51

11 0 0
                                    

51

Inannounce ng ZU na magkakaroon ng long weekend dahil sa conflict of schedules ng school kaya eto kami at umuwi, akala ko nga makakatulog ako ulit, kaso lang pinag-ayos naman kami ng mga damit dahil magwi-weekend kami sa Preciosa.

"Isama mo nga si Chrysler para mapakilala sa mga pinsan mo." Sabi ni Mama. Tumanggi pa ko noong una dahil di ako sure kung sasama yon, tamad pa naman yun. Tinawagan ko at pumayag naman siya kaya tuwang-tuwa naman si Mama.

Dumating si Chrysler mga 30 minutes after lang ako tumawag, ni hindi pa nga ako nakakapag-ayos.

"Ang aga mo ah? Excited?" Tanong ko habang nakahiga siya sa kama at nagsusuklay naman ako.

"Ayoko lang magpa-vip, makikisama nalang ako papalate pa."

"Oo na. Tara baba na tayo. Ako nalang iniintay."

**

After 6 hours ng byahe, nakarating kami sa Preciosa ng 1 pm. 3 days lang kami rito pero sapat na para makapasyal kami sa mga tourist spots dito.

Yung kotse ko ang gamit namin ni Chrysler para matest drive at nakaconvoy naman si Manong Lim kung nasan sila Mama.

Ibinaba na namin ang mga dala naming damit, di naman namin kailangang magdala ng mga pagkain o kung ano pa man dahil may mga stocks naman kami dito dahil palaging umuuwi dito sila Dad.

Ang kwarto ni Chrysler ay katabi ng kwarto namin ni Ate, pero wala siyang kasama. Tinabi na samin ni Mama para kung may kailangan daw madali akong matawag. Inayos ko yung mga dala kong damit tska ako lumabas para puntahan si Chrysler at ayain munang maglunch. Sandwich lang kasi ang dala namin kanina.

"Chry. Lunch muna tayo dun sa baba." Sabi ko habang kumakatok. Lumabas naman siya kaya naglakad na ko para makababa kami, napahinto lang ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko at pinagintertwine niya ang kamay namin. "Let's cook for them." Aniya.

"Madami dami tayo rito mamaya, ok lang ba sayo?" Iniisip ko lang kasi baka mahirapan din siya, pero gusto kong siya ang magluto para matikman nilang lahat na best chef ang boyfriend ko! :">

Nagpatuloy siya sa paglalakad habang hawak ang kamay ko, mukhang alam niya na ang kitchen. Well, madali naman makita.

"That's fine with me 'cuz I know you'll help." Tska siya tumingin sakin at ngumisi.

"Oo na! Ugh! Kakatamad pero sige na"

Ako na ang naghanda ng mga ingredients para sa lulutuin niya. Sabay kaming naghihiwa minsan, o minsan ako lang kapag nag-luluto siya, assistant chef ako.

"Oh! Zer! Bakit naman kayo ni Chrysler ang gumagawa niyan? Kami na ng Tita mo. Andyan na sila." Sabi ni Mama pero nakita kong malaki ang ngisi niya.

"Wag na po, Tita. Kami nalang dito. Pahinga nalang muna kayo." Sabi ni Chrysler.

"Oh siya, sige. Lumabas kayo pagtapos niyan para maipakilala mo na siya sa mga pinsan mo." Lalong lumawak ang ngisi ni Mama habang paalis na siya, ganun din si Chrysler dahil sa sinabi ni Mama.

"Saya ah?" Pagpuna ko.

"Syempre. Ang gwapo ko kaya" ay talaga naman! Akala ko dahil ipapakilala ko na siya sa pamilya! Talaga naman talaga!

"Hambog ka pa din. Magluto ka na nga lang dyan. Mainis mo ko." Tumatawa kong sabi.

Nagpatuloy lang siya sa pagluluto at nang matatapos na siya, sobrang pawis na niya dahil sa init kaya naman naisip kong punasan ang dripping wet face niya, hmmm! Ang bango pa din ah? Dapat amoy usok at pagkain na to! Bakit ang bango pa rin? Waaah! Nakakaadik! Kung ako to nangangalingasaw na ko.

Nagulat naman ako nung pumasok sina Sean, Renz, Cedric, Mareese sa kusina habang nagtatawanan. Natigil sila nang makitang pinupunasan ko ang pawis ni Chrysler. Kahit ako natigilan. Napansin yun ni Chrysler kaya tumingin siya sakin at tumingin sa tinitignan kong mga pinsan. Nakita kong medyo nagulat din siya pero binawi niya agad yun, tinanggal niya ang kamay ko na naestatwa sa gilid ng pisngi niya at kinurot ang pisngi ko tska tumawa.

Nakatingin lang ang mga pinsan ko sa kanya. "Hi!" Sabi niya sa mga to nang nakangisi.

"H-Hi!" Sabi ni Mareese na mukhang na-starstruck.

Nagkatinginan naman ang mga lalaki kong pinsan at sabay sabay lumapit kay Chrysler para iman-hug.

"Hi, dude! Sean" bati ni Sean.

"Uyy, man, Renz." Si Renz

"Cedric, Dude." Sabi ni Cedric tska sila biglang nagtawanan dahil narealize nilang mukha silang tanga kanina. Hay boys.

"Hahaha! Grabe! Akala ko pinasok na tayo ng artista! Boyfriend lang pala ni Zer!" Biro ni Cedric.

Mabait naman ang mga pinsan ko, talagang may kaabnormalan lang kaya ganun. Tumawa kami at may narealize ako.

"YUNG NILULUTO MO CHRY!" Lalo silang nagtawanan nang makita ang itsura ko, pati si Chry nakikitawa pa! Ugh -____-

Nang matapos siya ay agad kaming tumungo sa dining room at dinala ang mga niluto niya. 4 na dishes yun kaya medyo natagalan. Tinawag ko naman sila Mama para kumain na kami. Habang nakaupo, napansin ni Tita Lyda si Chrysler.

"Sino yung gwapong lalaki na yun?" Tanong niya kay Pride na sinagot ko naman.

"Ah! Tita, Tito, si Chrysler Celestrio nga pala, boyfriend ko." Ngiting-ngiti naman si Tita habang nakatingin kay Chry, si Tito naman ay ngumiti rin at tumango.

"Good afternoon po." Bati niya sa kanila.

"Oh, good afternoon din. Kaklase mo ba siya?" Tanong ni Tita.

"Opo. First sem. Isang subject lang."

"Ahh. Pano kayo nagkakilala?" Curious na curious si Tita ah? Lawak nga ng ngisi eh.

"Ano, Tita, sinungitan ako kaya ayun." Nagtawanan naman sila.

"Wag mong ibahin. Siningitan mo ko, di sinungitan. Papasok kaya ako ng pintuan tapos nagpumilit kang mauna." Tumawa naman lalo yung mga walangya kong pinsan. Syempre si Chrysler din, panalo kaya siya doon!

"Pagpasensyahan mo na yang pinsan namin, bro. Ganyan talaga yan since childhood. Ayaw magpatalo." Iiling-iling na sabi ni Sean. Naalala ko tuloy noong naka-away ko sila ni Renz noon dahil gusto ko yung laruang kotse nila tapos ayaw nilang ibigay kaya pinalo ko sila ng barbie kong sira sira na.

"Hoy ah! Sean! Wag mo na ngang ibroadcast!" Sigaw ko.

Nagtawanan at kwentuhan lang kami hanggang matapos kumain. Masaya lahat, pansin ko. Si Mama at Papa din. Kaya ang saya ko talaga.

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon