40

9 0 0
                                    

40

Nakapasok ako ng sakto lang sa oras. Hindi ako na-late dahil ginulo ko ni Pride sa kwarto para sabihing excited na siyang pumasok kasama ko. Siguro naka-drugs siya kagabi.

"Well. Alam mo namang gwapo kasi ko talaga kaya ganun" Pagmamayabang ni Chrysler. Kanina kasi ay may senior na lumapit sa kanya at nagpapicture. Kumapit pa sa braso niya at yung isang picture niyakap naman si Chrysler. Kung maka-haplos wagas! Akala mo naman pag-aari niya!

"Palibhasa maganda kasi yung senior!"

"Hindi ganun yon! Kaclub ko kasi yun sa sports! Baka sabihin masyado kong masama, tska pasko naman pagbigyan na sila" mayabang pa din ang dating sakin niyan. Tss. Ang kapal din nung babae na yun. Kita ng kasama ko eh! Kasama ang girlfriend! Helllooo!! Senior kasi kaya malakas loob at walang pakialam.

"Pasko? Tatlong bwan pa! Makayakap kasi. Tapos! Hindi man lang ako na-acknowledge na girlfriend mo, hello! Kasama mo kaya ako! Dapat nagpaalam muna siya sakin!" Pagrereklamo ko. Huminto naman siya sa paglalakad at lumingon sakin. Nginitian niya lang ako. Tapos dumiretso na ulit.

Ay putek. Talagang sinusubok niya ang kakiligan ko ah! Hindi ako kinikilig sa pangiti niya! Sus! Pero nang ngumiti ulit siya, sumabay sa lakad kong mabagal at hinawakan na ang kamay ko. Oo na. Kinikilig na ko. Tsk!

"Hi mga Freshmen and Juniors and Seniors! I want you to meet my girlfriend, Zereena. Yun lang. Good afternoon!" Kumaway siya habang hawak ang kamay ko. Mayroong napa-gasp at napatingin sakin mula ulo hanggang paa, tapos meron pang sumigaw na kala mo ngayon lang nakakita ng couple.

Pero sa kabila ng mga judgement at shock ng mga babae sa ginawa niya, natuwa ako at nabother din at the same time. Madami ng nakaka-alam, that means madam na rin ang pwedeng maka-sira. Naging paranoid na ata ako mula noong makausap ko si Monica.

Balak ko ring itanong kay Chrysler ang tungkol sa pinsan nila kaya nga pinilit kong maka-uwi ng maaga para magkausap kami, dahil dumadalas ang volleyball practice namin na isinisingit sa mga breaks or free time. September na kaya nagsisimula na ang mga tournaments. Mukhang November pa yata ang basketball. Mabuti nalang at hindi nagkasabay.

Katulad ngayong araw, magpapractice ulit kami ng 4:30. Dinismiss ang players sa section namin at sa iba ng 3 pm para makapag-pahinga at magready naman para sa practice. Si Chrysler ay walang klase ngayong mga oras na to. Between 3-5 kaya makakapanuod siya ng practice.

"Babalikan kita sa inyo, bibili lang ako ng para sa last subject ko mamaya, magready ka na." Sabi niya pagkasakay namin ng kotse.

"Sige. Pero baka isama ko si Ate, sabi niya gusto niya raw manuod dahil wala siya sa tournament, magtetraining sa Preciosa." Iniipit ko ang buhok ko habang nagsasalita. Nagtakip naman ng ilong si Chrsler.

"Baba mo yan, sumisingaw." Ay pucha! Napa-amoy tuloy ako sa kili-kili ko kung mabaho nga ba.

"Hoy ulul! Amoy chocolate kaya!!!!!" Humagalpak naman siya ng tawa nung nakitang inaamoy amoy ko pa din at hindi na ko mapakali sa amoy ko.

"Amoy chocolate o kulay chocolate? HAHAHA" kung makapang-asar kala mong nasilip na yung kili-kili kong mabango, makinis at maputi!!!!!

"Ang grabe nito!!! Bakit nakita mo na? Oh eto eto ipapamukha ko sayo!" Hinawi ko ang sleeves ng uniform ko at ipinakita sa kanya ang aking kili-kili. Halos isubsob ko na nga sa mukha niya kaso nagda-drive siya kaya tinigilan ko na. Naiyak pa nga siya kakatawa. Natigil lang noong may tumawag sakin.

Kumabog agad ang dibdib ko. Nakita kong si Monica ang tumawag kaya kinancel ko kaagad.

"Oh sino yun bat di mo sinagot?"

"Wala. Unknown number lang." Alam ko na ang number na ginagamit ni Monica kaya kahit hindi ko i-save ay maa-identify kong siya yun.

"Palitan mo kaya yan? Baka mamaya rapist na pala yung tumatawag sayo di mo alam"

"Grabe ka naman! Bakit ako tatawagan ng rapist? Ano yun magpapa-alam?!" Pero alam kong seryoso siya doon at concerned lang din para sakin, pero mas pinili kong idaan sa biro dahil baka mahalata niyang kinakabahan na ko sa kung anong pwedeng sabihin na naman ni Monica kung bakit siya tumawag.

"Wag mo papayagan ha! Sakin ka lang dapat papayag." Matutuwa na sana ko dahil ang selfish but sweet ng linya niya. Kaso ang pinag-uusapan dito, yung about sa rape!!!!

-___________-

"Pektusan kaya kita sa ribs, ano?! Manyakis ka rin eh no?"

"Di naman ako manyakis tulad ng iba. Pinapangako ko na igagalang ka." pakanta niyang sagot. Ako naman ang natawa, ang cute kasi niya. Bawat pagbuka ng bibig niya iniiba niya yung facial expression niya. Arghh. Kakagigil!!!

---

Epic LoveWhere stories live. Discover now