Chapter 42

637 8 1
                                    

Ano naman kayang trip ni Zac ngayon? Buong araw na nga kaming magkasama, papupuntahin pa ako dun sa nakatagong lugar na maganda ang view. Pff.

Papupuntahin pa ako dun mag-isa! Tch. Pasalamat siya wala din sina Belle at Shia. Kundi talagang ‘di ko siya sisiputin.

“Vian.”

“AYY ANAK KA NG NANAY AT TATAY MO!” –Ako.

Ish. Ba’t kasi may biglang magsasalita sa likod ko. Gabi na e! Walang ibang tao! Tas may mga naririnig pa akong horror stories dito. TCH. Sino ba kasi--

“J-Josiah. Anong ginagawa mo dito?”

“Vian, pwede ba tayong mag-usap?”

*dug dug*

“S-Sige,” sabi ko at sumunod sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! >.< ITO NA YON! ITO NA ANG PINAKAHIHINTAY KO. ETO NA!

Grabe, nanginginig ako. Sobra.

Pinipigilan ko lang ang sarili ko para hindi mapansin. PERO GRABE. Hindi ko alam kung anong ieexpect ko. Hindi ko alam kung pwedeng mangyari.

Nakakakaba na nakaka-excite. >.<

O___O

Ang ganda pala dito sa rooftop ng hotel. Kitang-kita yung mga ilaw sa bundok. Sobrang liwanag din ng mga stars. At full moon pa.

Haaaayy... ang romantic. Hihihi. Na-excite tuloy ako sa sasabihin ni Josiah. >/////<

Umupo kaming dalawa sa may railing, nakalabas yung mga paa namin sa railing.

WAH. ANG LAPIT NIYA. >.<

Pero pfft. Ang tahimik. Di siya nagsasalita. Nakatitig lang kami sa view. Hinihintay ko lang naman yung sasabihin niya eh. Pero grabe namang maka-suspense ‘to! -____-

Waaaaaahh. Nakakabaliiiiw! >___<

“Vian...” bigla niyang sabi. “I’m sorry.”

*dug dug*

Napatingin ako sakanya.

MYGOODNESS. TAMABAYUNGNARINIGKO?!

“H-Ha?”

Cool ka lang, Vian. Dapat cool.

“I’m sorry,” sabi niya ulit, at ngayon nakatingin na siya sa akin.

HOMAYGULAY. SERYOSO SIYA. As in SERYOSO TALAGA. >////////////////<

“Sorry kasi... alam kong nasaktan kita. Wala ka namang nagawang masama, pero sinaktan kita... Sorry, Vian,” dahan-dahan niyang sabi.

“H-Ha... Ahh... E-Ehh... A-Ano...”

WALA AKONG MASABI! >__< Eh ano naman kayang sasabihin ko sakanya?!

Ayos lang! Walang problema! Naging miserable lang naman ako nung mga nakaraang buwan, pero okay na yon! So ano, tayo na ulit? Hihihi!

^ Ganyan?! GANYAN BA ANG SASABIHIN KO?! Ni hindi ko pa nga alam kung bakit niya ginawa yung ginawa niya e!

“Kaya ko lang naman nagawa yun kasi...” tuloy niya. O__O ITO NA. “Kasi... inarrange ako sa ibang babae.”

O__________O

ANO DAW?!

“A-Ano?!”

Tama ba yung narinig ko?! INARRANGE SIYA?!

“Magmula pa noong mga bata pa kami, inarrange na pala kami ng mga magulang namin. Magpapakasal kami pag legal na kami,” pagpapatuloy niya.

(O_O;)

Wala akong masabi. Hindi ako makapagsalita.

Hindi ako makapaniwala. KASAL?! Seryoso ba siya?!

“H-Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo... kaya... lumayo nalang ako,” sabi niya. “Hindi ko inakalang lalo ka palang masasaktan. I’m sorry.”

“P-Pero... kasal? KASAL?! Nagbibiro ka ba?!” bulalas ko. Hindi talaga ako makapaniwala.

Kasal na ‘to e! Pang HABANG BUHAY NA.

ARAY.

Ngayon ko lang nare-realize na... mawawala na talaga siya sa buhay ko. Wala na akong panglaban. Talo na ako. Kasalan na ang pinag-uusapan eh.

“Seryoso talaga sila Dad. Nagkita na kami ni Lia,” sabi niya. “Pero... ikaw parin talaga, Vian eh.”

*DUGDUG*

Asdfghjkl.

OMG OMG OMG OMG OMG.

‘DI KO TO KAYAAAA! >//////////////<

WAAAAAAAHH! Gusto kong sumigaaaaaw! Gusto kong tumalooooon! WAAAAAAAAAAH!

“A-Ano?”

Chill lang, Vian. Baka nananaginip ka lang.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko.

O//////////////O

HOMAYGULAY. Hihimatayin ako nito e! Waaaaah! Di ko na talaga ‘to kayaaaa!

Pambihira naman, Josiah! Magkakasakit ako sa puso nito eh! >/////////////////<

“Ikaw parin talaga ang gusto ko, Vian,” seryoso niyang sabi.

Ikaw parin talaga ang gusto ko, Vian...

Ikaw parin talaga...

Ikaw parin...

“Pero... pano yung... Lia?”

“Wag mo nang isipin yun,” sabi niya.

“Ganun lang ba kadali yun?” sabi ko.

Huminga siya ng malalim. “Gusto ko lang maging masaya kasama mo, Vian.”

*dug dug*

Hindi na ako nakapagsalita. Grabe naman po kasi. Sobra na ang pagtibok ng puso ko! >///////////<

At kasi... namiss ko din talaga si Josiah. Sobra.

Eto na eh! Ilang buwan akong nagmumukmok dahil kinalimutan ako ni Josiah. At ngayon, eto na! Nandito na ulit siya sa tabi ko. Binalikan na niya ako. At ako parin daw ang gusto niya.

Aayaw pa ba naman ako?!

That Guitar PlayerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ