Chapter 49

552 10 3
                                    

Malapit na 'tong matapos! FINALLY! Hihi. BTW, baka mag-start ulit ako ng bago. Pero English, okay lang ba sa inyo? :) Comment please! ;> Thanks and God bless! :)

***

Lagot ako kay Zac nito! Hindi ko siya natext kahapon at nung Sabado. Hindi ko nasabi sakanya na hindi ako makakapunta. Lagot talaga!

Hindi ko kasi mahanap yung phone ko nung weekend. Napakagaling ko nga naman kasi. Tapos nung nahanap ko na kanina, lowbat naman! Kaya ayun.

Siguradong masama loob sakin ni Zac ngayon. Eh hindi ko ba naman siya sinipot! At kahit text manlang, wala!

Aish. Badtrip! At itong si Josiah pa, sobra-sobra kung magselos. Parang hindi siya.

Pero kailangan ko talagang makausap si Zac. Kailangan kong mag-sorry! Sobra-sobrang sakit na ang ginagawa ko sakanya. Kaya wala na akong pakialam kung magalit pa si Josiah.

Kailangan ko lang talagang makita si Zac. Kailangan ko siyang makausap.

At parang... namimiss ko na din siya.

Teka, si Patrick yun ah?  “Uy! Patrick! N-Nakita mo ba si Zac?”

“Uh... Hindi eh,” sabi niya. Halatang nagtataka siya kung bakit si Zac ang hinahanap ko at hindi si Josiah.

“Ah. Eh si Josiah, nakita mo ba?” dagdag ko.

“Hiiiindi rin. Hehehe,” sagot niya, tapos ngumiti. Buti pa siya, parang walang kaproble-problema sa mundo! “Bakit? May problema ba?”

“Wala naman,” sabi ko tapos ngumiti din. “Wala kasi si Zac sa klase kaninang umaga, eh kailangan ko siyang makausap. Si Josiah naman, bigla ding nawala. Di ko alam kung nasan.”

“Ah, okay! Sige, pag nakita ko sila, sasabihin ko hinahanap mo sila,” sabi niya, tapos biglang kumindat.

“Sige, salamat Patrick!” sigaw ko habang tumatakbo palayo.

Hay nako, asan na ba kasi yung mga yun?! Asan si Zac? Bakit kaya wala siya kaninang umaga? May nangyari kaya?

Tss. Nakakaasar naman. Kung kelan kailangan ko ‘tong mga taong ‘to, saka nawawala!

*hanap... hanap... hanap...*

“Vian!” may sumigaw sa likod ko.

Pero bago pa ako makalingon, naramdaman kong may mga kamay na biglang humawak ng mahigpit sa braso ko at bigla akong hinila sa chemistry lab.

Sobrang lakas ng pagkakahila sa akin at halos tumilapon ako papunta sa isa sa mga upuan. Sobrang higpit pa ng pagkakahawak niya sakin na ramdam ko parin kahit binitawan na niya ako.

Kung sino man siya, alam kong galit na galit siya.

Pero sino nga ba kasi ‘tong sobra-sobra naman kung manakit?! Wala naman akong ginagawa eh!

“Ano ba?! Nakakasakit ka na ah! O_____O J-Josiah?!”

“Anong ginagawa mo?” malumanay pa niyang sabi, pero nakakatakot yung tono ng boses niya. Para siyang nangbabanta.

“A-Anong ibig mong sabihin?” Nararamdaman ko na yung sobrang bilis na tibok ng puso ko.

“Anong GINAGAWA MO?!” Lumapit siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Kitang-kita ko yung galit sa mga mata niya. Sa sobrang galit niya, nakakatakot na. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ito na siguro ang pinakamalalang galit niya. “PAGTATAKPAN MO PA BA?! ALAM KO NAMAN NA EH! HINAHANAP MO SI ZAC DIBA?! SI ZAC NA NAMAN ANG HINAHANAP MO! ANO, TAMA AKO DIBA?! TAMA AKO!”

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now