Chapter 18

991 17 1
                                    

 “Ladies and gentlemen, you may now have your first dance. The floor is yours,” sabi ng emcee.

Prom na. Ang isa sa pinakahihintay na araw ko.

At bumilis ang tibok ng puso ko. ‘Di ko matignan si Josiah na nasa tabi ko lang. Ish. Ewan ko ba kung bakit. >/////<

Nagsimula na yung music.

*play Kahit Kailan by South Border*

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinilabutan ako. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

Prom na nga talaga. 

Biglang tumayo si Josiah. ‘Di pa rin ako makatingin sakanya.

Kinuha niya ang kamay ko. Wala siyang sinabi. Basta kinuha niya lang yung kamay ko at inalalayan akong maglakad papunta sa gitna.

 Dahan-dahan kaming naglakad. Eh sa hirap ba naman kasing magheels. -__-

Nilagay ni Josiah ang mga kamay ko sa leeg niya, at ang kamay niya sa bewang ko. Si Josiah ang first dance ko.

Nakatitig si Josiah sakin. Nakatitig lang talaga.

Grabe talaga yung titig niya! ‘Di ko kaya. Damang-dama ko! Hihimatayin ako nito eh! >_<

Kaya napaiwas ako ng tingin.

Ish. Kinikilig ako.

O////////////O

Bigla niya akong hinila papalapit sakanya. At lalo pang hinigpitan ang hawak sa akin.

Nanigas ang buong katawan ko. Pero grabe. Sobrang saya ko. Ganito pala ang pakiramdam na makasayaw yung mahal mo?

“Chill, Josiah. Marami pang kanta yan. May next year pa,” biro ko. Ang higpit na kasi sobra ng hawak niya sakin.

“Dalawang beses lang ‘to. Susulitin ko ang bawat minuto,” bulong niya sakin.

Sulitin ang bawat minuto. Dapat lang.

Susulitin ko ang bawat minutong kasama si Josiah.

“Kahit kailan, ‘di kita iiwan...

Kahit kailan, ‘di kita pababayaan...

Kahit kailan... Kahit kailan...”

 

Biglang kumanta si Josiah. Kumanta siya derecho sa tenga ko.

Parang nakuryente ang buong katawan ko.

Bulong ng iyong damdamin

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now