52

7 0 0
                                    

52

Nag-ayos ako ng damit na dadalin para sa adventure time namin. Syempre hindi mawawala ang pasyalan tuwing magpupunta rito. May backpack ako na may laman na mga damit at tsinelas. Nagrubber shoes muna ko dahil magjajogging kami tapos diretso swimming. Mago-overnight din kami sa Tanawan Beach Resort na malapit sa cliff na tinalunan namin noong last na punta ko dito.

"Ready na lahat? Ipagdadrive nalang kayo ni Manong Lim, doon kayo sa van sasakay. Di pwedeng magdala ng sasakyan don, baka mawala." Sabi ni Mama.

Dala ko rin ang mga pagkain namin ni Chry. Si Pride at Kuya kasi ang nagteam up. Tapos si Renz at Sean, si Mareese at Ced tapos si Ate hindi sumama. Pinaiwan siya nila Mama at Papa. Ano kayang gagawin niya dun? Boring kaya kapag konti ang tao sa bahay.

4 am palang kaya madilim pa. Hanggang 6 am kami magjajogging tapos dadaanan nalang kami ni Manong sa mini mart.

Enjoy naman dahil nagkaron din kami ng karera. Nagkarera si Sean at Chrysler inorasan namin, nauna si Chrysler habang si Sean naman ay naligaw pa kaya nahuli. Bwahaha! Pati si Chrysler nakikipag-harutan at lokohan na sa kanila. Lahat ng kalokohan alam eh.

"Oh, water." Nasa van kasi yung mga gamit namin para hindi na kami babalik sa bahay.

"Thanks." sabi ko kay Chry. Nandito na kami sa mini mart at nagpapahinga. Naoccupy nga namin yung mga chairs dito.

"Oy si Manong andyan na!" Sigaw ni Renz. Nagtawanan naman kami dahil todo kaway pa siya. Akala mo namang nangangampanya. Pati mga tao dito natatawa sa kanya. Lumabas na kami at sumakay na sa van.

**

"Wooow." Manghang sabi ni Pride. Nakakamangha naman talaga dahil parang nasa loob kami ng jungle tapos may pathway patungo sa isang resort. So parang resort sa gitna ng gubat. Nice.

"Aray naman." Reklamo ko nang may makabunggo sakin, muntik na kasi akong mabagsak sa lupa. Buti at nahawakan agad ako ni Chrysler. Huminto naman yung babae at nagulat kami pareho ni Chrysler sa kanya.

"Vyanna?"

Anong ginagawa niya dito?

"Oh! Razo?! Oh my god, I didn't expect to see you here!" Maarteng sabi niya at hindi man lang ako pinansin o nag-sorry man lang dahil sa pagkabunggo niya.

"Vyanna. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" Tanong naman ni Kuya habang nagpupunas ng pawis. May dumating na tatlong babae, kasama si Monica. At tatlong lalaki, kasama naman si Kaiz. bakit sila pa?? >_____<

"Oh, Chrysler Van! Andito ka rin pala!" Malambing na bati noong katabi ni Monica. Naka-two piece siya at may sarong. Inangat niya ang shades niya at nakita ko ang magandang mukha niya.

"Ah. Klariz." Bati ni Chry sa babaeng kumausap sa kanya.

"Oo nga pala. Sila ang mga kasama ko sina Monica, Klariz, Lindsay, Gary, Kaiz and Lyro." Pagpapakilala ni Vyanna sa kanila habang isa isang tinuturo. Tumango naman si Kuya at napatingin kay Kaiz. Uh-oh. Ex nga pala ni Vyanna si Kaiz at si Vyanna at Kuya ay may something.

Hinatak naman ni Kuya si Vyanna para makapag-private talk sila. Habang ako ay pinakilala ni Chrysler sa kanila. Si Monica naman ay nakatingin lang sakin na parang nandidiri pero hindi niya pinapahalata sa iba. Pinakilala din ni Chry ang mga pinsan ko at nagsi-tanguan din sila. Umalis na ang grupo nila Monica pero hindi pa bumabalik sina Kuya at Vyanna.

"Grabe! Ang ganda nung friends mo, dude." Manghang sabi ni Sean na nginisihan lang ni Chrysler.

Nakarating na kami sa tutulugan namin. Bungalow style house na may limang rooms. Sa isang kwarto ay may dalawang single bed. Maganda at malinis ang bahay kaya komportable naman.

Epic LoveWhere stories live. Discover now