6

14 0 0
                                    

Back to school after ng bitin na pahinga. I'm feeling really tired kakapakinig sa walang kwentang mga discussions everyday, well I value my studies pero may time lang na wala ako sa mood magaral. At ito yung time na yun. Tsk.

Sumabay pa na kaklase ko si Chrysler sa subject na ito at lagi niya kong pinapahiya. Una, pagpasok sa pintuan palang, ulit! Papasok na sana ko kaso bigla niyang isinara kaya muntik na ko tumama sa pinto!!!! Ugh!! Pangalawa, sa upuan, may natambak pala siyang juice sa chair ko tapos di man lang niya ko ininform at hinayaan niyang maglagkit ako dun!!! At ito ngayon, kakasagot ko lang sa tanong ng Professor at pinatunayan niyang mali ako sa klase. Small things pero ang laking kabawasan sa pagkatao. Tsk! I should take my revenge the next time around.

Natapos ng matiwasay ang klase na iyon pero wala man lang ni isang letra ng sinabi ni Prof ang pumasok sa tamad kong utak na to. Ewan ko ba, puro kasi kabwisitan ang dinulot ni Chrysler sa kin. -_______-

Lumabas na agad ako ng pintuan pagkadismiss ng klase at sumabay naman si Chry sa paglalakad. "Mind if I join you, Zer?" Masyado pang nagpapaka pormal eh, plasticity is the perfect word

"Yes. I would. So, get out of my sight" naiinis ako sa presensya niya. Lalo na sa pagsmirk smirk nyang yan!

"Wow, looks like the red flag is up huh Zer?" Di kami close so why does he keep on calling me Zer?!

"Get lost!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko patungo sa parking lot at sumakay agad ng kotse. Ewan ko kung sumunod ba siya or what, I don't care! Really! "Ok na ko manong, what are you looking at?" Nakatitig lang kasi siya sa side ko.

"Maam, yung kaklase niyo ho ata may importanteng sasabihin. Ayan oh" nakaturo siya sa bintana sa side ko. Suddenly my instincts told me not to turn my head on that direction. But I did

"Aaahhhh freaking shiz!!!!!" Napasigaw ako sa loob ng sasakyan dahil si Chry nasa may labas ng bintana kanina, nakasilip at tumatawa, at nung nakitang nagfreak out ako ay nakahalukipkip na siya sa may tabi ng puno.

"Ay ayos lang po ba kayo maam?" Natataranta na ding tanong ni Manong Lim

"Opo manong. Nagulat lang ako. Sige baba lang po ako sandali."

"Ok po."

Bumaba ako at lumapit kay Chry na may hawak na papel na winawagayway pa niya habang papalapit ako

"What?" Umirap pa ko habang papalapit

"Tsk, inutusan ako. Bigay ko daw sayo, I almost forgot"

"Ahwkay." Kinuha ko mula sa kamay niya yung papel.

"Ano ba to?" Tanong ko habang binabas ako yung nasa papel

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa laman nun. "What the hell?"

Natatawa siyang tumingin din sakin. "I was actually dumbfounded after I received that."

Ano ang laman ng papel?

To: Mr. Chrysler Celestrio and Ms. Zereena Dervena,

We would like to inform you that our university has chosen you to be the Mr. and Ms. Sophomore for the upcoming pageant of our college department next week that will be held on our gymnasium. Please report to us immediately about your concerns. Thank you and good luck!

From:

Management of Zaider University

Talaga namang nakakatawa yung mga ganyang kabagayan ano. Binibiro ata ako nito eh. Pageant? Ako? What the fudge?!

"Bakit tayo?" Nakasimangot kong sabi

"Gwapo kasi ako, tapos sayo, no choice na ata" umalis na siya habang nakasmirk. Pero huminto siya ng ilang hakbang palang. "Inform mo nalang ang Mama mo, tapos tska tayo magpunta sa office kapag nakapagdecide ka na"

Siya kaya? Nakapagdecide na? Si Mama? Sure naman na papayag yun! Ipinagkakanulo ako nun sa mga ganyang klase ng labanan eh! Ewan ko ba sa nanay ko! Masyadong mataas ang tiwala sakin. Palibahasa kasi, di niya napapapayag si Ate. Kaya ako ang pinupush

Sumakay na ko sa kotse habang pinagiisipan ang pageant na to. Mr. And Ms. Sophomore? Duh? Tapos Freshmen, Juniors and Seniors ang kalaban? Ughhh

----

"Anak! Sali ka na! Sige na please!!!! Alam mo pakiramdam ko talaga binase yan dun sa acquaintance party niyo eh! Kaya napili ka! Sure na ko dun Xyrel! Kung ako sayo gorabels na ko dyan!" Pangungulit ni Mama na may kasamang yugyog sa balikat ko

"Ma naman! Gagastos na naman sa damit!!"

Nakasimangot si Mama at umakyat sa taas. Mula pagdating ko kinukulit niya na ko. Dapat pala di ko muna ipinagpaalam at nagdecide na muna ko, eh kaso ganun din naman.

Umakyat nalang din ako sa taas para magpahinga at magisip isip. Since 1st year high school nagpupumilit na si Mama sa ganyan. School pageant, mga pagandahan sa pagitan ng magschoolmates, di naman ako pumapayag dahil nahihiya ako at wala akong kaanu ano sa sarili ko, kaya walang tiwala. Eh ngayon? I guess it's payback time. Mapaligaya ko man lang si Mama dahil sa pageant na to. Ok, I'll go.

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon