41

8 0 0
                                    

41

"Sorry talaga. Babawi ako sayo, promise. Next time. Ha? Bye. I love you, ingat ka."

'Okay. I love you too."

Pang-ilang beses ko na nga bang natanggihan si Chrysler? Dahil sa isang linggo na ang tournament, araw araw nagpa-practice na kami. Bawal na humingi ng break kay coach dahil mas kailangan tumutok ngayon. Nauubusan tuloy ako ng time. Pag uwi ko nag-aaral pa ko. Mabuti nalang at kahit papano naiintindihan ako ni Chrysler. Alam naman kasi niya kung pano maging athlete.

Hinatid niya kasi ko dito sa gym at gusto niyang siya din ang maghatid sakin pauwi, ang kaso lang, 7 pm ang tapos ng practice namin at 6:30 ang tapos ng kanya, gusto kong makapagpahinga siya.

Hinalikan lang niya ko sa cheeks at umalis na siya. Nagpalit na ko ng damit para makapag-practice.

"Dervena, I need your full effort to make this team win, please wag ka munang humingi ng break sa akin ngayong linggo. Akong bahala sa mga professors niyong lahat" sabi ni Coach Lani sakin noong lumapit ako sa kanya kahapon para humingi ng break. Gusto daw kasi ni Chrysler na sabay kaming maglunch. Kaya na-turn down ko tuloy siya at sinabing babawi ako. Pero hindi na naman ako naka-bawi.

"Okay, shower na kayo, see you all tomorrow. Hanggang 2 pm lang tayo bukas."

Nauna ng umalis samin si Coach at nagpuntahan na kami sa shower room.

"Zereena, hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni Mayzel sakin habang nagsusuklay.

"Saan? Sa practice?"

"Hindi. Sa paghahati ng time, kasi alam mo ba dati naging Captain din ako at yun yung dahilan ng pagbe-break namin ng boyfriend ko dati. Masyado kasing malaki yung naconsume ko na time sa volleyball practice kaysa sa kanya kaya nakipag-break siya sakin." Pagkukwento niya kahit di ko tinanong.

Nahihirapan din naman ako pero not to the point na walang time na talaga kay Chrysler. Nagpapahatid ako sa kanya kaya atleast nabibigyan ko siya ng attention ko kapag ganun. Kaya lang alam kong hindi enough reason yun para sabihing nabigyan ko siya ng time ko. Bago pa lang kami at yun nga ang kailangan namin, time. Pero nagkukulang na ko ngayon.

"Ahhhmm.. Slight?" Hindi sigurado kong sagot.

"Opinyon lang to ha, swerte ka kay Chrysler kaya sana wag mo siyang pakawalan, do everything para mabigyan mo siya ng full attention kasi bago palang kayo. Karaniwang nagiging cause ng break-ups ay ang lack of time for each other. Yun lang. Bye!" Tska siya lumabas ng shower room at naiwan akong nag-iisip.

Tama si Mayzel, kaso pano ko gagawin yun lalo na ngayon na kailangan din ako ng team?

"Hatid na kita." Sabi niya pagkalabas ko ng gym.

"Ha? A-ah, wag na." Pagtanggi ko. Kumabog ang dibdib ko noong makita ko siyang sinasalubong ako.

"Bakit naman? Kahit hanggang sa parking lot lang?" Pagpupumilit niya.

"Kaiz, ok na, ako nalang, sige na umuwi ka na." Sumasabay pa din siya sa paglalakad ko.

"May problema ka ba sakin?" Huminto siya kaya napahinto din ako.

"Wa-wala." Grabe na yung kabog ng dibdib ko, lalabas na yata yung puso ko. Natatakot akong may magawa na namang kasinungalingan si Monica tungkol sakin.

"Oh bakit ka ganyan? Ihahatid lang naman kita hanggang doon sa sasakyan niyo."

"Wala lang."

"Hahatid na kasi kita. Akin na nga yang bag mo!" Inaagaw niya sakin ang bag kong nasa kaliwang braso ko, dahil nasa kanan ko siya, nagmumukhang nakayakap siya sakin. Itutulak ko na siya palayo pero bigla niya kong nahalikan sa lips ng hindi sinasadya dahil nga nag-aagawan kami. Oh shit!

"Uy! Sorry sorry!" Sabi niya ng nakangiti -________-

"Nice. Kaya naman pala hindi ka nagpasundo sakin dahil siya ang susundo sayo." Tska siya tumawa ng fake. "Nice, Zereena."

Oh my god. Si Chrysler nakita!!! Sana naman nakita niya yung buong pangyayari at hindi lang yung kiss part! Ugh.

"C-chry!" Tawag ko sa kanya. Mukhang kakaliko niya lang sa may hallway papunta dito sa may gym.

Tinignan niya lang ako ng masama. "Oh, bakit di pa kayo umaalis? Mukhang nagkakatuwaan na nga kayo ng kapatid ko." Lalapit na dapat ako sa kanya pero tinaas niya ang kamay niya na sinasabing huminto ako at binaba niya to agad, tska siya tumalikod at umalis.

"Sssshhit." Pabulong kong nasabi. Yung hawak ni Kaiz sa bag ko ay hinawi ko at tska ko hinabol si Chrysler.

Sorry, Kaiz. But I need to make things clear between us first.

Epic LoveWhere stories live. Discover now