Chapter 13

1.2K 32 6
                                    

Ang saya ko ngayon. Sobra. Sobrang saya. Waaaah! Gusto kong sumigaw sa tuwa! O(≧▽≦)O

Syempre, dahil nagkaaminan na nga kami ni Josiah. Haaay! Ang saya-saya ko talaga. Hihihi. Akalain mo yun? May gusto pala kami sa isa’t isa!

At kanina lang, nalaman naming aalis na si Amber ng bansa. At nakita din namin siyang may kasamang lalake kanina. Mukhang boyfriend niya. Kaya naman... WALA NANG SAGABAL!

YES! CELEBRATION! Wala nang sagabal sa pagmamahalan namin ni Josiah. Hihihi. Kinikilig ako. >//////<

Pero ngayong uwian na, iniwan ako ni Josiah. Hindi ko alam kung nasan siya, basta’t ang sabi niya may gagawin sila ng barkada niya. Kaya’t kasama ko ngayon sina Belle at Shia.

“Tol, grabe talaga ang taong ito, no?” sabi bigla ni Shia. “Tignan mo, naging boyfriend natin ang mga all-time super crush natin.”

Alam na din kasi nila ang lahat. Na nagpanggap lang kami nung una, pero ngayon, totohanan na. Hihihi.

Sa inyo lang ang all-time. Ako, noon lang. Kasi ngayon, super love ko na siya.

Ang korni ko na.

Pero ‘di ko na narinig yung ibang pinag-usapan nila kasi may ibang mundo na ako.

Nag-aalala kasi ako. Pano ‘pag niloloko lang talaga ako ni Josiah? Kanina lang naging kami, tapos biglang wala na siya sa tabi ko ngayon.

Haaaay. Josiah naman kasi eh. Simula nang makilala kita, nagbago buhay ko.

“Pre, daan muna tayong McDo. Ayoko pang umuwi,” sabi ni Shia. Syempre payag naman kami.

At habang nakaupo kami sa McDo, pinakwento nila ako.

“Vian, bakit ba kayo nagkunwari ni Josiah?” tanong ni Belle.

“Para maprotektahan kaming pareho ni Josiah. ‘Di na daw siya lalandiin ni Amber, at ‘di naman ako guguluhin.” Ang babaw po namin. Hmmm. If I know, diskarte lang ni Josiah yun! Hahahaha. Kapal ko.

“Eh nung nagkukunwari ba kayo, may gusto ka parin kay Josiah? Kasi diba crush mo siya pero dati lang?” tanong naman ni Shia.

Napaisip ako. Gusto ko pa nga ba siya noon? Ang alam ko hindi eh. Ngayon lang ulit ako nagkagusto sakanya.

“Hindi eh. Kaibigan lang turing ko sakanya noon. Close friend. Ngayon lang ako napamahal sakanya.”

Ngumiti ang dalawa. “Naks. Napamahal.”

“Che,” sabi ko naman. Korni na kung korni. Totoo eh. “Tandaan niyo, kung ‘di dahil samin, wala kayong boyfriend ngayon.”

Tumigil ang dalawa sa kakatawa. “Eto na nga oh, tumitigil na. Gusto mo pa ng fries?” Hmmp! Sipsip.

Humarap si Belle kay Shia. “Tingin mo ba seryoso si Josiah?”

Aba’y napakawalanghiya. Pag-usapan daw ba yun sa harap ko? Kanina ko pa nga iniisip ang tanong na iyan eh.

Napaisip si Shia. “Siguro naman. Eh kung natiis niyang maging kaibigan itong si Vian, kayang-kaya niyang mahalin yan.” May point siya.

Lumapit siya kay Belle at hininaan ang boses na parang nagsisikreto sakin. Pero syempre, narinig ko ang lahat. “Kita naman kung paano tumingin si Josiah sakanya eh. Tsaka todo alaga. Why not, diba?”

May point ulit. At nakakakilig na point. :””> Haaay, makikita mo talaga ang pagkaseryoso niya sa mga mata niya eh. Iba talaga siyang tumingin. May meaning.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now