64

10 0 0
                                    

64

Sa buhay kahit na nakuha mo na yung gusto mo, may isang bagay pa rin talagang magpapakumpleto sayo. Maayos na kami ng pamilya ni Chrysler. Pero hindi ko naisip na sarili kong pamilya hindi ko kasundo. Nawala yung dating samahan namin at yung dating saya. Kapag may problema, pinag-uusapan, iniintindi ang bawat isa. Ngayon, hindi namin iniintindi ang nararamdaman ng kahit sino samin kaya ganito kami. Hindi rin namin pinag-usapan ng maayos ang issue kay Ate.

"Pride, pwede kayang papuntahin mo dito ang mga mommy mo? Tutal naman malapit lang sila diba?" Nandito kami sa kwarto ni Kuya at bigla akong may naisip na plano. Bright idea to!

"Ha? Para saan? Birthday? Wedding niyo ni Celestrio? Binyag ng anak niyo?" Binatukan ko na. Masyadong futuristic huh. Darating din tayo dyan! For now, iintindihin ko muna ang issue dito sa bahay bago ko isipin yan.

"Sira! Family gathering. Meeting. Conference. Open forum."

"Pano sila Tito Gener? Nasa Preciosa sila!!" Alalang sabi ni Pride.

"Wala ka bang utak, dude? Eh di papapuntahin! Gamitin mo nga minsan, inaagiw na." Sinapak ni Pride ang braso ni Kuya. "Makapagsalita ka akala mo ginagamit mo palagi yung sayo ah!"

"Sige ako na ang mag-iinvite. Kapag andito na sila tsaka mo tawagan sila Sean." Tumayo ako sa kama para kuhanin ang cellphone ko sa kwarto.

Agad kong tinawagan si Mareese at sinabing pumunta sila dito, as soon as possible. Bukas ng umaga pa raw sila aalis para makasama ang Mom nila kaya bukas pa pwedeng magkausap-usap. Dapat ayusin na muna namin ang kailangang ayusin.

Tinawagan ko rin ang iba kong pinsan sa side ni Mama, even though we're not really close, I still want to invite them. Well, actually mula nang mamatay ang grandparents ko or parents ni Mom, hindi na sila masyadong naguusap-usap. Si Tita Candy ang kapatid ni Mama, asawa niya si Tito Lex at may anak silang si Narah. Ang second kapatid ni Mama, si Tita Zayla na asawa si Tito Jake na may anak na si Exel, Dino at Jude at ang bunso ay si Tito Roz na wala pang asawa. Hindi ko sila naintroduce dahil nga hindi kami that 'close'. Mas close kami sa side ni Papa kaya naman sa important occasions lang namin nakaka-sama ang side ni Mama.

Pumunta ko sa kwarto nila Papa. Nakahiga silang dalawa at nanunuod ng tv. Sumingit ako sa gitna nila. Napangiti naman si Mama.

"Tulad ng dati." Tumatawa kong sabi. Kapag magpapabili ako ng laruan o kaya may hihingin na favor ganito ang ginagawa ko. Sigurado akong may hint na sila ngayon.

"Anong hiling?" Tanong ni Papa. Mukha silang okay pero halata mong may problema. But atleast ngayon mas mukha silang better. I wonder what happened between them and Ate, nakapag-usap na kaya sila?

"I called Mareese and she said they will be here tomorrow. And also, Pride will invite his Mom and Dad, with my cousins. We will have a family gathering tomorrow! Yeaahh!" Energetic kong sabi. Napangiti at napailing sila pareho.

"Planning things without our consent huh?" Sabi ni Papa. Kinabahan ako bigla, pero dahil nakangisi siya, I know he'll agree.

"Oh yeah. Oh yeah. So, what's your decision?"

Syempre yes na yan. How can they say no? Na-contact ko na ang families nila kaya wala ng atrasan to! Yes yes yes!

Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad kong pinaalam kay Chrysler ang ginawa ko. Natatawa siya dahil para daw akong bata. Gusto niya nga daw pumunta at isama ang family niya. Magdadala daw sila ng pagkain. Tsaka ko lang narealize, balak ng mamanhikan! Ay nako talaga! Malakas ang trip!

Pagkatapos ay tinawagan ko si Bes, masaya siya para sakin dahil ako daw ang magiging susi ng pagkaka-ayos namin. Sana nga. Kapag naki-cooperate si Ate, maayos na kami. I hope so.

Maaga akong natulog ngayon dahil gusto ko ng magbukas. Gigising ako ng maaga at maglilinis ng bahay para pagdating nila maayos at malinis. I'm so excited!!!

Epic LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora