Chapter 34

763 11 0
                                    

“WOO HOO! Party at my place! Bukas! WOOOOH! \(*0*)/”

(_ _”) Ayan na naman yang boses na yan. Alam ko yang boses at volume na yan.

“Psst, Vian, yung alaga mo nagwawala na naman,” bulong ni Shia sakin.

Psh. Sinasabi ko na nga ba. Uwian na nga nambubulabog pa! Tss.

O___O May biglang umakbay sa amin.

“WOOOOOOOHHHH!”

(◎_◎;)

/(-___-)\ ANG TENGA KO. Maturuan nga ng leksyon.

“BAKIT KA NA NAMAN BA NAGWAWALA?! NAGSISISIGAW KA NA NAMAN DIYAN! NAKAKASIRA KA NG BUHAY NG TAO EH!” sigaw ko din diretso sa tenga niya.

(-____-) <--- Ganyan ang itsura niya sakin.

¯\_(ツ)_/¯ --Ako. Buti nga sayo. Ginusto mo yan eh!

“Oh, tapos na ba kayong magsigawan?” singit bigla ni Belle. “Ano na naman bang trip mo, Zac?”

“Party nga sa bahay!” sabi niya. “Ang lakas lakas na nga ng boses ko, ‘di niyo pa narinig. Tss. Bukas, birthday kasi ng ate ko.”

“Aba, birthday mo? Lakas umimbita ah!” sabi ko.

“Oh, bakit. Kahit buong school pa nga ang pumunta eh. ¯\_()_/¯ Lam mo na, rich,” sabi naman niya.

(ー_ー ) Ang yabang. Sarap sapakin.

“Basta, pumunta nalang kayo,” dagdag niya. “At... teka, babae kayo diba?”

*PAK*

Sumusobra na ‘to ah.

“Um... sa pagkakaalam ko, oo,” biglang sagot na naman ni Belle. Ito naman sumagot pa! -___-

“Magdress kayo... kahit alam kong ‘di niyo din naman gagawin. Hahahahaha,” biglang pahabol ni Zac bago siya tumakbo palayo. Tama lang, dahil alam niyang mapapatay ko na talaga siya.

***

Tss. Masyado mo kaming minamaliit, Zac! Sino ba may sabing ‘di ako nagddress?!

Well, hindi naman talaga. Wahahaha. Pero kaya ko! Psh. Kaya nga nagdress ako ngayon eh. Nang makita ng Zac na yan!

Siguro kung mahilig akong magdress, ‘di ako iniwan ni Josiah. ... Um, KONEK?!

Aish. Bakit ba siya na naman iniisip ko?! Party ang pupuntahan mo, Vian! Hindi lamay! Tss.

Alam ko namang party girl talaga ako kahit ganito ako eh. Sabog kaya ako! Wild. Hahahaha! Wild sa utak ko. Di naman kasi talaga ako pumupunta sa mga party. (_ _”)

*BEEEP BEEEP*

Ayan na ang driver! Si Zac. BWAHAHAHAHA! Di kasi namin naintindihan (kunwari) kung paano pumunta sakanila, kaya sinundo niya nalang kami.

“Viaaaaan! Tara na! Let’s parteeey!” narinig kong tawag ni Shia sa labas ng kwarto. Agad naman akong lumabas at nagpaalam kay kuya.

Sinalubong naman kami ni Zac sa labas ng bahay.

(°o°) <-- Napanganga si Zac nang makita kaming tatlo.

Pano ba naman. Naka-dress kaya kaming tatlo. Masyado kaming nasaktan sa tanong ni Zac eh! Wahahaha.

“Zac, yung bibig mo. Pagmumugaran na ng lamok,” sabi bigla ni Belle.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now