1

38 2 1
                                    

"Zereeenaaa Xyrellllll! Napakatamad mong bata ka! Manang mana ka sa Papa mo! Tsk! Late ka na naman!" Sigaw ni Mama galing sa baba. Anong magagawa ko? Hindi ako makabangon? Huhuu para namang kasalanan kong ayaw bumangon ng katawan ko T________T

"Maaaa! Half day nalang!!!!"

"Aba putres na bata to, makakatikim ka na sakin ah! Naaout na nga ako sa flappy bird pinapainit mo pa ulo ko?! Baba!"

Wala na ko nagawa, baka maiyak pa ang magaling kong mama. Hay.

Naligo at nagbihis ako ng mabilis. 2 weeks na kaming ganto. 2nd yr college na ko ganito padin ako. Ang hirap talaga promise. Sino bang studyante ang di nahirapan bumangon sa umaga? Diba?

"Asan breakfast ma?" Naglalaro sa ipad si mama tapos di ako pinansin. Napatingin naman ako kay Ate na kakababa lang.

"Nako, tinamad na naman si Mama!!! Palibhasa kasi di mabeat score ko sa flappy bird bwahaha." Sabi ni ate habang nagtitimpla ng kape.

"MAAAAA!" Nakakainis si Mama pag mga ganitong kalagayan. Yun tipong nakakatuwa naman talaga siya dahil nakikiuso, kaso Oa na! Feeling teenager amputek! Huhu nanay ba talaga to?

"Nako! Ang arte mo Zer! Para namang lagi kang nagbebreakfast! Pumasok ka na kaya!" Pangiinis ni Ate.

"Oo nga Xyrel! Bilis bilisan mo't malelate ka na!" Panggatong ni Mama. Grabe na itu. >____<

Kahit labag sa kalooban ko ay nagpahatid na ko kay Manong Lim sa eskwelahan.

Nakita ko agad si Leslie sa gate kaya't sabay na kaming naglakad.

Nagmamadali kaming tumakbo sa hallway ng building namin habang hinahanap ko yung schedule ko sa bag ko. Saktong tumawag si Mama.

"Nak, sorry! Nakakainis kasi si Celest di ko mabeat sa flappy bird. Papadalan kita pera kay Manong Lim para sa labas ka nalang kumain mamaya kasi aalis kaming lahat, di na naman ako makakapagluto"

Dire diretso lang ako habang kinakalkal ang bag ko, di ko naman naisip na nasa hallway pala kami kaya.

"Oh ganun ba ma? Oka-----"

"Sht!!!!! / Aw!!!" Nagkauntugan kami nung lalaki. Shocks naman oh! Ang sakit ah!

Nahulog tuloy yung phone ko! Ugh

"Uy bes ano ba yan di ka kasi tumitingin! Hahahaha lakas ng impact ah!" Galing din ng kaibigan ko eh no? Ako na nga tong nabunggo ako pa sinisi.

Inirapan ko sya na lalong nagpatawa sa kanya. Tas nakita ko yung lalaking nakabunggo ko, dire diretso lang na naglakad at di man lang lumingon para tignan kung ano nangyari sakin >_____< Pumunta na kami sa room namin.

Mamaya ko nalang tatawagan si Mama ulit.

Papasok na sana ko ng pintuan nang may makasabay ako. Gusto kong mauna! Kaso mukhang di gentleman tong unggoy na to kaya nagsiksikan kami. Walang nagpapatalo samin. Nasa likod ko si Leslie na pinapaatras na ko.

"Seriously Les?! Anong trip mo? Tulungan mo nalang akong makapasok! Ugh! Leche naman kasi tong lalaking to! Tabi kasi!"

Narinig kong medyo natawa yung lalaki, at lalo pa kong siniksik. Bwisit ah?! -_______-

"Alam mo pwede mo naman akong paunahin eh! Ang laki mong harang!" Anlakas pala ng boses ko, Buti wala pa yung prof

"Ang isip bata mo din eh no? Pwede namang ako yung padaanin mo kesa pahirapan mo sarili mo. Kitang kita ikaw yung sumisiksik sa gilid ko! Mukha kang surot, ay singit pala. Tsk!" Tawanan naman yung mga ibang kaklase kong nasa loob na.

"Aba! Ang kapal mo din eh no?! Kahit sino wala pang nanginsulto ng ganyan saken! Kahit tatay ko di ako sinasabihan ng ganyan, tas ikaw?! ugh. Bading ka siguro no? Tsk"

Natawa na naman siya. "Tinatanong ko ba? At sorry, di ako bading. Baka ikaw? Mukha kasi eh." Tapos nagsmirk.

"Pucha pala to eh!" Tapos sinapak ko siya sa braso. Mahina lang yun. Di naman ako marunong eh hahahaha

"Ouch." Sabi niya ng walang emosyon. Inirapan ko nalang siya at umatras na para makapasok siya. Bwisit! Natalo niya ko!!!! Ggggghhhh =_____=

"Weak" bulong nya nang makaupo ako sa harap niya.

"Freak" kala niya!!!

"Gay hahaha"

"Gayest" di ko nga alam kung may word na ganun eh. Basta ayoko patalo!!!

"What? Hahhahaha!" Grabe tawa niya. Nakahawak pa sya sa tyan niya at napapahampas sa desk. Napatingin tuloy yung iba sa kanya.

Thanks naman at dumating ang prof sa wakas. Saved by Prof. Hernandez! Hurraaay!

Nagdiscuss siya at nagpasurprize quiz lang, hindi naman mahirap pero Ayos naman.

Natapos ang araw na hindi naman na kami nagpansinan ni Gayest. Baka naspeechless sa sinabi ko. Oh well, wala na kong care sa kanya.

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon