29

17 1 0
                                    

29

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Walang tao kundi si Kuya at si Pride. Nadaanan ko silang naglalaro ng xbox sa sala. Binati nila ko ng pangaasar pero di ko lang sila pinansin at dumiretso sa kwarto.

Ngayon ko lang narealize, umiyak ako dahil nasabi ko yung mga salitang masakit na yon sa kanya, Pakiramdam ko pa nagamit ako at nawala lahat ng pinagsamahan namin. Feeling ko pagkatapos ng nangyare wala ng Chrysler Celestrio na laging nandyan. I ruined our friendship.

Ayoko ng mag-isip. Itutulog ko nalang to at pipilitin gumising bukas na masaya at normal. Yung walang iniisip na nasirang friendship at walang naramdamang sakit dahil sa pagmamahal. Tangang pagmamahal.

---

But I'm only human

And I bleed when I fall down

Im only human

And I crash and I break down

Your words in my head knives in my heart

You build me up and then I fall apart

'Cause I'm only human

"Ughh! Ano bang klaseng music yan ha, Pride?! Patayin mo nga yan!" Iritado kong sabi pagkababa ko ng hagdan. Nandun silang lahat sa sala at nagkukwentuhan habang tumutugtog ang kantang Human ni Christina Perri.

"Human! Ano ka ba! Ang ganda kaya!" Nagtatawanan sila na para bang tuwang tuwa sa pagmumukha kong sabog.

"Tss bahala ka!" Dumiretso ko sa kitchen para kumain ng breakfast. "Sunget ah!" pangaasar pa niya.

Ughhh! Ang hirap! Ang hirap magpanggap. Ngayon palang umaga masyado na kong halata. Pano pa kaya mamaya?

Last day ko pa naman to para magaral para bukas. Ayokong mauwi sa wala ang kotse koooo! No way! Not because of Chry! Ugh.

Nag-aral lang ako buong araw. Pag natitigil ako ay tinitignan ko ang cellphone ko na baka sakaling nagtext si Chry at sinasabing magkita kami sa may school, susunduin niya ko bukas o kung ano pang madalas naming gawin na naka-sanayan ko na ata.

Ang nakakatawa lang, di naman kami nagbreak pero kung maka-asta ko kala mong kakabreak lang. Tsk. Love can really make people look stupid and act stupid.

--

Natapos ang exams na may doubt padin ako sa kakayahan ko, parang wala naman na-absorb yung utak ko sa review kong ginawa kahapon. Mas madami pa ata yung times na tumingin ako sa cellphone ko kaysa sa libro.

"Heyy pretty woman! How's the test?" Salubong ni Kaiz paglabas ko ng classroom. First time ko ata siyang nakita sa school huh?

"Wow. First time mo pumasok? Di pa kita nakita dito since nung una nating paguusap." Pagbibiro ko sa kanya.

"Well, ganun talaga pag hottie, madalas magtago dahil pinagkakaguluhan. Would you go for a lunch with me?" Maganda ang mood niya ngayon infairness.

"Your treat?" Tumango siya. "Oh sure why not!" Natawa nalang siya at naglakad na kami patungo sa cafeteria. Magaling na ba kong aktor? Akala ko din. Pero nakita kong naguusap si Leslie at Chry sa may dulo. Nakatayo lang sila, mukhang walang balak magtagal. Jealousy filled my heart. I know that this is really not good pero di ko mapigilan.

"Kaiz. Why don't we just waste time sa ibang lugar? Di pala ko gutom. Tara." Hinila ko na sya palabas. Bakit kaya naguusap ang dalawang yon ng wala si Lans? Pano pag nakita sila ni Lans? Kung magkalinawan silang dalawa at maging sila na? I can't imagine. My best friend and my love, together? It sucks!

"What are you thinking? Bakit biglang ayaw mo na kumain? Is something wrong?" Kakaisip ko ay nawala na sa loob kong may kasama nga pala ko

"Wala naman. Some stuffs." Tumango lang siya at naintindihan naman siguro niyang ayokong magkwento, nakarating kami sa bleachers. Bleachers kung saan madalas kaming mag-usap ni Chry. Uhh.

Nagkwento lang siya ng kung anu-ano sakin hanggang sa magbell na at naghiwalay na kami para pumasok sa kanya-kanya naming klase. Last exam of the day.

--

Lumabas na ko ng classroom, naglakad papuntang parking lot. Pero dahil nga lumulutang ang utak ko ngayon, hindi ko na napansin na may dumadaang kotse sa pagtawid ko papunta sa sasakyan namin.

*BEEEEPPP BEEEEEPP* napapikit nalang ako dahil malapit na talaga, mabuti nalang at nakapagpreno yung driver dahil halos isang dangkal nalang ang layo ko sa sasakyan niya.

Natulala lang ako sa kotse. Yellow lamborghini. Shit! Alam ko na kung kanino to!!!! Lalakad na sana ko paalis pero bigla siyang nagsalita.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo pwede ba? Wag kang haharang harang! Pag nasaktan ka kasalanan ko pa!" pasigaw niyang sabi. Napahinto ako. Isang hakbang palang ang nagagawa ko. Double meaning sakin yung huling linya na sinabi niya. Di ko siya nilingon tska ako sumagot.

"Sorry naman kung nakaharang ako ha? Sorry kasi di ko namalayan na dadaan ka pala muntik pa tuloy akong masaktan! Dapat pala umiwas na ko agad para di na nagkaganto!" Double meaning talaga yan. Gusto ko siyang sapakin ng isa! Kahit isa lang! Naiinis ako na ang insensitive niya! Alam niyang masasaktan ako pero sinabihan pa niya ko ng ganun.

Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko, agad ko itong pinunasan at naglakad ng mabilis papasok ng kotse namin.

Naiinis ako sa kanya pero mahal ko siya. Pero siya, alam kong puro inis lang ang nararamdaman niya sakin at yun yung masakit dun.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa loob. Si Pride lang pala! Tsk! Akala ko naman kung sino.

"Ha? Asa naman! Napuwing lang ako!" Pero wala talaga kong lusot, napahikbi naman ako pagkasabi ko niyan sa kanya. Natawa siya at ipinagbahagi ang mga braso na parang nagiintay ng yakap.

"Napuwing pero humihikbi? Unique, though. Haha." Yumakap lang ako, sinabi niya naman kay manong na umuwi na kami. Medyo may pagaalala din si Manong pero nagpalusot nalang si Pride sa mga pwede kong iyakan.

Paguwi namin, dumiretso kami sa kwarto ni Pride. Buti at walang tao ngayon, hindi nila ko makikita.

"Anong nangyari? Tell me." Sabi niya pagkaupo ko sa harap ng study table niya, yumuko ako at saka huminga ng malalim para magsalita.

"Si Chry....nag-away kami." Para naman siyang nakapanuod ng comedy at tinawanan lang ako, what?! Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?!

"Yun lang???" Natatawa tawa pa niyang sabi.

"Nope. You don't understand." Hinarap ko siya. Nakita kong nakaupo siya at nakatingin sakin. "He's madly inlove with my best friend! Leslie! Madly inlove." Di ako makapaniwalang ako mismo ang nagkukumpirma nito.

"What... The.... Fck, dude?!" Di makapaniwalang sambit niya. Nakaangat pa ang dalawan braso niya at nakalahad ang kamay. (Parang "wala eh")

"I feel used, Pride. Di kaya ginamit niya lang ako para mapalapit kay Leslie?" Here I am, crying again for the same reasons.

"No no, don't think like that. Kung yun ang plano niya, di sana noong una palang, sinabi niya na sayong gusto niyang magpatulong kay Leslie." Nagpunas ako ng luha at tumayo, lumipat ako sa kama niya at yumakap ng unan, nakinig lang ako sa sasabihin pa niya.

"You know, wag niyo tong patagalin. Mas matagal, mas mahirap na ayusin. At alam ko namang di niyo matitiis ang isa't isa. Trust me on that" kumindat siya tska ako hinila patayo. Di ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa hindi namin matitiis ni Chry ang isa't isa.

"Tayo na. Dun ka na sa kwarto mo, mapupuno ng luha yang unan ko eh!"

Pumunta na ko sa kwarto ko at humiga sa kama kahit di pa ko nagbibihis. Nakatulog na din ako sa pagod at dahil sa pagiyak.

Epic LoveWhere stories live. Discover now