45

9 0 0
                                    

45

After three days.

Dumating na ang araw. Ang araw ng paghuhukom. Echos lang!! Tournament na! Waaah kinakabahan ako to the next level of the universe!!!

Grabe ang sigawan. Nakapwesto na kami at nagsisimula ng magsidatingan ang marami pang tao. Sa gym ng university namin ginawa ang unang laban. Saiel University ang kalaban namin.

Naalala ko pa ang usapan namin kaninang umaga ni Chrsyler nung sinundo niya ko sa bahay.

*flashback*

"Galingan mo ha. Manunuod kami ng mga anak natin." Sabi niya nang nakangiti at habang nakaupo sa sofa.

"Ha?!" Anak daw?! Abnormal na to!

"Masama na ba mag-imagine? Masama na?!" Natatawa ko sa kanya kasi ang cute niya. Bwaahaha.

"Oo na! Manuod na kayo ng mga 'anak' natin. Hahaha. Grabe nakakatawa. Hahahaha."

"Lumapit ka sa upuan namin kapag pwede. Bibigyan kita ng lucky love charm." Tumaas pa ang dalawa niyang kilay. Kumokorni siya ngayon, hindi ko magets kung anong nagtulak sa kanya para maging ganyan ka-korni. -.-

"Love charm?! The heck! Hahahaah! Tara na! Late na ko!!"

-end of flashback-

Grabe lang diba. Naulol na eh. Bwahahah! Wooo go go go teammates! Go ZU! Nagsimula na ang game. Intense agad simula palang! Nang-iinsulto kasi yung mga kalaban namin kaya napipikon mga kateam ko.

"Woooahhh! Saiel University scores!!!"

Nakaka-bwisit!! -.- Shits. Kasi yung mga kalaban eh ang yayabang nakascore lang.

Humingi ng time-out si Coach. Kinausap niya kami. Nagsalita rin naman ako.

"Guys please wag niyong pangibabawin ang inis niyo. Please. Kung hindi, ito ang magpapatalo satin, kaya concentrate and do your best. Kaya natin to!"

"Yes!"

"Z University!" Sigaw ni coach "FIGHT!!"

Nung di pa tapos ang kabilang team, lumapit ako kila Chrysler, estimated time ko para makausap siya ay 3 minutes nalang.

"Chrysler! Nakakainis sila. Yayabang." Pagsusumbong ko sa kanya.

"Okay lang yan. Wag mong papansinin, yun lang naman ipagmamayabang nila. Ikaw mayron ng ako tapos may mga babies pa. Diba?" *wink* bulong lang yan dahil nandyan sila Mama.

Aaahhhh. Kahit na binoost ko ang self-esteem ng aking teammates ay kailangan ko rin naman ng moral support from others kaya sa kanya ako lumapit. Alam kong matutulungan niya ko everytime

"Urgh" kinurot ko yung magkabilang pisngi niya. Umubo naman si Mama na parang na-TB,

"Ano ma?"

"Wala naman. Lalalaala" grabe na ang saltik ng ina ko. Tumitindi habang tumatagal.

Magkakatabi sila sa upuan. ganito:

Mama, Chrysler, Kuya, Pride, Papa

"Go Xyrel! Galingan mo!" Sabay sabay nilang sabi pagka-alis ko doon.

Nagsimula na naman ang game at mukhang boosted talaga ang morale ng ZU Volleyball team. Nakakapuntos kami palagi. Nakalamang na kami. Hindi naman makapagyabang ang mga tiga Saiel. (Sayil)

**

"Good job team!! The day after tomorrow ang susunod niyong laban. With Satro University. Prepare yourselves, matitinik ang mga yon pagdating sa sports lalo na sa volleyball. We'll practice tomorrow. 6 am to 3, no excuses please. Congrats!!"

Nagshower na kami at nag-ayos.

"Congrats Xyreeeel! We're so proud sa aming bunsoooo! Sigaw ni Mama pagkalabas ko ng shower room. Nag-echo pa nga ang boses niya.

"Congrats, nak. Ang galing mo. Proud kami sayo!" Sabi ni Papa.

"Congrats." Halos sabay na sabi nila Kuya at Pride.

Kausap ni Mama si Ate sa phone at cinongratulate din ako. Nakaloud speaker kaya't nadidinig ko agad ang usapan nila ni Mama. Wala nga si Ate dahil sa training.

Lumapit naman si Chrysler na galing sa labas at may dalang bottled waters na naka-plastic dahil seven yun. May hawak din siyang sandwich sa kabila.

Kuhanan naman sila at nakatingin lang ako. Happy and proud family, tapos may Chrysler pa ko. I could not ask for more.

Epic LoveWhere stories live. Discover now