55

8 0 0
                                    

55

Pumasok ako sa school pero parang yung kaluluwa at utak ko naiwan sa Preciosa at sa bahay dito sa Manila. Lutang na lutang ako.

Nagkaroon kami ng meeting tungkol sa laban namin sa Satro. Makakalaban namin sila ng tatlong beses at kung sino ang manalo samin, yun ang lalaban sa championships sa ibang university sa buong bansa. Yan lang ang naintindihan ko. Next week na ang game.

Buti nga at wala kaming practice dahil kung meron, magkakalat lang ako dito. Umuwi agad ako pagkatapos. Parang zombie ang pakiramdam ko. Walang laman ang utak ko kundi yung nangyari sa Preciosa. Si Chry. Si Monica, Vyanna at Kaiz.

Sa bahay naman, tahimik lang at parang iba ang atmosphere. Laging nasa kwarto si Ate, kung hindi naman, umaalis. Sila Papa, sobrang tahimik. Halos di rin sila magdikit at mag-usap ni Mama. Si Pride at Kuya lang ang active. Pero mukhang nakakaramdam din sila minsan kaya naman tumatahimik din sila.

Mula non, hindi ako kinocontact ni Chrysler, kahit text. Kahit anong type ng communication. Mapa-chat or what. Wala. Lalo tuloy akong kinakabahan. Ano bang ibig sabihin ng pagiging walang koneksyon namin? Pano kapag habang ganito kami, biglang makakita na siya ng iba, makalimutan agad ako. Pano kung may ipakilala sa kanya si Monica, or si Vyanna para lang hindi na kami magkaayos pa?

Tumawag ang number ni Monica sakin. Agad ko tong sinagot dahil alam kong siya ang huling kasama ni Chry.

"Hello?"

'Zereena Dervena, humanda ka na. Pinapupunta ka ni Tita Karol at Tito Dente dito sa bahay nila. Ngayon na ngayon din." May tono ng pagkatuwa ang boses niya. Mukhang nasisiyahan talaga siya sa nangyayari sakin.

Pero teka, Tita Karol?! Nakauwi na sila? Kailan pa? Aish! That's not important! Dapat ko na silang puntahan para maipaliwanag ang katotohanan. Kahit alam kong naunahan na ng kasinungalingan ni Monica.

"Kuya! Aalis lang ako. I can drive alone." Pagpapaalam ko. Actually hindi ko alam kung kaya ko ng magdrive, talagang gusto ko lang mapag-isa habang papunta doon.

"Sira ka ba? Dude, hatid mo!" Sabi niya kay Pride. Sumunod naman si Pride after ng ilang sakitan nila.

"San ba punta mo bat gusto mong mag-isa?" Tanong ni Pride pagsakay namin sa sasakyan ko. "Hatid mo ko kila Chrysler. Ituturo ko nalang."

Tumango lang siya at tumahimik sa buong byahe. Buti naman. Kinakabahan ako, walang nagreregister na mga salita sa utak ko. Pero isa lang ang alam ko, hinding-hindi ako iiyak sa harap nila dahil wala akong ginawang masama.

"Call me pag uuwi ka na. Bye." Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti tska siya umalis.

**

Pagpasok ko sa bahay nila, ang sasama ng tingin ng mga maid. Tapos yung nag-hatid sakin sa office ng parents ni Chry, halos layuan ako habang naglalakad. Huh, okay. I don't care. Mag-isip kayo ng gusto ninyo.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa malaking pintuan na nasa harapan ko. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay may sumampal kaagad sakin. Pagkabawi ko sa pagsampal niya ay tinignan ko kung sino. Si Tita Karol.

"I trusted you! We trusted you!" Sigaw niya sakin.

"Karol! Calm down!" Utos ni Tito Dente habang nakatingin ng masama sakin. Yung tingin na kayang kaya kang saktan isang kalabit mo lang.

Umupo si Tita Karol sa upuan sa harap ng table ni Tito Dente. Hindi ako umupo. Nakatayo lang ako dito.

"Zereena. Anong nangyari sa weekend mo? Masaya ka ba? Masaya ka bang niloloko ang dalawang anak ko?" Umismid siya habang nakataas ang dalawang kilay niya.

"Tito, hindi ko po niloloko at kailanman niloko ang anak ninyo. May mga tao lang talagang naninira sakin." Sabi ko ng malinaw na malinaw, pero tinawanan lang niya ko. Napatingin naman ako kay Tita Karol at galit na binubuksan niya ang isang envelope. Halos mapunit na ito.

"Are you sure?! Huh?!" Binato niya ang pictures sakin. Pinulot ko ang mga nahulog sa sahig.

Huh. Ito? Tss. Sa gantong paraan naman babawi si Monica. Alam ko na yun. May picture na pumasok si Kaiz sa kubo. Next picture ay ako naman. Yung pangatlo nakapatong na ko kay Kaiz habang hawak ang mukha niya. Pero bakit wala dito yung tinignan ko yung mata niya gamit ang phone ko? Panghuli ay hinalikan ako ni Kaiz.

"May hindi kinuhang scene si Monica!!" Pag-apila ko. Kailangan nilang maintindihan na sila ang niloloko ng pamangkin nila.

"So what do you mean? Niloloko kami ng pamangkin namin? I know her too well. Hindi niya gagawin yun." Sabi ni Tito Dente. Nakakatakot ang bawat pagsasalita niya, pati ang patawa-tawa niya ng bahagya.

"Nagsisinungaling lang siya para masira ako sa inyo! Di ko alam bakit niya yon ginagawa pero alam kong wala akong ginawa sa kanya." Matibay kong sabi. Bahala na kung anong kakalabasan ng lahat ng paliwanag ko, gusto ko lang ngayon ay maintindihan nila yun. "Nasan si Chrysler?" Tanong ko. Siya lang gusto kong makita ngayon. Gusto kong magpaliwanag. Baka sakaling tanggapin na niya.

"Wag mong siraan ang pamangkin namin! Ikaw ang naninira dito! Nagka-away si Kaiz at Chrysler dahil sayo! Ngayon, hindi mo makikita si Chrysler. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo! Ayokong masira mo lang lalo ang buhay nilang magkapatid. Umalis ka na dahil hindi na kita matatanggap! Tandaan mo yan!" Sigaw ng umiiyak na si Tita Karol.

"Leave, Zereena. Hangga't hindi kami nakakahanap ng maipapalit ni Chrysler sayo, hindi mo siya makikita. Umalis ka na. Ayokong magkaroon ng malandi sa pamilya." sabi ni Tito Dente. Galit na galit silang dalawa na para bang napatunayan na nilang nagkamali nga ako. Magaling gumawa ng kwento si Monica. Galing.

"Di niyo ko kailangan ipagtabuyan. Kung di niyo rin naman ipapakita sakin si Chrysler, aalis na agad ako. Di niyo na ko kailangang pagsabihan ng salitang ganyan lalo na kung di niyo pa alam ang totoong nangyari! Bakit hindi niyo tanungin si Kaiz? Siya naman ang dahilan kung---*pak!*" isang sampal na naman ang natanggap ko. Nanginginig ang kamay niya sa galit pagkatapos akong sampalin.

"Pati ba naman si Kaiz idadamay mo sa kawalangyaan mo?! Sinisisi mo pa si Kaiz, ha?! Lumayas ka!" Tinutulak niya na ko palabas ng office. Paglabas ko ay may maghahatid sanang maid sakin pero hindi ako pumayag. Lalabas ako hindi dahil tinaboy niyo ko, lalabas ako dahil ayoko na dito.

**

Tinawagan ko si Pride na sunduin ako dito sa park nalang dahil hindi ko na kayang magtagal doon. Hindi ako umiyak sa harap nila. Achievement yun.

Ilang sandali lang, dumating na si Pride. Sumakay ako pero walang imikan hanggang makauwi. "Zer, alam kong may problema ka ngayon pero pag-uwi sa bahay, sana maghanda ka ha." Sabi ni Pride na nagpakaba sakin. Wala akong naisip na ginawa ko. Di kaya andun sila Tita Karol? Kinausap kaya si Mama't Papa? O kaya naman si Monica at sasaktan lang ako?

Pagkarating sa parking lot hinanda ko na ang sarili ko. Kung ano man ang mangyari, naghanda ako. Sabay kaming pumasok ni Pride sa bahay. Naabutan kong umiiyak si Kuya. Si Ate wala dito. Si Mama at Papa rin umiiyak. Napakapit ako sa damit ni Pride sa likod. Naiiyak na rin ako. Anong nangyari?

"Anong nangyari? P-papa? Ma? K-kuya? Ano?" Kinakabahan ako sa mga naiisip ko. Bakit wala si Ate? May nangyari bang masama?

"Xyrel. M-makinig ka..anak. Makinig ka, h-ha? Si..si Celestine...di niyo siya kapatid. Ampon siya." Humagulgol siya pagkasabi niya nun. Ako naman ay natulala lang sa sinabi niya. Unti-unting natanggal ang kapit ko kay Pride kasabay ng pagtulo ng luha ko. Si Ate? Hindi namin kapatid? Ampon? Panong nangyari yun?

"Kinuha namin siya sa ampunan noong bumisita kami ng Mama mo. Sanggol palang siya nun. Nagmakaawa ang madre samin. Hindi kami makatanggi." Umiiyak si Papa. Alam kong mahirap para sa kanila na sabihin to, ngayong naka-mulatan ni Ate na kami ang pamilya niya.

"Nasan si Ate?"

"Hindi ko alam. Umalis kanina pa, babalik din yun." Sabi ni Mama.

Ano ba tong nangyayari? Magkagalit kami ni Chry tapos ampon si Ate? Ampon? Hindi ko lang lubos maisip.

Epic LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora