Uy… Tahan na,” sabi ni Shia habang yakap ako. “Tara, dun tayo sa garden. Dun mo nalang ikwento samin.”

Tumango nalang ako at sumama sakanila sa garden.

Buti nga at walang tao dun, dahil linabas ko talaga lahat ng sama ng loob na tinatago ko. Wala na akong iniwan, wala akong sinikreto. Linabas ko na lahat sa mga kaibigan ko.

Pero kahit papano, natuwa din naman ako. Nakakatuwa na pinakinggan ako ng mga kaibigan ko, at nandito sila para sa akin. Nakakatuwa na kahit sabog-sabog itong dalawang kaibigan ko, ‘pag problema na ang usapan, wala nang mas seseryoso pa sakanila. Kahit pa mga barkada ni Josiah, pinapakinggan ako.

“Kayo!” sigaw ko sabay turo sa mga boyfriend ng mga kaibigan ko. “Nakakainis kayo!” Tinuro ko naman sina Belle at Shia. “Bakit ba kayo parin?! Ako, ilang beses nang nasasaktan! Samantalang kayo, masayang-masaya?!”

Hindi naman sa naiinggit ako. Pero sadyang nasasaktan lang talaga ako.

Inakbayan ako bigla nina Belle at Shia. “Ano ka ba,” sabi ni Belle sakin. “Alam mo namang meron ding para sayo eh. Meron yung isang taong magpapasaya sayo habang buhay. Malay mo, nakilala mo na pala siya. Malay mo, nandiyan lang siya sa tabi-tabi.”

***

Pagkatapos ng pag-uusap naming magkakaibigan (at mga sabit na kaibigan) kahapon, gumaan na ang pakiramdam ko. Medyo natakot nga akong pumasok dahil ayaw ko munang makita si Josiah o kahit si Zac.

Hindi ko alam ang gagawin ko ‘pag nagkita kami!

Buti nalang at biglang umabsent si Josiah. Si Zac naman, tinawag daw ng varsity.

Pagdating ko sa bahay kagabi, sinabi ko na kay kuya ang nangyari. Wala naman kasi akong naitatago sakanya.

Ang problema nga lang, muntik na niyang sugurin at patayin si Josiah. Buti nalang at napigilan ko siya. Ayaw ko nalang isipin kung anong pwede niyang gawin.

Pero kagabi, nakapagisip-isip din ako. Parang kasing may kulang; parang ‘di ako mapakali. Ayaw ko naman kasing mabuhay na walang closure—lalo na kay Zac.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon