59

11 0 0
                                    

59

Wala na talaga sana sa plano ko ang lumaban pa ngayon sa championship. Kung hindi lang nakiusap sakin si Coach at ang mga teammates ko, hindi ako pupunta. Alam ko ang pakiramdam ng umaasa kaya ayoko silang madismaya. Inaasahan nila ang pagdating ko, kaya darating ako.

Kasama ko si Leslie patungo sa gym. Hindi manunuod sila Mama at Papa. Si Kuya at Pride lang ang nandito ngayon. Humiwalay lang siya nang uupo na siya sa unahang part ng bleachers. Mas maraming tao kaysa noong una. Mas matindi rin ang hiyawan ngayon.

Umupo ako sa bench namin habang nakatulala lang sa court. Maga pa ang mata ko at mahapdi pa rin. Talagang hindi ko na alam kung makakapaglaro pa ko ng matino ngayong wala ako sa tamang kondisyon.

Sa kalagitnaan ng laro, unti-unting gumaganda na ang mga pinapakita ko. Ilang beses akong naka-miss kanina. Natamaan pa ko sa pisngi, braso at tyan kanina sa sobrang pagka-out of focus ko. Kung hindi lang nagbibigay ng suporta ang mga ka-team ko at si Coach, hindi ako makakagawa.

"STOP THE GAME 'CAUSE ALL OF YOU NEEDS TO SEE THIS!" Biglang may babae na maarte ang boses ang nagsalita ng ganyan sa mic. Nagkaroon ng gulo sa may operator part dahil pinapalabas nila ang babae. Si Vyanna. Naka-uniform siya ng Satro University at kumakawala sa hawak noong guard. May lumabas sa widescreen sa tabi ng pwesto ng operator. Pictures namin ni Kaiz. Still, ito pa rin ang issue nila sakin. Coffee shop, Preciosa, somewhere sa ibang lugar kahit dati pa at di pa kami ni Chrysler. Maka-gawa lang ng ikasisira ko huh. Talagang malakas ang loob na ipakita pa sa lahat.

Sige lang. Tignan niyo lang ang pictures namin. Magpakasasa kayo. Walang katotohanan yan kaya wala akong pake. Magpa-brainwash kayo sa mga walang pakiramdam na mga babaeng yan!

Nakita ko ang mga tingin nila sakin na nandidiri, may mga galit, may mga sumisigaw ng 'flirt', 'malandi', 'btch', 'whore', 'slut', 'kaladkarin', 'two timer' at kung anu-ano pa. Oo, naririnig ko kayo. Hindi niyo kailangang magsabay-sabay. Tanggap ko. Mali naman kayong lahat. At sa oras na mapatunayan ko na walang katotohanan ang lahat na yan, sisiguraduhin ko sa inyo, lahat kayo magmamakaawa na patawarin ko!

Masakit marinig mula sa iba't ibang tao ang mga salitang yan. Lalo na sa mga hindi ako lubusang kilala. Sa mga walang alam, sa mga hindi naman nakakita ng nangyari at sa lahat ng mga tao dito ngayon, na picture palang naman ang nakita at hindi ang totoong pangyayari.

Yumuko ako. Sa ngayon, hahayaan ko kayong batuhin ako ng kung anu-anong salita. Sabihin niyo na lahat. Wala akong pakialam. Sira na rin naman ang relasyon namin ni Chrysler, wala ng dapat pang intindihin na masisira. Wala na! Nawala na ng dahil sa letseng pagiging judgemental na yan! Hindi muna inaalam kung anong mga nangyari! Bwisit!

May yumakap sakin halfway palabas ng gym. Bawat daanan ko puro masasakit na salita ang naririnig ko. "Sshh. Wag kang umiyak, andito lang kami. Nandito pa kami. Alam namin ang totoo. Wag mo silang pansinin." Si Kuya. Lalo akong naiyak. 'Nandito pa kami'. Sa sinabi niya, alam kong si Pride at Les ang tinutukoy niya. Silang tatlo. Sila lang ang nakasuporta sakin mula ng magkanda-leche leche ang buhay kong to.

Lumabas kami ng gym at isinakay niya ko sa kotse niya. Sumunod na sumakay sina Leslie at Pride. Umiiyak lang ako. Binuksan niya ang makina. Hindi kami umandar kaya napatigin ako sa kanya.

"Hindi tayo aalis dito. Dito lang tayo. Umiyak ka lang. Sige na."

Napaiyak pa ko lalo. Di ko mapigilan. Natutuwa akong malaman na may karamay pa ko, pero masakit pa din malaman na lahat ng nasa loob ng gym, lahat ng nakakita non, galit sakin at iba na ang tingin. Masakit talaga.

"Tandaan mo, naniniwala kami sayo. Wag kang papa-apekto." Sabi ni Pride. Kahit na anong pinagdaanan ko, andyan pa rin sila. Nagtitiwala sakin.

"Hindi nila alam kung gaano ka nahihirapan ngayon, wag mo silang pansinin. Kung alam lang nila ang pinagdaanan mo dahil sa picture na yun, I'm sure maiintidihan nila. Pero may mga tao talagang makitid ang utak. Inuuna ang opinyon sa nakita kaysa sa pag-alam muna ng totoong pangyayari." Sabi naman ni Leslie na naririnig kong umiiyak na rin. "Nasasaktan ako kasi nasasaktan ka. Alam kong may nagawa ako sayo noon, pero kailanman hindi na kita babalewalain pa. Asahan mo, kahit lahat magalit pa sayo, matitira ko dito para magtiwala sayo."

Nadamay ko pa tuloy si Leslie sa problema ko. Nasasaktan siya dahil nasasaktan ako. Nagtitiwala siya sakin. Hindi ko inasahan na yung taong akala ko wala na kong halaga, siya pa ngayon ang taong matitira para panigan ako. Si Kuya na akala ko rin hindi ako importante sa kanya, ngayon siya pa ang nagcocomfort sakin at umiintindi. Si Pride, kahit puro pang-iinis ang alam, nandito at nagtitiwala.

Asan na yung taong lagi akong pinagtatanggol? Laging iniisp ang kapakanan ko? Bakit sila ang nawala? Si Ate? Si Mama at Papa? Si Chrysler?

Alam kong dapat ay tanggapin ko nalang ang kung sinong mga nandito ngayon para sakin. Pero hindi ko maiwasang hindi isipin sila. Mahalaga ko sa kanila diba? Bakit ngayon parang wala na silang bilib? Walang tiwala? Biglang bumaligtad ang sitwasyon.

Natigil ako sa pag-iyak dahil sa mga naisip kong yun. Pagod na ko. Ngayon ko lang narealize, napapagod na kong umiyak at masaktan paulit-ulit. Napapagod na kong umasa na mababalik sa ayos ang lahat.

Epic LoveWhere stories live. Discover now