Chapter 12

1.2K 32 3
                                    

Aba’y akalain mong may gusto pala talaga ako kay Josiah. Si Josiah na naging crush ko noon. Na akala kong wala na yung crush na yun. Grabe. Sobrang attracted ako sakanya eh. Ang gwapo kaya!

Eh nadagdag pa yung pagiging friends namin. Masaya kasi siyang kasama eh. Tapos alam ko pang pinagkakatiwalaan niya ako. Ano nang gagawin ko?! Eh nahuhulog na ako sakanya!

Sigurado naman akong hindi pwede itong nararamdaman ko. Kasi alam kong kahit na “kami”, matter of life and death lang naman yun. Kaya naman naging “kami” ay dahil prinoprotektahan namin ang mga sarili namin. Siguradong friend lang ang turing niya sakin. TT_TT

Dapat lang na itago ko ang nararamdaman ko, diba? Kasi ‘pag umamin ako, siguradong lalayo siya sakin at mawawala ang maganda naming friendship.

Alam ko parang pelikula lang, pero totoo naman eh. Try mo kayang magkagusto sa kaibigan mo.

Putek. Ang hirap! Ang sakit! Ang saklap! Ang saklap-saklap! T__T

Kahit naman nagssweet-sweetan kami, hanggang dun nalang yun. Isang malaking pagkukunwari.

“Ms. Constantino, will you please give us the correct answer,” may biglang nagsalita sa harap.

Aba’y akalain mong ‘di na pala ako nakikinig kay ma’am. Psh. Josiah kasi eh. -__-

Dahan-dahan akong tumayo. Lahat sila nakatingin sakin. At taas-kilay pa ang tingin sakin ni ma’am.

Tsss. Taray! =3=

A!bulong ni Josiah sa tabi ko. Sana lang tama ang sagot niya.

“A,” sabi ko.

Parang nadismaya si ma’am. “Correct,” sabi sabay sulat sa blackboard.

Haaaaaay. Nakahinga ako dun ah. Buti nalang! Salamaaaat, Josiah! Guardian angel na talaga kita!

“Salamat ha,” bulong ko sakanya.

Mahina siyang tumawa. “Ayan kasi. ‘Di nakikinig. Pasalamat ka naawa ako sayo.”

Gwapo nga. Makapal naman mukha. Pero ok lang, gusto ko parin siya. :”>

Oo. Grabe. Todo-todo na. Totoo na ‘to. Gusto ko talaga siyaaaa. Waaaah! T__T

Gusto ko siya. Sobra.

Pagdating ng lunch break, papunta na sana ako sa canteen nang bigla akong hilain ni Josiah.

“Huy. San ka pupunta?” tanong ko nang hilain niya ako sa kabilang direksyon. “Sa kabila ang canteen diba?”

Tumigil siya sa paghila at tinabihan ako. Umakbay siya sakin. At kinilig naman ako. Chances. Haaay! Kailangang i-enjoy ko ang mga moments na ‘to.

 “Alam ko,” sabi niya. “May ibang lugar tayong pupuntahan. Dun tayo kakain.”

Aba. At ano ‘to, date?

Ano ba naman yan, Josiah. Pinipigilan ko na nga nararamdaman ko sayo eh. Tapos ganito pa ginagawa mo. -__- Naman eh.

Nanahimik nalang ako at sumunod sa kung saan man kami kakain.

Pero... waah! Grabe. Ang gwapo niya talaga. Sobra. PUTEK! >////////< Sarap titigan.

Ish. Baka mahuli ako. Hahaha. Ba’t ba ang sarap titigan ng nilalang na ‘to?

Maya-maya, nasa field na kami. At papalapit kami ng papalapit sa bleachers sa may basketball court. Open kasi ang basketball court namin. Lahat na ng sports nasa field.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now