57

7 0 0
                                    

57

Banners here, banners everywhere, blue balloons on the left side and yellow balloons on the right, students supporting their school shouting and cheering. And I know, laban talaga namin ngayon. Sobrang daming tao kumpara sa unang laban namin noon na Saiel University ang kalaban. Ngayong Satro naman, occupied ata lahat ng seats ng gymnasium. May kalakihan to at kahit buong university ay kasya, kaya ngayon kahit maraming nanunuod, kasya lahat.

"Wag na wag niyong hahayaang madistract kayo. Focus, team. Focus ang kailangan natin ngayon. Magagaling ang players, I trust you guys. Magaling kayo. Believe in yourself. Okay?" Si Coach ay medyo tensyonado. Sinong hindi? Kahit hindi pa nagsisimula ang laro, panay na ang hiyawan ng mga nanunuod.

"I won't put too much pressure on you. But please, Dervena. Focus. Okay? Focus." Bulong ni Coach habang hawak ako sa magkabilang balikat at tinapik ako pagkatapos.

Focus. I need that. Okay, hindi ko hahanapin si Chrysler during the game. Hindi ako mag-iisip ng mga ibang bagay kung hindi yung game. Nandyan ang family ko at si Les. They'll support me.

Pumunta na kami sa gym. Lalong naghiyawan ang mga schoolmates namin. May nagda-drum habang isa isang inintroduce ang mga pangalan ng players namin. Umupo kami sa bench namin at inintay dumating ang players ng Satro.

"And now! Satro University Volleyball Team enters the gymnasium! Let us all clap our hands for the team captain! Klariz Del Garino!!!" Hanggang sa naipakilala na ang lahat at umupo din sila sa bench nila. Nagsimula ang game na relaxed pa ang magkabilang team. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil nakita kong sinlakas din namin ang Satro. Ngayong set na to. Hindi ko alam kung ano pang kaya nilang ibigay kapag nagkaka-initan na kaya dapat talagang maghanda.

Nag-spike ako at hindi sinasadyang natamaan ang mukha ni Klariz. Team captain, siya yung kaibigan nila Monica! Alam ko na ngayon. Kaya pala pamilyar. Satro pa siya. Agad nag-time out at naglapitan sa kanya ang teammates at ang medic. Dumugo ang ilong niya sa lakas ng impact. Naghihiyawan ang mga tao ng 'boo' dahil sa nangyari.

"Oh. Looks like the team captain got injured. Be alert next time, captain! And now, we will continue the game!" Sabi ng announcer.

Mukhang nainis ang mga teammates niya sa nangyari kaya mas nag-init sila sa laban kumpara kanina. Namemersonal na rin ang iba sa kanila. May narinig pa nga akong nagsabi sakin na 'aagawin ko boyfriend mo, malandi ka naman pala, di mo siya deserve!' dahilan kung bakit medyo nadistract ako. Isa pang dahilan, nakita kong parating si Chrysler at lumapit kay Klariz sa gilid. Dinaluhan niya ito at mukhang chinecheck kung ayos na ba. Umiiyak na ngayon si Klariz.

"Wow wow wow! Wait a minute! Zaider's Team captain is losing her focus. What could be the reason? Huh? Na-miss niya tuloy ang bola! Aww!" Sabi na naman ng announcer nang nilagpasan lang ako ng tira galing doon sa babaeng nagsabi sakin na malandi ako. Ugh! Distractions!!

Nang makabalik ako sa focus, nakita kong binibigyan ni Chry ng tubig si Klariz at hinahagod pa ang likod nito. Habang si Klariz ay nakahawak sa dibdib niya. Talaga lang ha? What does this mean?

"Ow!! She missed it again! She missed it again! Hah!" Sigaw ng announcer. Hindi ko na kaya. Humingi ako ng sub kay Coach at pumayag siya. Ayokong makitang ganyan ang pangyayari sa bench sa kabila habang naglalaro ako dun. Torture it is!

"Anong nangyayari sayo? Where's your focus?" Inis na tanong ni Coach. Alam ko namang gusto niyang maipanalo ang game namin lagi. Lalo na ngayon. Pero wala talaga, nawawala ako.

"Sorry, coach. Hirap magfocus. Ang dami kong iniisip." Hindi niya naman din kasi alam ang nangyayari sakin ngayon kaya naman hindi niya mage-gets. Pero wala akong balak sabihin pa yun sa kanya kaya ganyan nalang ang pinaliwanag ko.

Napatingin ako sa kabilang bench. Napatalon ako nang makita ko si Chrysler na nakatingin din ngayon sakin. Malamig lang ang titig niya sakin at ganun din ako. naiinis ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi siya bumitiw hanggang sa tinawag ako ni Coach tska lang ako bumitiw sa tinginan namin. Hindi ko alam kung nakabuti o nakasama ang tinginan na yon pero nakapag-focus naman ako hanggang huli.

**

"Congrats, bes! Ang galing ng team niyo." Niyakap ako ni Leslie. Kasama niya sila Mama, cinongratulate din nila ko. Pero si Ate..

"Mang-aagaw ka! Inagaw mo lahat sakin! Laging ikaw! Lagi silang proud sayo!!! Pero sakin hindi! Mang-aagaw!" Sinampal niya ko at umalis siya doon. Batid kong may mga nakakita samin. Malakas ang sigaw niya at nage-echo sa buong gym. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkaganun. Wala akong ginagawang masama.

"Celestine!!!" Paghabol ni Papa at Mama. Naiwan na kasama ko sila Kuya, Pride at Les. Tinatahan nila ko. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit sakin. Wala akong pinakitang hindi maganda sa kanya mula palang dati.

"Sshh, tahan na, bes. Nabigla lang yun. Hindi niya sinadya yun, depressed pa siya." Pagcomfort ni Leslie. Nakaupo ako sa sahig at umiiyak. Wala akong pakialam kung mukha akong dugyutin dito. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman at naramdaman ko mula pa sa Preciosa. Masyadong fresh ang lahat. Ang hirap ng ganito. I need time to understand everything that is happening in my life right now.

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon