Chapter 3

1.8K 45 2
                                    

“Tara, McDo tayo,” biglang sabi ni Josiah pagdating ng uwian.

Nagpasama nga talaga!

Tahimik lang akong sumunod sa kanya palabas ng school.

Dun lang ako naglakad sa likod niya. Parang nakakatakot kasing kasama ‘to eh.

Alam naman kasi ng lahat na ang nakakasama lang ni Josiah, ay ang girlfriend niya o kaya ang Maharlika. Pero dahil nag-break na sila ng girlfriend niya, ang Maharlika lang lagi ang kasama niya.

Takot naman kasi ang lahat ng lumapit sa kanya. Lalo na’t ex niya si Amber. Ang It Girl ng school. Oo, meron kaming ganyan. Psh.

Si Amber kasi yung tipong kakalabanin ang lahat makuha lang ang gusto niya. Ang hindi niya lang naman kinakalaban ay yung Maharlika. Kasi syempre nandun si Josiah.

Eh ngayon, ewan ko nalang. Balita ko kasi si Josiah ang nakipag-break, pero mahal parin siya ni Amber.

Oh, daming chika ‘no? Tch. Back to the story ulit.

Walang nagsalita hanggang sa nakarating kami sa McDo. Dun nalang niya ako kinausap.

“Anong gusto mo?” tanong niya.

“Bahala ka na,” sagot ko naman. ‘Pag ako kasi baka maubusan siya ng pera. Wahahaha.

Humarap siya sa kahera. “Miss, dalawang large fries at dalawang coke float,” order niya. Tapos humarap naman siya sakin. “Ok na sayo yun?”

Tumango lang ako. Saktong-sakto nga yun eh! Paborito ko kaya yun!

I laaaaab PRAYS. (Fries yan. Iba kasi lenggwahe ko eh. -__-)

Maya-maya, umupo na kami at kumain.

Kanina pa ako ‘di nagsasalita. >_< Wala naman kasi akong masabi. ‘Di naman kami close ni Josiah. Kanina nga lang kami nag-usap eh, tapos biglang ngayon kumakain kami sa labas. Aish.

“Anong ginagawa mo sa music room kanina?” tanong niya bigla.

“Jamming lang. Trip,” sagot ko. Hay! Nakapagsalita din ako. Three words ang lumabas sa bibig ko. Achievement.

“Galing mo palang maggitara,” sabi niya.

Hala? May kailangan ba ‘to sakin?

“Hahahaha! Mga joke mo ha. Hahahaha!” sarcastic kong sabi sakanya.

“Bakit? Totoo naman ah,” seryosong sabi niya. As in seryoso talaga.

Sabi ko nga eh. Magseseryoso na din po ako. ( _ _”)

“‘Di ah! Marunong lang,” mahinang sabi ko.

“Eh nabalitaan mo ba yung Battle of the Bands?” tanong niya sakin.

“Malamang naman. Magkaklase tayo diba? (-__-)” Ayan. Seryoso na din ako. Bwahahaha. Ganyan ako magseryoso. “Sasali nga kami eh!”

Yabang ko. Wahahaha!

“Sasali kayo sa Battle?” tanong niya.

Yung pagtanong niya, ‘di naman nang-aasar eh. Hindi sarcastic. Parang ngang tuwang-tuwa siya at amazed na amazed sa sinabi ko eh.

“Oo. Kasasabe lang diba. (-__-)”

Yung totoo, nakikinig ba ‘to?!

“Ayos! Pati kami sasali eh.”

That Guitar PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ