20

14 0 0
                                    

20

"Lalala lalalaaaaaaaaa!" Ngingiti ngiti pa ko habang nagsusuklay. Naaalala ko yung titig ni Chrysler. Para kong natutunaw kahit imagination nalang. Grabe!

"Hoy Xyrel! Magtigil ka nga't mali! Nagco-cause ka ng noise pollution! Mabuti pa, pumasok ka nalang para peaceful na dito. Gora na! Babuuush!"

Tatawa tawa naman si Papa at Ate doon sa kusina habang kumakain. Minsan napapaisip ako kung ampon ba ko eh, ang mean ng nanay ko sakin, itinataboy ako palagi. Bwahahahaha. Pero okay lang, maganda naman ako kaysa kay Ate! Tse!

--

"Yeahhh uh-huh, uh-huh.. Woooo yeahhh." Sigaw ng instructor namin sa PE. Nagsasayaw kami ngayon. Nakakatawa nga eh. Sobrang epic ng itsura niya habang nagsasayaw at nagsasalita.

Ang mga boys na kaklase namin ay nag eexercise lang. Stretching stretching, mga ganun ba.

"Okay! Magtatawag ako ng limang girls dito! Sa apilido ko tatawagin! Be alert! Aakyat kayo dito para maglead kasabay ko. Plus points ito!" Aba! Kahit na plus plus pa yan, ayoko matawag dun! Di ako aakyat! Baka mamaya eh magkalat lang ako. Waaahhh kinakabahan ako biglaaaa!!

Nagtawag na siya ng tatlo. Thanks naman at hindi ako nababanggit. Ang layo na kaya ng letters na binabanggit niya! Woohh! I'm so lucky!

"......Dervena" like seriously, what the ferk?! Tingin lahat ng mga kaklase ko sakin at pinipilit pa ko nung iba. Halos i-ngud ngod na ko sa mukha ng bakla naming instructor eh!

"Balita ko magaling ka daw sumayaw? Pakitaan mo naman kami!" Pangangatyaw ng instructor namin.

Really? Sinong nagkalat ng balitang yon? Marunong ako at mahilig, pero hindi ako magaling! At kahit kelan di pa ko nagsayaw sa harap ng madaming taooooo! Kahit Pe lang to! No way! Mga kamag-anak ko palang ang nakakita sakin umindak. Waaah, MAMA!

Wala akong nagawa kundi umakyat. Nakain ko din ang sinabi ko kaninang di ako aakyat. Andito na ko, sa kaliwang tabi ng baklush at nagsisimula na ang tugtog. Okay, kesa mapahiya, aayusin ko nalang. Okayy. Wooh inhale exhale waaaahahahaha lalalalallala mimimimimi.

Nagsimula na kaming sumayaw. Ang tugtog namin ay yung kanta ni J.Lo. Hindi ako sigurado pero ang naririnig kong madalas sabihin sa kanta ay "I love you papi". Ugh. Ewan! Kinakabahan ako kaya ayoko na mag-isip pa ngayon!

Madaming moves na kembot kaya gamit na gamit ang mga bewang at balakang namin. Ughhh sobrang nakakahiya na pero tinuloy ko nalang!

"Woo nice job people. Til next time! Class dismissed!" Sigaw ng instructor na juding habang nagpupunas ng pawis at nagaayos ng bag sa bleachers. Sa mini stage namin yon ginawa kaya maeksena din kami kanina.

Kinuha ko na din ang gym bag ko na may lamang pawis na PE uniform at yung suot ko kaninang pants and shirt. Nakapalda na ulit ako ngayon at sleeveless. Umalis na ko doon at didiretso na sa locker para kumuha ng gamit bago umuwi.

"Di ko alam na magaling ka palang sumayaw?" Paglapit ni Chrysler sakin habang naglalakad ako.

Sheteee nakalimutan kong andun lang pala sila sa kabilang side namin! Bat di ko naisip agad yun?! Pakashungaaaaa! Waaah! Bahala na!

"Well." Pagyayabang ko na may kasama pang-taas ng dalawang kamay.

"Joke lang. Asa ka." Basag trip naman to oh! Kanina lang eh maayos na eh!

"Tse!" Kinuha ko na ang mga gamit ko. "Oh, bat di ka pa umuuwi? May klase ka pa?"

"Hindi. Last ko na din yung PE. Hatid na kita sa inyo? Mukhang mabigat yan oh."

Epic LoveWhere stories live. Discover now