30

12 0 0
                                    

30

Mukhang pinapanindigan talaga ni Kaiz ang sinabi niya sakin noon sa mall na lagi lang siyang andyan. Dahil halos lagi na kaming magkasama simula non. Lagi niya kong pinapatawa, kinukwentuhan, inaasar, nililibre. Lahat na ata ng posibleng gawin para mapasaya ko, ginawa niya na. At naappreciate ko yun lahat. Natutuwa ako pero hindi ako masaya. Tingin ko ang makakapag-pasaya lang sakin ay yung taong nananakit din sakin. Tss.

"So anong gusto mo mamaya? Ice cream or cake?" Naglalakad kami ngayon sa hallway para ihatid niya ko sa klase.

"Nothing. Uuwi nalang ako mamaya, Kaiz. Maghihirap ka na sakin kakalibre mo."

Natawa naman siyang bahagya. "No, dear. I'm a volunteer here! It's my job to make you happy." Napangiti ako dahil talagang consistent siya. Simula palang non, di siya umalis sa tabi ko.

"You don't need to do that. I'm fine, Kaiz" I lied. I'm not really fine. It still hurts pero parang ngayon, mas nangingibabaw ata ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na sinaktan niya na ko ng paulit-ulit, siya parin.

"If you say so. Sige, see you sa cafeteria mamaya." Kumindat siya at umalis na. Mukhang ililibre pa din niya ko.

--

Natapos na kaming kumain ni Kaiz. Natatanaw ko mula sa upuan namin si Chry. Kasama ang teammates niya. Bukas na nga pala ang game ng basketball. Sisikat na lalo si Chry niyan. I should watch it.

Umuwi na kami pagkatapos kumain at natulog na agad ako paguwi.

--

CHRYSLER's POV

Pagtapos nung araw na nagka-sagutan kami ni Zer, ni hindi na kami nagusap totally, halos di na nga din niya ko tignan. Wala akong intensyon na gamitin siya sa simula palang, I'm not that kind of person.

"Bro, let's talk" andito ko sa kwarto. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, guilt? Alam kong nasaktan ko siya, doble doble pa, hindi ko naman sinadya yun, ayokong masaktan siya, I care for her. Nadala lang ako ng galit.

Tumayo na ko para sundan si Kaiz. Siya ang lagi nakakasama ni Zer ngayon mula nung araw na magaway kami. Hindi ko alam kung bakit ako bothered, alam ko namang di ko sinadya lahat ng nangyari.

Masakit din naman kasi yung mga sinabi niya sakin non. Lalo pa at hindi naman totoo.

Pero sa ngayon, I miss her. I miss everything about her. Kahit yung mga kababuyan niya kapag kumakain, mga kwento niya, everything, even the smallest details about her. I miss Zereena.

"Bro, alam mo ba kung anong problema ni Zer? Ikaw." Nagulat ako sa biglang pagsabi ni Kaiz niyan. Anong alam niya? Nagsasabi ba si Zer sa kanya?

"Hindi man siya nagsasabi sakin ng kahit ano, alam kong ikaw, sa pag-iwas palang niya kapag andun ka sa lugar na yon, sa pag-iyak niya madalas, alam kong ayaw niya lang magsalita dahil alam niyang kapatid kita. What got into you? Bat mo sinaktan?" Now he's talking like an older brother, huh.

"You don't know the whole story. And I won't tell you. Bahala ka kung ano man yang naiisip mo, but to make it clear, wala akong intensyon na saktan siya." Nandito kami sa rooftop at nakasandal siya sa railings, ganun din ako.

"Dude, wala kang intensyon, pero nasaktan mo na. Nagawa mo, unintentionally. Mahal ka niya, alam mo yun?" Tumango lang ako. Alam kong may sasabihin siya sakin na makakapag-ayos ng magulo kong utak... at puso.

"Chrysler, mahal ko si Zereena, ayoko siyang masaktan. Pero kung ikaw naman yung mahal niya, at sasaktan mo lang siya, siguro dapat gumawa nalang ako ng paraan para ako nalang ang mahalin niya." Di na ko nagulat sa sinabi niya, yung salita palang niya kanina, mahal niya. Pero di ko hahayaang mapa-sakanya si Zer.

"What? I won't let you do that. Ako ang mahal niya. Hindi ikaw." Hindi ko alam. Bigla nalang lumabas lahat yan sa bibig ko.

Lumapit si Kaiz na parang iritado na. "Baket, mahal mo ba siya? Ha?" Matigas ang pagkasabi niya. Halatang nagpipigil ng inis.

Mahal ko ba siya? Natigilan ako sa sinabi ni Kaiz.

"Ayusin mo muna yang puso mo bago mo ko mapigilan sa balak ko. Move on, bro! It's been three years, alam kong wala na yang feelings mo kay Leslie. That's just your ego. Naapakan ang ego mo dahil akala mo pinaasa ka niya kahit wala naman siyang binigay na assurance o kahit ano man! Wake up! Alam kong may nararamdaman ka para kay Zer. You just don't know dahil akala mo si Leslie pa din. Tinatak mo sa utak mo eh. Bahala ka. I'll continue my plan." Umalis na siya doon. Iniwan akong naguguluhan at di makapag-isip ng maayos. Damn! He's making things more confusing! Akala ko matutulungan niya ko!

--

Epic LoveWhere stories live. Discover now