Chapter 16

986 20 0
                                    

Foundation Day na! At tutugtog na kami.

Napagdesisyonan namin na mag-merge nalang ang mga band namin. Tutal, isang malaking pair ang mga banda namin.

At dahil marunong din mag-piano si Shia, nag-organ nalang siya at si Edrey nalang ang nag-drums. Si Belle naman, imbes na mag-bass, naggitara nalang kasama si Josiah.

“Magandang umaga sa inyong lahat! Kami ang Maharlika,” sabi ni Patrick. “With a very special guest... the Headbangers! (^_^)”

At sinimulan na nilang tumugtog. Nagmash-up kami. Pinagsama namin yung Walang Iba ng Ezra Band at Pag-Ibig ni Yeng Constantino.

Ilang beses nang nag-away

Hanggang sa magkasakitan

Di na alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay

Na napag-uusapan

Bigla na lang pinag-aawayan

Ngunit kahit na ganito

Madalas na di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko

Kung sabihin kong mahal kita

'Yan ay totoo sinta

Huwag na 'wag kang magdududa

Hindi kita binobola

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa

Nasusugatan mo

Ikaw pa rin, walang iba

Ang gusto kong makasama

Walang iba

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta

Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta

Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago…

Tuwang-tuwa naman ako kasi maganda ang response ng tao. As in tipong tuloy-tuloy ang sigawan. Halos ‘di ko nga marinig sarili ko eh. Pero masaya.

First time naming makipagmerge sa ibang banda, tapos sa Maharlika pa, kasama pa ang napakagwapo kong boyfriend. San ka pa? Hihihihi.

Nang natapos na ang kanta, sobrang tuwang-tuwa talaga ako na hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Sigurado akong mukha akong baliw sa sobrang lapad ng ngiti ko.

Bababa na sana ako ng stage. Pero biglang nagsalita ulit si Patrick at parang walang balak bumaba ng stage.

“Bago kami tuluyang mamaalam,” sabi ni Patrick. Ano ba yan. Mamamatay ba? Tsss. “May gustong sabihin ang isang kaibigan ko. Dahil malapit na ang prom. (^__^)” Isa pa ‘to. Ang lapad ng ngiti!

Nagulat naman ako nang ibigay niya kay Josiah ang mic.

O_O Trip naman nito?  

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin siya sakin nang may napakagandang ngiti sa kanyang mga labi.

Yang ngiti talaga! >///<

O_O

Bakit siya may hawak na bulaklak?!

O_O

Bakit siya lumalapit sakin?!

ANO ‘TO?!

“Vian, will you be my date sa prom?” sabi niya nang tinititigan ako sa mga mata.

Langya.

Langya po.

Grabe.

Hihimatayin ako. Swear. Hihimatayin talaga ako sa sobrang kilig. Mamatay ako! >////<

Putek. Kinikilig talaga ako. Sobra-sobra. Gusto kong sumigaw sa tuwa! Gusto kong magtatatalon! Gusto ko siyang yakapin! Pero ‘di ako makagalaw.

Langya talaga. Kinikilig ako! >////<

“Oo naman,” mahinang sabi ko. Buti nalang at may lumabas pang boses sa lalamunan ko.

Yinakap ako ni Josiah sa harap ng napakaraming tao. Sigawan ulit.

Langya po. Kinikilig talaga ako. Grabe.

Gawin daw ba yun sa harap ng maraming tao?! Waaaah! >////< Yung puso ko!

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon