Chapter 38

904 9 0
                                    

Todo-todo ang celebration ng school sa pagkapanalo namin. Dahil after 5 years, ngayon nalang ulit kami nag-champion. Kaya naman syempre, star si Zac. Gustong-gusto naman ng loko. -___-

“Nahihilo ka ba?” tanong sakin ng katabi ko. Oo, si Zac. Nagpumilit siyang tumabi sakin eh, just in case daw mahilo ako or something. Tss. ‘Di ako bata!

Pero medyo nahihilo nga ako. @_@

“Medyo,” mahina kong sabi. “Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pwedeng puntahan para sa blowout ng school, Baguio pa?! Ang layo-layo eh! >.< T-Tapos... medyo nakakahilo.”

“Hahaha. Ano, baba na tayo? Gumulong nalang tayo pababa papuntang Manila gusto mo? Hehehe,” sabi ni Zac.

“Baliw,” sabi ko.

“Hmm... Ang sungit mo na naman! Halika nga dito!”

o.O?! Eh?! Tumatagilid ang ulo ko... hanggang sa... nakasandal na ako sa balikat ni Zac.

“Ayan, para ‘di ka mahilo,” sabi niya. “Matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita ‘pag dumating na tayo. (^__^)”

Kahit soooooobrang awkward, hindi na ako nagreklamo. Mas comfortable pala kasi ‘pag... nakasandal kay... Zac. Kaya pumikit na rin ako para matulog.

Zzzzzzz...

“Psst... Vian. Viaaaan.”

Shh. Ingay mo! Natutulog yung tao eh! -__-

“Huy. Vian! Sarap ng tulog mo diyan ah! Baka nilalawayan mo na si Zac!”

“Hahaha. Iwan mo na yan, Zac! HAHAHAHA!”

H-Ha? Ano daw? Laway? Zac? Ano?!

“Ayun! Nagising ka din! Kala namin minurder ka na ni Zac eh!” sabi ni Belle na nakatayo sa gitna ng bus. “Tara! Nasa Baguio na tayoooo! (^0^)”

Agad na din silang bumaba at iniwan kami ni Zac. Tumingin ako agad sa damit niya. Baka may laway nga. Hehehe. Mukhang wala naman.

“Oh, tara naaaa! We’re in Baguio, baby!” biglang sigaw ni Zac at tumakbo na rin pababa ng bus.

Baliw talaga yun. Hahaha.

Ang lamiiiig! GRABEEEE! ANG SARAAAAAP! I’m in heaven!

“Grabe guys! Nasa Baguio tayooo! Hihihi! Ang sarap maglakad mamayang gabiii! Hihihi!” sabi ni Belle pagpasok namin sa kwarto namin. Syempre magkakasama kami sa room!

“Oo nga! Magandang date ang mangyayari mamaya! Hihihi,” sabi pa ni Shia.

Hay, maganda ngang mag-date dito. Haaaaaayy. At ako naman, syempre dito lang sa hotel. Manonood at kakain. (╥_╥) #BuhaySingle

“Pero syempre tayo-tayo muna! Hahaha! Punta tayo dun sa may mga kabayo! Yung Wright Park ba yun?” biglang sabi ni Shia sabay hila sakin palabas ng kwarto.

Inaamin ko, sooobrang excited talaga akong mamasyal sa Baguio. 10 years ago nung last na punta ko dito. At ayuuuun yung mga kabayo! Hihihi. Perstaym ko ‘tooo!

“Babe! Andito din pala kayo!” salubong ni Edrey kay Shia.

Oo, nandito din sila sa Wright Park. HUH. How surprising. -___- Eh kung nasaan ang dalawang ‘to halos nandun din lagi ang Maharlika eh.

‘Di naman ako nagrereklamo. Masaya nga eh! Seryoso. Walang sarcasm. Eh sa sobrang gugulo ba naman ng mga taong ‘to, masaya talaga!

At si Josiah, halos ‘di din naman nagsasalita. Halos ‘di ko na nga napapansin eh.

That Guitar PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon