21

14 0 0
                                    

21

Andito ko ngayon sa park. Mag-isa, as usual. Si Pride kasi mukhang nakaadjust na, marami na siyang kaibigan don. Ok lang sakin dahil masaya ko para sa kanya at nakikipag-socialize siya di katulad dati na kami lang mga pinsan niya ang kaibigan niya.

Naisip ko lang, talagang gusto ko pala si Chrysler. Hindi ko na maikakaila. Sa bawat pag-wawala palang ng sistema ko kapag magkasama, magkausap o magkatinginan kami. But, I don't expect him to like me back. Sa taas niyang yun? I don't think he deserves someone like me, kaya hindi ako mageexpect sa kanya. I know my limitations, sana mapigilan ko to.

"Alone again?" Tanong ng pamilyar na boses. Parang antagal ko din hindi narinig ang boses ng nakakairitang hambog na to.

"Naturally." Nagkibit-balikat ako at umusod ako ng konti para maka-upo siya sa bench.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya. Na naman.

"Seriously, Kaiz? Ano ba tingin mo ginagawa ko?"

Natawa nalang kami pareho. Sa totoo lang, kahit nakakainis siya, I feel secured and comfortable with him. Isa pa, ano pang ipaga-alala ko, mukha naman siyang katiwa-tiwala at disente. Atleast I can trust him as a friend.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya sakin habang nakatingin siya sa paanan naming dalawa.

"W-Wala naman. Ikaw? Anong iniisip mo?" Ayoko naman na malaman niyang may iniisip akong isang tao. Tsk.

"Ikaw..." Akala ko tinatanong niya ulit ako, pero dinugtungan niya. "..ikaw ang iniisip ko." Tumingin siya sakin. Nakikita ko ang sincerity sa mata niya, kahit na may halong playfulness.

"Ha?" Na-tanga ko sa sinabi niya. Hindi ko inexpect yun.

"Ikaw nga iniisip ko. Tss." Napaiwas siya ng tingin nong tumingin ako sa kanya. "Don't look at me like that. You don't know how it feels." Gusto kong matawa sa pagka-gay niya. Pero alam kong seryoso siya ngayon.

"Ahh, okay." Nagiwas ako ng tingin at tumingin nalang din sa mga paa namin. "So.. Uhmm." Na-speechless talaga ako sa sinabi niya.

"Uhh. This is really hard, pero gusto kong malaman mo. I'm very happy na naging nagkakilala tayo. For a short moment, I can say that you captured my attention and I can't stop thinking about you from the first time we met"

Napa-nganga talaga ko ng bongga sa rebelasyong ito! Hindi ko kinakaya! Medyo natigilan talaga ko sa sinabi niya. Ibig sabihin.. Ibig sabihin ba non, may gusto siya sakin?

"I like you, Zereena. But please, after this, sana walang magbago sa pagtrato mo sakin, pero alam kong hindi ka naman ganong tao kaya, sure ako na walang mababago." Nakangiti siya ngayon at nakatingin sa kin. Nakatingin ako sa kanya pero gulat pa din ako hanggang ngayon.

"Hey. Promise me. Walang mababago." Natatawa na siguro siya dahil sa reaksyon kong "priceless" ika nga. Waaahh first time kasi to eh!!!

"Hey Zereena!" Pinadaan pa niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko para maka-bawi ako sa pagka-shock.

"Ah-ahh.. Oo."

"Say promise" para siyang bata na gustong bumili ng laruan na hindi pinayagan kaya next time nalang.

"P-promise." Kinakabahan naman ako sa sinasabi nitong si Kaiz eh

Tumayo siya at nagstretching. "Tara, ice cream. My treat" back to pang-inis aura na siya.

"You sure? Good thing I brought my wallet with me." Ayokong masira ang friendship na nabubuo palang samin kaya gusto ko din namang normal pa din ang tratuhan namin at walang awkwardness kahit na umamin siya.

"Hey, spacing out again? Come on, isipin mo nalang walang confession na nangyari." Nakangiti pa din siya, mukhang maganda ang mood niya ngayon dahil magaan na siguro ang loob niya. Maybe I should ask him how it feels to confess.

Kumain kami ng ice cream, at totoo ngang treat niya. Dahil malapit lang ang park sa bahay namin, nagprisinta siyang ihatid ako, maglalakad daw kami at babalik nalang siya dito mamaya para kunin ang kotse niya.

"Kaiz" itatanong ko na sa kanya. Para naman mafeel ko din ang gaan ng loob na nafifeel niya ngayon.

"Hm?"

"How does it feel?" Di ko madugtungan ang tanong ko, pero mukhang nagets niya naman na.

"Perfectly fine! Alam mo yung parang taeng pinigilan for a month, ang relaxing pag labas. success it is. Hahahahahaha!" Mukhang masaya talaga siya ha. Grabe makatawa dito sa sidewalk eh, napapatingin yung mga kasalubong.

"Ssh! Ang ingay mo! Para kang di na tatawa bukas! Nakakahiya ka! Di kita kasama!" Sabi ko na kunwari lumalayo pa sa kanya.

"Hey! Hahaha. Natawa lang ako sa ginamit kong example, I didn't expect that one from my mouth hahaha." Inglesero ang isang to talaga. Nakakahawa na nga eh, napapadalas ang ingles ko kapag kasama ko siya!

"Really, huh? Okay." andito naman kami sa tapat ng bahay namin ngayon. "We're here, wanna come in?" Paganyaya ko sa kanya.

"No. Gotta go, sige pasok ka na. I leave pagpasok mo" nakangisi siya sakin at mukhang masayang-masaya sa nangyayari.

"Uh.. Okay? Bye! Thanks for the treat! Ako naman next time." Nakakahiya kasi dahil tuwing may ganong situations siya ang nanlilibre.

"I'll wait for that 'next time'. Bye!"

Hayyy. If only I could also confess my feelings to him. Kaso ayoko, I need to keep this to myself until it vanishes.

Epic LoveWhere stories live. Discover now