Chapter 30

818 13 2
                                    

Ito muna ang iuupdate ko dahil gusto ko na 'tong tapusin. Hahaha. Kahit na parang medyo matagal pa. T___T Feeling ko 'di na siya magandang kwento. Pero ayaw ko namang magdelete na naman ng story. *sniffs*

---

Hindi ko na iniyakan pa ulit yung kantang yun. At ngayon, katatapos lang ng practical namin sa music.

Nagustuhan nga nilang lahat eh. Ang ganda daw. At duet dapat yun diba? Ako nalang kumanta dahil baka daw mainlove lahat ‘pag kumanta si Zac. -____- (Narinig ko na siyang kumanta. Hindi kaaya-aya.)

 Kaya sinabi nalang namin kay ma’am na siya nag-arrange ng kanta.

Kaya naman talagang maganda yung kinalabasan. Ako kumanta eh. HAHAHA. Pero totoo naman eh. ¯\_(ツ)_/¯

“Uy! Uuwi ka na ba?” biglang tanong ni Zac. Maaga kasi ang uwian namin ngayon. Kaya naman, PARTEH!

“Um... hindi pa siguro. Hintayin ko pa yung dalawang ugok kong kaibigan. Sabay-sabay na kaming uuwi,” sagot ko.

“Ihatid ko na kayo! (^____^)” Eh di ikaw na may kotse. -____- “Pero samahan mo muna ‘ko sa practice ng team.”

“Eh? Saan?”

“Sa chem lab. -___- Malamang po sa gym,” sagot naman nito. -___-

“Batukan kita eh.”

“Tara, manood ka muna!” sabi niya sabay hila sakin sa gym.

O___O Alam niya namang ‘di ako malapit sa mga lugar na ‘to eh. Ngayon nga lang ulit ako nakapasok dito since last year. At ayaw ko parin talaga sa lugar na ‘to.

O___O Puro mga lalake. Mga lalakeng kelanman ‘di ko sinubukang lapitan.

Para akong nasa ibang planeta. Nanliliit ako. (_ _”)

“Dito ka muna ha? (^___^)” sabi niya at nilapag ang gamit niya sa bleachers, tapos tumakbo na papunta sa mga kapwa niya varsity. Edi sila na athletic. -____-

Umupo na ako sa tabi ng gamit niya sa bleachers gaya nga ng sabi ni Zac. Tapos nagsimula na silang magpractice.

At dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga bagay na yan, tahimik lang akong nanood. Pero tuwang-tuwa ako ‘pag nakakashoot si Zac. Nagtatatalon ako sa tuwa. Sa utak ko.

Sa totoo lang, sobrang galing talaga ni Zac. Masakit mang aminin, pero magaling talaga siya. Halos siya nga lang ata nakakashoot eh. Edi siya na. -____-

Uy, tapos na ata sila.

Lumapit sakin si Zac na nakangiting parang aso. “Ayos ka lang dito? (^___^)” tanong niya sabay upo sa tabi ko at uminom siya ng tubig.

Tumango lang ako.

“Patapos na din kami,” sabi niya. Ay, break lang pala. Nagwhistle ulit yung coach.

Nagpunas si Zac ng pawis tapos tumayo. “Last na ‘to,” sabi niya tapos... kumindat?! (O.o)

Bigla niyang binato sa mukha ko yung pinagpunasan niya ng pawis.

-____- Hayop.

Sakto namang dumating sina Shia at Belle. Syempre sinabi kong nandito ako. Sabay-sabay nga kaming uuwi diba? Malamang, nakinood na din sila.

Tahimik lang kaming tatlong nanood dahil syempre, wala naman kaming kinalaman sa kakaibang planetang ‘to.

Nang biglang magsalita si Shia.

“Galing din pala ni Zac no?”

“Oo nga eh. Sobrang galing nga eh,” sagot naman nitong si Belle.

Nag-uusap na naman sila na parang wala ako. -_____-

“Ang gwapo pa,” sabat pa ni Shia.

Napatingin ako sakanila. WAHT?! Anong sabeee?! Kung sabagay, may katotohanan din naman kahit pano.

Tumahimik sila ng mga isang minuto. Nag-focus na sila sa varsity.

Hanggang sa bigla na namang magsalita yung isa.

“Mga lalakeng sobrang galing magbasketball: major major turn on,” parang nahypnotize na sabi ni Belle.

O______O?!

“May mga boyfriend kayo diba? Tumigil-tigil nga kayo! -___-” sabi ko sakanila.

“Tch. Bitter ka lang eh!” sabat nilang dalawa.

Bitter kung bitter! May lablayp lang ‘tong mga ‘to eh. -___-

At sa wakas, matapos ang ilan pang minutong panonood, natapos din silang magpractice. Sa wakas ay nakasakay na din kami sa kotse niya. Siya na talaga may kotse.

Nagtinginan pa nga sina Shia at Belle sa gulat nung nakita nila yung kotse eh. Hahaha! Cheap yung mga boypren niyo eh.

Dejokelang. Mas sosyal pa nga sila eh. May mga driver. -___-

Dinala kami ni Zac sa Luneta park. Ewan ko ba sa dalawang ‘to. Dun nagpahatid. May pupuntahan daw kami. -___-

“Sama ako!” sabi ni Zac.

“Wag na. Sawang-sawa na kami sa pagmumukha mo. Lalo na ako,” sabi ko naman. Sasabit pa eh. -___-

“Tch. Sungit!” sabi niya naman.

“Pagdating sayo, OO!”

“Tss! Osige na. Uwi na ko. BABAAAY!” sabi lang ni Zac at saka nagdrive na paalis.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko naman sa dalawa.

Di sila sumagot at dinala nalang ako sa isang restobar na malapit.

Okaaaay... Hindi naman kami nagpupunta dito ah! Anong meron?!

Pagpasok namin, medyo marami ring tao. Malaki din pala yung lugar. Pero may nakakuha agad ng atensyon ko.

Si Josiah, nagwawala.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now