23

13 0 0
                                    

23

After 3 days lang gumaling na yung sprain ko. Di naman ako umabsent dahil kaya ko naman maglakad, kailangan nga lang ng alalay. Buti nandyan si Pride, o kung hindi naman, si Chrysler.

Katulad nalang nung unang araw kong may sprain na pumasok ako, nag-bell na kaya't kailangan nang pumasok sa mga klase, andito ko sa cafeteria, nauna na si Pride dahil sinabi kong kaya ko na at may klase pa din siya, ayokong mang-abala. Nakita ko ni Chrysler na nagsa-struggle nong bumili siya ng bottled water. Binuhat niya ko hanggang sa klase ko. Buti nalang pala at excused siya dahil sa practice ng basketball team.

Gusto kong sumigaw at umikot-ikot dahil sa kilig non. Napakagat nalang ako sa labi para pigilan ang mga ngiti na gustong-gusto ng kumawala sa labi ko. Siguro sobrang pula ko na nung mga oras na yon, buti at di ako napapansin ni Chrysler.

"Zereena, pwede mo ba kong samahan? May kailangan lang akong sabihin at malaman" napa-talon naman ako sa gulat habang andito ko sa hallway, bigla nalang kasing sumulpot tong si Chrysler at nagsalita ng ganyan. Syempre alam ko na agad na siya yun dahil boses palang nanghihina na ko sa kilig eh.

"U-hh. Uhhm. Ehem." Inayos ko muna yung boses ko dahil natuyuan ata ako ng lalamunan sa sobrang kilig. "Saan?" Ano kayang sasabihin at aalamin niya? Related ba ko dito? Bakit kailangan ako yung kasama niya?

"Ria's nalang tayo. Tara" hinatak niya na ko ng walang pasubali. Naglalakad kami ngayon habang nakatingin lahat talaga ng studyante. Mapa-babae o mapalalaki, pinaka-hot at pinaka-gwapo, at pinaka-sikat ba naman na varsity player na may hatak na babae hindi pagtitinginan? Simpleng pagdaan nga lang niya kahit mag-isa akala mong nakakita ng artista yung mga babae dito eh!

Sumakay na kami sa black mustang niya patungong Ria's. coffee shop yun na sikat sa mga students dahil maraming activites doon, may karaoke, may mga part na kainan, sayawan, arcades, at isa pa, masarap talaga ang kape nila.

--

"So ano nga yung kailangan mo at nandito tayo ngayon?" Medyo inis kong tanong, mula kasi pagpasok halos di niya na ko pansinin dahil lahat ng makakita sa kanya kakilala niya, nakaka-OP! Lalo na't nauuna pa siyang maglakad. Akala tuloy nila, lalo na nung mga babae, siya lang mag-isa kaya na left-out ako! Buti nalang at nakahanap na kami ng uupuan namin.

"Ah, about that? Nothing. Gusto ko lang abalahin ka para di ka makauwi ng maaga"

O___________O

"What?! Anong kala mo saken walang pinagkaka-abalahan?! Ang galing mo din eh no? Nice one!" Oo, kinilig ako sa pag-aya niya sakin dito! Pero di ibig sabihin nun okay lang saking maabala niya ko!

"Relax, relax. Ito naman. I just wanna chill here. Di ka ba masaya? Kasama mo na nga ang isang tulad ko, buti nga may umaaya pa sayo" pangiinsulto niya.

"Hoy for your information, ang hangin mo! Di nakakatuwa yang biro mo! At saka, chill? Ulul! Dyan ka na nga! May mga gagawin din akong mas importante pa sayo!" Tumayo na ko, walk-out queen! Pero wala akong pakialam. Basta naiirita lang ako sa mga oras na to.

"Hey!" Paghabol niya. Lumabas lang ako at mabilis na naglakad palayo habang kinukuha ang cellphone ko sa bag. Malas ba talaga ang araw kong to o ano?! Lowbat naman! Pano ko magpapasundo dito? Ugh!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, paniguradong kinocontact na ko ni Manong at nila Mama. At talaga namang minamalas ako ngayon! Umulan ng isang bagsak! Anong gagawin ko?! Wala akong payong! Nasa may kalsada pa ko! Ni wala ngang dumadaang sasakyan eh, tapos puro mga factories tong andito. Pano naman ako makikisilong sa restricted areas?! -________-

"Ughhh! Bwisit! Bwisitttt! Gaaah!" Tinalaktak ko na yung dinaraanan ko, nakakainis ah! Pakiramdam ko kasi ganun lang ang tingin ng Chrysler na yan sakin eh! Pakiramdam ko minamaliit niya ko. Okay pa sana kung trip ko yung biro niya eh.

"AAAAHHH HOLYYYYYY----" si Chrysler!!!! Buhat niya ko ngayon na parang sako ng bigas! Ughh! Kahit naiirita ko sa kanya, kinikilig pa din ako. Bat ganito?! Bwisit naman!

"Alam ko namang di ka sasama kung tatawagin lang kita, kaya ngayon wala ka ng magagawa, ihahatid kita sa inyo sa ayaw at gusto mo." Sinakay niya ko sa sasakyan niyang naka-park sa may gilid. Basa na din siya, wala ba siyang payong man lang dun sa kotse niya?! Anak ng tipaklong naman!

"Bahala ka na kung anong gusto mo. Bwisit" hindi ko rin alam, basta inis ako sa kanya, yun na yon.

"I'm just concerned okay? Baka mamaya magkasakit ka, kasalanan ko pa. Dahil lang nabiro kita eh nagkasakit ka pa. Tsk" pinaandar niya na ang sasakyan niya habang wala kaming imik.

Nag-open siya ng radyo. Buti nalang at medyo nakabawas ng awkwardness.

".. Oh you can't make yourself stop dreamin' of who you're dreamin' of if it's who you love then it's who you love..." Oh-kayy?! Medyo relate ako sa kantang to ah. John Mayer's Who You Love. Ugh. Pero di ko naman siya love ah! Crush lang!!!! Oo!!!

"Hey. I'm sorry, okay? Kung na-offend ka man sa sinabi ko kanina. Pero seryoso, wala akong ibig sabihin dun. That was a joke I didn't know that you would take it seriously."

Nafeel ko nag sincerity sa kanyang pananalita. Alam kong mababaw ako. Kasalanan ko din, kaya dapat tanggapin ko din ang sorry niya. Sobrang liit na bagay lang naman.

"Oo na! Sorry din! It's my fault, masyado kong mababaw." Medyo inis ko pa ding sabi. Syempre! Siya na naman ang nagwagi. Sa huli, ako pa din ang may kasalanan. Pero tama lang naman. Siguro talagang minsan dapat ibaba din ang pride. Besides, ngayon lang din siya nag-sorry sakin!

"Haha. Meron ka ba? Ang init kasi ng ulo mo." Back to pang-asar phase na naman siya. Ok na tong ganto, kesa maging awkward na naman.

"Wala! Nakakainis kasi yang pagmumukha mo! Pati yang pag-uugali mo! Sagad!"

Nakakainis, kasi nahuhulog na ata ako sayo!

Epic LoveWhere stories live. Discover now