Chapter 29

821 16 1
                                    

FINALLY, naupdate ko din 'to. Hahaha. UY! Ikaw! Oo, ikaw. Kung nababasa mo 'to, comment naman po pleease. Nagmamakaawa na ako. Hahaha. Sigii naaa. :*

Pero MARAMING MARAMING SALAMAT SAYO! AYLABYU DAHIL NAKAABOT KA PA DITO. Hahahaha. Tenkyu tenkyu tenkyu talaga. :* God bless! ;>

***

Hinayaan niya lang akong umiyak sakanya. Tahimik lang na nakayakap sa akin si Zac habang ako naman, humahagulgol sa sakit.

Langhiya kasi eh. Lagi kong naaalala na yung dating nagpapasaya sakin ng sobra-sobra, bigla nalang nawala ng wala manlang paalam.

Pero ngayon... Ang sarap sa pakiramdam na may nakayakap sa akin. At sa pagyakap niya pa sa akin, ramdam na ramdam ko yung concern niya eh. Na para bang may halaga talaga ako sakanya.

Aish. Ang tagal na din since nakaramdam ako ng ganito.

Langya talaga. Ang sarap sa feeling. At dahil dun, unti-unti akong kumalma at unti-unti ding naubos ang luha ko.

“Kasalanan mo ‘to, Zac,” sabi ko. Tinganggal ko ang mga braso niya sa pagkakayakap sa akin. “Pinaiyak mo ‘ko. WALANGHIYA KA TALAGA!”

 

Mahina siyang tumawa. “Ayan, ok ka na nga talaga. Inaaway mo na ulit ako,” sabi niya. Tss. Mang-aasar pa eh. -___-

“Anyway, sorry sa nagawa kong kanta,” sabi niya bigla. “Pwede naman nating palitan. Ikaw nalang pumili. Alam ko namang mas magaling ka sa ganyan eh. (^__^)”

 

Ang seryoso ng pagsorry niya. Parang ang sincere niya talagang nagsosorry. At nag-offer pa siyang palitan yung kanta. Hmm...

“Hindi. ‘Wag na nating palitan,” sabi ko at ngumiti. “Ok na ‘to. Ang ganda nga eh.”

 

Totoo naman eh. Ang ganda naman talaga. Eh nagkataon lang namang sapul na sapul ako. Pero maganda naman talaga.

 

“Hala! May sakit ka na ata! Nagustuhan mo yung gawa ko?!” sarcastic na sabi niya sa akin.

Badtrip. -___-

*PAK!*

 

“Ang pangit ng gawa mo. (-___-)” agad kong bawi. Nakakaasar. “Tara na nga! Wala ‘tong naitutulong sa lipunan ng Pilipinas!”

 

Tumawa lang siya. Badtrip!

Pinaiyak na nga ako’t lahat, tatatawanan pa ako! Isabit kita pabaliktad sa bleachers eh!

Bumaba na kami sa bleachers. Aish! Naasar lang ako. Naaasar ako kasi umiyak ako sa harap niya! Tch!

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now