Chapter 23

911 13 4
                                    

Bukas na ang pinakahihintay kong araw.

Pasukan.

Huwaw. ‘Di ko inakalang maeexcite akong pumasok. -_- Kaya lang naman atat na atat akong pumasok ay dahil gusto ko nang makita si Josiah.

Miss na miss ko na siya.

Buong bakasyon akong walang balita galing sakanya. Makailang ulit ko na siyang tinext at minessage sa Facebook. Ni isa, walang reply.

Putek. Kinakabahan ako. Kinakabahan akong makita ulit siya. Kinakabahan ako sa pagkikita ulit namin.

‘Tek, pano ‘pag ‘di na niya ako pansinin? Pano ‘pag tuluyan na niya akong kinalimutan?

Badtrip naman oh. ‘Di na ako makakatulog nito. -__-

***

Tama yung hinala ko kagabi. Hindi nga talaga ako nakatulog ng maayos. Madaling araw na nung nakatulog ako.

‘Di kasi ako makatigil sa kakaisip tungkol sa pasukan eh. Ang daming pumapasok sa utak ko. Mostly tungkol kay Josiah. Gusto ko na talaga siyang makita eh.

Pero natatakot din ako. Natakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

“VIAN! GISING NA! MALE-LATE KA NA!” narinig kong sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko.

Waaaa. Ang dakilang alarm clock. Gusto ko pang matulog. >_< Kainis.

Tss. Makaligo na nga. Tutal kagabi ko pa pinaghahandaan ang araw na ‘to, tapusin na natin ‘to.

Pagkatapos kong maligo, napatingin ako sa salamin. Anong mukha ba ang ihaharap ko kay Josiah?

Psh. Parang walang nagbago.

Bakit ba ‘di ko naisip na kahit papano magmukhang presentable naman kay Josiah matapos ang ilang buwan na pagkakahiwalay? Tsss. Kahit kelan talaga ang slow ko mag-isip. -_- Wala na. Eto na eh.

“UUUY. EKSAYTED,” sabi sakin ni kuya pagbaba ko sa dining room.

Binelatan ko siya.

‘Di ako excited eh. Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan.

“UUUUY. FOURTH YEAR NA SIYA. GAGRADWEYT NA,” sabi ulit ni kuya.

O_O

Oo nga pala. Gagraduate na ko. Kung sakali... magkakahiwalay na talaga kami ni Josiah. Putek. Ba’t ngayon ko lang naalala?!

Waaah. Gusto ko na talagang makita si Josiah. >.<

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon