39

14 0 0
                                    

39

Mayroon pang dumating na texts messages galing sa iisang number na hanggang ngayon ay di ko pa din alam kung sino ang may-ari. Hindi ko pa din nasasabi kay Chrysler at humahanap pa ko ng timing. Ayokong isipin pa niya ko dahil alam kong marami din siyang ginagawa. Ang pangalawang text kong natanggap ay dumating kagabi habang gumagawa ako ng requirement.

Unknown number:

I know what you did. You cheated. Watch out, you don't know what I can do.

Nagreply ako ng "who's this" at sumagot lang siya ng "Soon, you'll know, dear." Kinaumagahan non nagtext ulit ang number na yon sakin.

Unknown number:

Light 23 at 9 pm. See you there, honey. I'll wear red. You'll find me on the second floor's veranda.

Hindi ko nga alam kung ilang ulit kong pinag-isipan ang pagpunta dun kasi syempre understood na hindi ako pwedeng magsama ng iba dahil malalaman nilang may ka-meet ako. Nakakatakot dahil ni hindi ko alam kung sino siya or kung ano talaga ang balak niya.

Malaki-laki din ang Light 23 kaya may second floor, at dun kami magmi-meet. May pasok pa ko bukas kaya hindi rin ako sigurado, at isa pa, okay na din naman siguro kung hindi ako pupunta diba? Wala naman siyang sinabing required akong makipagkita sa kanya.

Pero nang mag-8 pm, tumakas ako para lang makipagkita sa number na nagtetext sakin.

Nilakad ko hanggang labas ng village namin tapos sumakay ako ng taxi. Kailangan kong bilisan to dahil baka may magising sa bahay at silipin ako sa kwarto. Ginawa ko lang ang cliche na palusot. Nilagay ko ang unan ko na kunwari nakahiga sa kama at kinumutan. Para kung sumilip man si Papa o si Mama, makikita nilang may nakahiga dun at di sila makahalata.

8:40 pm dumating ako sa Light 23. Kasagsagan ng party party. Nilagpasan ko lahat ng nagsasayaw at nagiinuman para umakyat sa second floor kung nasan ang mga VIP rooms nila. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko habang palapit ako sa veranda. Kumpara sa taas, tahimik dito dahil soundproof ang rooms. Ang madidinig na ingay dito ay ang ingay na nagmumula sa baba, dim ang mga ilaw dito at may mga blue lights sa daanan na nagsisilbing pathway sa veranda.

Halos lumabas ang puso ko nang may makita kong lalaki na nakared Polo shirt at nakikipag-kwentuhan sa isang babaeng naka-red din na mini dress. Sino sa kanila? Bakit kailangang magkasama pa ang parehong naka-pulang ito?

Napatingin ang babae sa direksyon ko at nang makita niya ko ay may binulong siya sa kasama niya at umalis ito. Meaning, yung babae talaga ang kausap ko dito.

Palapit sakin ang babae at tinitignan akong mabuti. May hawak syang stick ng sigarilyo at hindi naman mukhang tipsy o lasing. Kaunti lang ang tao dito sa veranda at karamihan ay mga smokers.

Pagtapat niya sakin ay tinignan niya ko mula ulo hanggang paa tska ako tinaasan ng kilay. Mabuti nalang at inayos ko ang suot ko kahit di ako sigurado sa kahihinatnan ng usapan namin. Nag-black sleeveless dress ako above the knee at pumps. At alam kong tama ang sinuot ko. Mukhang susyalera ang babaeng ito.

"Oh, so you're Zereena Dervena?" Maarte niyang tanong.

"Yes. Pwede ko na bang malaman kung sino ka at anong pakay mo? I don't have much time for you so please just make this fast" para malaman niyang nagmamadali ako ay sinabi ko na kaagad sa kanya. Dahil sa panimula niyang yun, alam kong magpapa-ligoy ligoy pa siya at matatagalan pa kami.

"Bakit naman? Hindi ka ba masaya na may bago ka ng acquaintance?" Tska siya tumawa kahit hindi naman nakakatawa yung sinabi niya. Nagcross ako ng arms tska siya tinignan.

"I don't even know why you're texting me those things gayong hindi mo naman ako kilala personally at ganun din ako sayo" hindi ako nagtataray, ayokong isipin niyang totoo ang "impression" niya sakin. Kaya kalmado ko lang siyang kinakausap.

Epic LoveWhere stories live. Discover now