3 & 4

17 0 0
                                    

5 pm palang nagayos ayos na ko. Ako nalang magmemake up sa sarili ko. Kasi medyo may time na naguumarte ako nagmemake up ako magisa. Ninanakaw ko yung mga make up ni Ate sa kwarto niya.

Sinuot ko na yung dress ko, yung pumps, yung kwintas tapos nginig na nginig akong mag make up magisa.

Eyeliner, eye shadow, red lipstick at mascara lang. Yun, tapos na. Light lang kasi ayokong mangati yung mukha ko -_____-

Pinony ko lang yung buhok ko tapos ang pinangtali ko yung buhok ko, ayun, wala ng kylangan ayusin, kulot na talaga yung dulo eh.

"Ma! Ma! Ma! Tara!" Sigaw ko, kasi nahihiya ako lumabas ng kwarto baka sabihin nila Ate ang sagwa ko.

"Ano b--" *nagulat si Mama*

"Ano ma?! Ayos ka lang?"

"Anak dalaga ka naaaaaa! Celest! Razo! Papa! Tignan nyo si Xyrel!!!! Dalaga na!!!! Chumacharot na ng make up ngayon!!!!"

Akyat naman sila sa kwarto lahat. At natuwa din. Ughhh

"Baka kasi may ligaw na kaya nagpapaganda!" Sabi ni Papa pero tuwang tuwa naman

"Pa naman! Wala akong ligaw!"

"Bat nagaayos ka?" Tanong ni Ate

"Nagayos lang ligaw agad?!"

"Eh bat nagready ka para dyan? Di ka naman excited dati?" Kuya

"Ewan ko! Dama ko eh, bat ba!"

"Sige sige na malelate pa yan eh! Baba na!"

Tapos ayun, nagpahatid na ko kay Manong Lim na sinabeng ang ganda ko daw. Manong Limmmm pumepeg!!!

Sa covered court gagawin yung party kaya madami ng tao nasa labas ka palang

"Hey Zer! Over heerree beesss oh my godddd!!" Napakaingay ni Les! Napatingin tuloy yung mga ibang studyante sakin.

"Shhh! Bunganga!" Sabi ko sakanya paglapit ko sa table namin.

"Ano naman?! Ang ganda ganda mo tapos nahihiya ka?! Aberr!"

May mga nakiupong iba sa table namin dahil for five persons naman ang isang table.

Kumukuha ko ng punch nang may makabunggo sakin, malamang tatapon yung nasa kamay ko dahil nabunggo. Nabagsak yung baso ko doon sa lalagyan ng punch. Buti nalang!!!!

Pinunasan ko ng tissue yung talsik talsik tapos hinarap ko yung lalaking nakabunggo sakin.

"IKAW NA NAMAN GAYEST?!" Sigaw ko na agaw atensyon

Natawa na naman siya. "Sorry sorry di ko sadya, ayus ayusin mo kasi pwesto mo next time!"

Nagsorry na sinisi naman ako, nice one dude.

"Bwisit ka talaga eh no?! Nagsorry ka tapos sasabihin mong ako yung mali?! Hanep!" Nawawala ang poise ko dito sa lalaking ito! Huuuu!

"Kasalanan mo naman talaga. *smirk*"

Nainis na naman ako kaya magwo-walk out na sana ko, pero, biglang natapilok ako. Shizzzzzz >______<

Nakakahiya naman oh! Walk out attempt. Fail!!!! -_____-

Dahil nakapumps, nahirapan akong tumayo, nun nakatayo naman ako, di ko maiapak yung paa ko, napakasakit!!!! This is so badddd sooo bad, ngayon pa! Sa harap pa ng lalaking to?! Seriously?!

"H-hey, miss. Ayos ka lang?" Concerned na tanong niya. Buti naman at may awa tong lalaking to.

"Tingin mo? Di nga makalakad eh tas tatanungin mo kung ayos lang?!" Lumalabas ang pagkamaldita ko sa lalaking to!

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon