33

12 0 0
                                    

33

"Hoy, kumain ka na nga don!" Pagsusungit ni Kuya sakin. Kanina pa siya ganyan, hindi ko alam kung bakit.

"Eto na. Kakatawag mo lang naman sakin galit ka kaagad. Laki ng problema! Tsk" tumayo na ko sa kama at bumaba na. Nag-aaral kasi ako para sa quiz namin bukas.

"Pake mo?" Talaga nga namang ang highblood ng kapatid ko oh!

Umupo na ko sa pwesto ko at kumuha na ng pagkain, pagkatapos kong mag-aral magkikita kami ni Chry! Yehees!!

"Ano ba problema ni Razo, Mama?" Pagtatanong ni Ate. Mukhang naiinis na din siya sa inaasta ni Kuya ngayon. "Aba ewan ko nga! Nakakairita nga eh daig pa nagmemenopause! Pabayaan niyo siya!" Nakakahawa si Kuya sa pagkainis niya talaga. Si Papa naman at Pride tahimik lang na kumakain at patingin-tingin saming tatlo na nag-uusap. Si kuya hindi sumabay.

Nang makatapos ako, nagpahatid na ko kay manong sa Light Bulb, isang luxury restaurant. Magdidinner lang naman kami tapos uuwi na. Hayy excited na koooo!

"Napakatagal mo! 30 minutes na ko dito." Napaka-walang pasensya talaga nitong bwisit na to!

"Para thirty minutes, kala mo mamamatay? Syempre first official date to kaya dapat maghanda!" Padabog akong umupo sa tapat niya.

"Oo na. Oo na. Let's not ruin this moment." Pagsurrender niya. Naka-polo shirt siya na black at pants. Nag-palda kong hanggang tuhod tapos tube top at pumps. Napagdesisyunan namin na wag masyadong magpaka-pormal.

"Umorder na ko kaya aantayin nalang natin. Mag-water ka muna" inabot niya sakin ang iniinom niya. Tinanggap ko naman. Actually, hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano kami. Pero alam kong magiging malinaw din yun sakin one of these days.

"Totoo nga?" Pagtatanong ko

"Anong totoo? Na mahal kita? Oo." Tska ngumiti at tumawa. Pilosopong nakakakilig!!!

"Totoong 30 minutes ka na dito!! Tsk! Di pa ko tapos sumasabat ka na ng mga pakilig mo dyan."

Tumawa lang siya. Dumating na ang appetizer. Nagsimula na kong kumain dahil gutom na ko. Kumain na din siya pero nakatingin naman siya sakin na parang aliw na aliw.

"Ano?" Punung-puno pa yung bibig ko.

"Manners please. Hahahaha" pansin ko ngang mas susyal pa siya sakin kung kumain, ako parang di pinakain ng tatlong araw.

"Tsk! Gutom ako! Hindi ako nakakain ng lunch ng maayos, nainis ako kay Kuya, ang sungit! Tapos nagmamadali pa ko kasi mag-aaral pa ko, di ko na nga maalala yung mga naaral ko, excited na kasi kong magpunta dito!" Tuluy-tuloy kong sabi habang sumusubo ng pagkain.

"Oo na. Napakaingay ng bunganga mo!" Kinuha niya ang table napkin niya at ipinunas sa bibig ko. Madiin at matagal pa nga yung pagkapunas niya napalo ko tuloy yung noo niya para lang itigil niya.

"Niloloko mo ko ah! Wala naman dumi! Talagang sinadya mo lang na ipalamon sakin yang napkin na yan! Arrghh!" Kinuha ko naman yung sakin at ibinato sa kanya. Biglang dating ng waiter na may dalang main course. Shoooot! Nakakahiya! Huling huli ako.

Ibinaba niya na ang pagkain habang nagpipigil ng tawa si Chry. Napakabwisit talaga ng isang to eh!

"Bwisit ka! Pag nakatapos ako dito humanda ka sakin!" Sinimulan ko na ang pagkain ng mabilis para mabanatan ko na ang isang to.

After 30 minutes natapos na ko sa lahat ng pagkain, habang siya ngingiti-ngiting inuubos ang dessert niyang ice cream. Ang pinili ko ay mango crepe.

"Masarap?" Pagtatanong ko dahil natakam ako sa itsura. Ang ganda ng plating.

Tumango siya at inabot ang lalagyan. "Wanna try?" Kinuha ko naman yun at tinikman. Aaahh ang saraaapp.

"Heaven and cloud nine to. Ang sarap!" Halos maubos ko na nga pero naawa naman ako sa kanya dahil mukhang eto lang ang naenjoy niya sa lahat aagawin ko pa.

"Oh, eto na nga. Bibili nalang ako nito pag nagpunta kami dito." Binalik ko sa kanya ang lalagyan pero ayaw niyang kunin. "Bakit? Ayaw mo na? Ang sarap sarap kaya!"

Umiling lang siya at tumawa. Kanina pa to tumatawa ah! Nakakahalata na ko! "Ano bang kinasasaya mo dyan?! Kanina ka pa maligayang maligaya ah! Ubusin mo na kasi to!" Pilit kong inaabot sa kanya ang ice cream, pero di naman niya kinukuha, kaya nung natyempuhan ko siyang tumatawa, sinubo ko sa kanya ang malaking ice cream.

"Kala mo ah! Tatawa tawa ka dyan ha!" This time, ako naman ang tumawa. Woo. Mission accomplished.

---

Pagtapos ng epic first date namin, pumunta kami sa park sa taas ng tulay, makikita don ang full view ng lugar namin with night lights. Maganda dito. Grassy, mahangin, relaxing. Pero dahil gabi na, medyo nakakatakot na din.

"Baka may ahas dito!!!!" Bumaba kami saglit para tignan ang view pero agad akong bumalik ulit sa sasakyan niya.

"Wala. Ang ikli ng mga damo oh!" Pagkontra niya pagkabalik niya sa loob ng kotse.

"Dito nalang tayo!! Baka mamaya matuklaw pa ko ng ahas! Wala ng magmamahal sayo!" Hindi ko alam kung pagbabanta ba yon o pagpapakilig. Basta nasabi ko nalang bigla.

Kinagat niya ang labi niya na parang nagpipigil ng ngiti tska niya ibinaba ang bubong ng sasakyan niya. "Much better." Tska niya pinahiga ang mga upuan namin.

"Much better." Panggagaya ko sa kanya. Tumawa lang kami. nakahiga lang kami doon I've never been this happy in my life, pakiramdam ko lahat ng hiling ko natupad, lahat ng pinagdarasal ko nabigay na. I feel so blessed lalo na't nasa tabi ko siya.

Nakatanaw lang kami sa mga bituin sa taas, ramdam ko din ang hampas ng malamig na hangin sa balat ko. Nakahiga ako at nakapatong ang kamay ko sa tyan ko, ang isa ay sa hita kong nakataas. Hinawakan naman yon ni Chry. Napatingin ako sa kanya. "Oh bakit?" Pagtatanong ko.

"Masaya ka ba?" Nakangiti siya habang nakatingin lang sa taas. Kumabog ang dibdib ko, hindi pa din talaga nawawala ang effect niya sakin. Pinag-intertwine ko ang mga kamay namin. Lalong lumawak ang ngiti niya.

"What do you think?"

"Yes? Haha. You know, I feel so gay these days but I need to say this." Pinaglaruan niya ang mga daliri ko. "I'm gonna court you, so we can make this official. Alam kong naguguluhan ka din, pareho lang tayo."

Nakatitig kami sa isa't isa, natutuwa ako sa sinabi niya, para bang nakahanap din ako ng kapareha ko, magulo din ang lahat para sa kanya.

"Okay. Whatever you say." nagchuckle lang siya at saka ipinulupot ang braso sa bewang ko at inilapit ako sa kanya. Niyakap ko din siya pabalik. Ngayon, nasa driver's seat na din ako katabi siya. Malapit ang mukha namin kaya kitang kita ko ang kagwapuhan ng mukha niya, urghhh. That lips!

"Zer. There's this method called ask, wanna ask me for a kiss? I can lend you millions of that." Medyo inilayo niya ang mukha niya para makita ko dahil ang labi niya lang ang kalevel ko.

"Aahh. I love this gorgeous lady in front of me." At nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Itinulak niya ko sa labas ng kotse!! My god! Itinulak niya ko sa labas ng kotse ng walang kahirap-hirap dahil hinalikan niya lang naman ang labi ko! Pakiramdam ko tuloy tinulak ako palabas ng sasakyang to sa sobrang kabog ng dibdib ko. Parang tinutulak na ko.

"Chry!!!" Pag-protesta ko nang sandaling nahiwalay ang labi niya sakin. Natawa naman siya at hinalikan ako sa noo. "Bitin kasi yung dessert." Kumindat pa siya at inirapan ko lang. Masyadong playful! Kinikilig ako.

-_______-

--

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon