Chapter 37

761 14 0
                                    

“And that concludes this year’s Music Fest! A big thanks to everyone who watched and participated!” narinig ko nalang na sabi ng emcee. “Don’t forget to watch the big game this afternoon!”

Tapos na pala. Lunch na, at mamaya na ang game na pinaghahandaan ng varsity. Syempre, napilit kami ni Zac na manood.

Nagsimula na kaming lumabas ng auditorium. Nakaakbay parin sakin si Zac.

“Oh, ano? Ang galing ko sumayaw no?! HAHAHAHA! Taob ka! Sabi ko sayo eh!” asar niya habang naglalakad kami nina Belle at Shia. “I’m so awesome. Isipin mo, ang gwapo ko na nga, ang bait bait ko, ang galing ko magbasketball, tas ang galing ko pang sumayaw! Ano pang hahanapin mo?!”

“Konting humility,” sagot ko. -____-

“Tss! Hahaha! Ay teka, mauna na ‘ko. Kailangan ko nang pumunta ng gym,” sabi niya. “Manonood kayo ha! At icheer mo ko! Hindi ko gagalingan ‘pag ‘di mo ko ichicheer. Hahanapin talaga kita!”

“Eh ano naman ngayon kung ‘di mo galingan?”

“Matatalo ang school. Kasalanan mo. (^___^)”

Tss. Napakayabang!

“Tch. Oo na! Sige na. Lumayas ka na sa harap ko!” sabi ko, habang pilit kong pinipigilan yung ngiti ko. Aish. Ewan ko ba, nagsisimula na naman yung ngiti ko eh!

“Sige. Babay! Icheer mo ko ha!” sigaw niya at saka siya tumakbo papalayo.

Hahahaha. Nakakainis. Ang cute cute niya.

O.o?! ANO?!

“AHIHIHI. HUY, tara na, Vian! Kain na tayo!” sabi ni Belle sabay hila sakin.

“T-Teka, VIAN!” Eh? Hmm? SI Patrick yun ah. Tumatakbo papalapit samin.

“Oh, Patrick. Bakit?”

“A-Ahh... Eh ano... May itatanong sana ako.”

Napatingin siya sa paligid namin. Sina Robbie at Edrey kasama na sina Belle at Shia papunta sa canteen. Si Josiah nasa stage parin, inaayos yung gitara niya.

Bigla nalang naglakad si Patrick, kaya syempre, sumabay ako sakanya.

“Ahh... Eh... Kayo ba ni Zac?” bilga niyang tanong.

O___O

“H-Ha?! Ba’t mo naman natanong?”

“Parang kayo kasi eh.”

Medyo napanganga ako. Parang kami daw?! (?__?) P-Pero... Paano?! Ganun na ba talaga kami ka-close?! Napagkakamalan na pala kaming kami!

E-Edi... ang ibig sabihin... kung napapansin ni Patrick, napapansin din ni Josiah. O__O Tingin din kaya niya kami ni Zac?

Nagseselos kaya siya?

“Huy.”

AY! Hinihintay pala ni Patrick ang sagot ko.

Kahit naman gusto kong magsisi si Josiah, ayaw ko nang magpanggap ulit. Tapos na ako sa pagpapanggap. Kaya sasabihin ko na ang totoo.

“Hindi kami,” sagot ko nang may ngiti.

“Ahh...” sabi lang ni Patrick pagdating namin sa canteen.

Magkakasama kaming Headbangers at Maharlika na kumain. Oo, nandun din si Josiah. Pero nandun siya sa dulo ng mesa, nasa sarili niyang mundo.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now