16

14 0 0
                                    

16

Hayy sembreak! This is what I need! A break from all the stressful things in life. Haaaa. Wooo. Fresh Air!

Andito kami sa Preciosa. Isang maliit na probinsya ito. Dito nakatayo ang Dervena Exporting Company. Dito muna kami sa rest house namin dito buong sembreak. Tutal dito nadin nilibing ang aming mga Lolo't Lola dahil dito sila nakatira, since birth kaya di na sila sumama samin sa Manila.

6 hours din ang byahe kaya 1 palang umalis na kami para maaga kami dito. Balita ko pupunta rin ang mga relatives namin. At dahil kami ang may ari ng bahay dahil kay Papa ipinamana ng Lolo, kami dapat ang magayos ng lahat para pagdating nila ay okay na.

Yung business naman ay sariling sikap ng mga Lolo ko. Panganay si Papa kaya't marami siyang namana. Pero dahil angat naman ang buhay ng mga Lola namin, silang tatlong magkakapatid, lahat sila maraming mana.

Ang Oil company ang naipamana sa mga Tita Lyda ko na kapatid ni Papa. Ang Dairy Production ay naipamana kay Tito Gener, bunsong kapatid nila Papa. Kaya't angat din sila ngayon.

"Oh Xyrel! Anong minumukmok mo dyan? Tara na sa loob andyan na sila!"

"Oo na Ma susunod na!"

Bumaba na ko sa railings na kinauupuan ko kanina. Likod namin ang batis na to kaya fresh air tapos napapalibutan ng mga puno, yung bahay namin dito ay nasa harap ng batis. Maglalakad ka lang ng kaunti mula sa batis at makikita mo na ang bahay namin.

"Oh Zereena! Kamusta, Hija?" Tanong ni Tita Lyda.

"Mabuti naman po, kayo?" Nakangiti kong sagot sa kanya habang nagmamano sa dalawa pang kapatid ni Papa.

"Ayos naman. Hinahanap ka ni Pride, andyan sa may kusina. Tagal niyo ding hindi nagkita! Dalaga ka na!"

"Haha, ganun po ba? Oo nga po eh. Sige puntahan ko siya."

Umalis na ko doon sa terrace at nakita ko nga si Pride sa kusina. Nakikipagtawanan kay Renz at Cedric. Sila Sean at Mareese ay nagaaway sa sulok. Unfortunately, puro lalaki ang karamihan sa pinsan ko. Si Cedric at Mareese ay anak ni Tito Gener. Kapatid ni Renz si Pride at si Sean, anak naman sila ni Tita Lyda.

Nang nakita nila kong dumating ay agad silang lumapit sakin para yumakap. "Namiss ka namin Zer! Akala ko di ka na naman sasama kila Tito eh." Sabi ni Pride pagkakalas sa yakap. Siya ang pinakaclose ko sa lahat dahil sa Manila din sila nakatira. Sila Tito Gener kasi ay napiling magstay sa bahay nila dito.

"Di ko alam na umuwi pala kayo galing Australia!! Grabe akala ko nalimutan ko na ko!" Pagbibiro ko sa kanya. Galing silang Australia ng pamilya nila kaya di rin kami nagkita nitong mga nakalipas na buwan.

"Syempre hindi! Don't worry, this sem kasabay mo na kong papasok sa school mo." Sabi niya sakin habang umuupo kami sa upuan sa harap ng counter.

"Really?! Buti naman!!! May kasama na ko!" Buti naman dahil ang best friend ko ay unti unti na kong inaabanduna.

"Why? Don't you have friends there?" Nagtatakang tanong niya.

Sa kanya din ako nagoopen madalas bukod kay Mama, dahil siya ang ka-age ko sa lahat, I'm sure he'll understand

"Yun nga kasi, nagkaboyfriend lang, nakalimutan na ata ako. Tsk" naalala ko na naman. Naiinis lang ako pag naaalala ko!

"Oh? Cliche but absolutely not good. Kung ako man magkakagirlfriend, I'll make sure I'll still have time for you. Since ikaw naman ang best friend ko at ang lovelife nawawala, ang friendship hindi."

Napatingin ako sa kanya, at napatawa. Sobrang seryoso ng mukha! "I know, DJ. Hahaha."

"What? I'm serious here!" Inis niyang tanong.

Epic LoveWhere stories live. Discover now